Chapter 5

1K 16 8
                                    

Jeron's POV

Ikaw kayang lalaki ay sipain ko under your belt. Matutuwa ka ba? Hindi diba? Magagalit ka pa. Kasi ang lakas ng loob gawin yun sayo. Halo-halong inis at galit ang mararamdaman mo lalo na ang masakit. Kasi masakit talga yon, promise *raise right hand (A/N: Wala akong alam sa mga lalaki. Nababasa ko lang din yung ganun. Haha. Babae po ako) 

Pero nung sipain ako ni Miks, masakit syempre pero hindi ako nagalit o nainis sa kanya. Weird right? Baliw na ba ako? I think it's because i like her. Ee like lang yun aa, dati pag may gusto akong babae at kahit maganda pa siya ee ayaw ko kung may nakita akong pangit sa kanya.

Kakaiba kasi si Miks, hindi siya natatakot masira ang image niya bilang babae. sino ba namang matinong babae ang maninipa sa lalaki dun diba?

Kanina pa ako nakatayo dito. Nag walk out na rin kasi si Miks. Pero nakakatuwa kasi nagba blush siya. Eh sa maganda siya wala ako magagawa dun. Parang ako lang, gwapo ako, ganun talga wala na din akong magagawa dun, inborn eh.

'Jeron!' Rinig kong sigaw at nang tignan ko ay si Ara.

'Oh bakit?' Tanong ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa bench sa tabi ng puno. Umupo na din ako pero dahan dahan lang masakit pa rin kasi.

'Ano problema mo? Naputol ba? Haha!' 

'Kagagawan to ng magaling mong bestfriend!' Sigaw ko. Nagtataka kayo bakit kami close? Kasi friends at business partners ng parents namin. Ewan ko ba bakit hindi ko agad nakilala si Miks. 

'Bakit? Hinarass mo siguro  noh? Hahaha!' Tawa na naman siya. Edi siya na masaya. Atsaka hinarass na nga yung bff niya masaya pa siya. Baliw neto. 

'Harass? Harass ba tawag dun? Eh muntik ko lang naman siya halikan ah. Pasalamat siya hindi ko pa siya nahalikan. Madami nangangarap na mahalikan ako.'

'Sus! Asa ka pa! Mas gusto pa niya mahalikan ang floor ng gym at bola ng volleyball kesa dyan sa nguso mo.'

'Choosy pa siya.' Then I pout.

'Yang pag nguso nguso mo. Laos na yan. Muka kang bakla! Hahahaha'

'Parehas kayo ng bff mo! Magsama kayo!' Sabi ko at dahan dahang tumayo. Pero kakatayo ko pa lang ay nagsalita siya.

'Ako na lang ang magwo walk out Jeron. Mahihirapan ka. Mas mabilis pa maglakad ang pagong kesa sayo eh. Hahaha' Hinampas pa ako, na sa lakas ng hampas niya ay muntik na ako mapa upo. Leche! Mukha ba akong bola ng volleyball at balak pa akong i-spike? After nun umalis na siya. Yun ata ang baliw eh. Hindi ako. 

Natapos ang araw ko ng masakit pa rin pero hindi na gaano. Pagkalabas ko ng last subject ay may nakaabang na babae sa akin at agad pumulupot sa akin.

'Hi babe. Tara date tayo' At hinila na ako para maglakad pero tinanggal ko lang ang kamay niya na nakapulupot sa akin. Parang linta lang? Hindi ko nga kilala kung sino to ee.

'I'm tired and I don't want to come with you.' Sabi ko. Pero imbes na sumuko at umalis ay ngumiti pa siya.

'Yan ang gusto ko sa lalaki, mataray pa sa babae. Tara na babe. I will give you the best' Sabi niya with a flirty smile. Dati gusto ko yung ganyan pero ngayon ayoko na.

'Hoy Playboy!' Si Ara. at kasama si Miks. Nakatingin lang si Miks sa babaeng kasama ko. Lumapit sila sa amin.

'Napaka playboy mo! Hey, miss! Don't you know na yung nilalandi mo ay taken na? Kaya stop assuming, hindi magiging kayo kahit sa panaginip mo. Kaya lumayas ka na.' 

Yung girl naman ay umalis na. Natakot ata. Maldita din kasi itong si Ara eh. Parehas sila ng bff niya. Walang pakialam sa iba. Hahaha. Medyo lang naman.

'Ikaw naman Mr. Playboy! Hindi ka ba makuntento sa isa? Ang landi mo!'

'Hindi naman ako ee. Sila lumalandi sa akin. Gwapo kasi ako.' At humimas himas sa baba ko at tumingin sa ibang direksyon.

'Kapal ng mukha mo.' Si Miks. Napatingin naman ako sa kanya na diretsong nakatingin at seryoso ang mukha.

'Feelingero ka lang Mr. Playboy. Haha. Alis na ako Daks. May klase pa ako eh. Ingat ka ah. Lalo na dyan oh. *turo sa akin. Bye' At nag wave siya sa amin habang papalayo. Harmless naman ako aa :3

'Alam mo Miks baby, itong mukhang ito ang makakasama mo habang buhay.' Sabi ko at nag smile. Syempre nag blush na naman siya. Ang ganda talaga niya.

'San ba gawa mukha mo? Sobrang kapal kasi, gusto mo sapakin ko? O kaya hampasin ko ng martilyo para masira at mabawasan ang kapal.' At ako naman ay natawa. As in natawa. Lakas ng loob eh

'Hahahahahaha! Hahahaha! Is that a joke? You're so funny Miks! Hahaha' Then tinaasan ako ng kilay.

'I'm serious. May sasabihin nga pala ako sayo' 

Seryosong sabi niya. Natahimik naman ako kasi ang seryoso talaga. Yung tipong parang may kasalanan ka at hindi mo alam kung ano tapos nalaman ng magulang mo. Bigla ako kinabahan. Baka ano nalaman neto. Ee lumandi lang naman ako ee, mali pala, sila ang lumalandi sa akin.

Lumapit siya sa akin at diretsong nakatingin sa mata ko. Buti na lang walang tao ngayon sa corridor. Kami pa lang kasi yung maagang na dismiss ee. Pati yata si Miks at Ara. Kami lang ang tao ngayon dito kasi maaga pa naman.

Were an inch close at in any move ay pwede ko siya mahalikan but i can't move. And pinagpapawisan ako at yung tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

'Know what Jeron Teng? Playboy ka nga pero...ang pangit mo talaga! Hahahaha' 

Pagkasabi nun ay umalis na siya. At ako? Naiwang naka nganga. Nadala yata ni Miks ang kaluluwa ko. 

The Varsity Couple (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon