Chapter 2

13 0 0
                                    

2nd week na mula ng pagpasok namin ng 3rd year. Hindi ko na nga pala naikwento yung mga nangyare last week, wala naman kasi masyadong kaganapan. Walang mga prof, onti lang yung nagsipasok mga wala pa sa kalahati. Tapos puro introduction lang ginawa.

So eto na, 2nd week na agad AND Tuesday ngayon. Kahapon din kasi wala din ginawa, nangtrip lang yung professor namin (Ma'am Jenna) tapos gumala lang kami ulit. Ngayon 7am to 9pm ang klase namin. Grabe no?

Nasa school na kami at nagkkwentuhan ng biglang dumating yung prof namin, si Ma'am Alexis, mga 8am, oh late din sya diba? Hahaha.

Math to kaya nakakatamad. Habang nagtuturo sya nagdadaldalan lang kami nila Maine. Pasimpleng bulong para di mapagalitan. "Be alam mo ba kanina may nakasabay kami magjowa, gayuma be ang pangit nung babae tas pang-wattpad yung lalaki." Bulong ni Maine. Kahit kelan talaga ang daming kwento netong mga kaibigan ko. Hahaha. Di nauubusan e.
"Oh talaga? Sweet ba?" Tanong ko naman.
"Oo p*ta, super." Biglang singit ni Anne.
Napalingon samin si Ma'am Alexis dahil napalakas ang boses ni Anne. Akala namin papagalitan na kami, medyo kinabahan na ko nang biglang sabi ni ma'am "Anong topic nyo?" Hahahaha natawa tuloy buong klase.

10am na. Natapos ang 1st subject ng masaya. Walang napagalitan hahaha. After matawa ng klase kanina nagkwento na lang si Ma'am Alexis tungkol sa buhay nya. Kesyo may anak daw sya na ganto ganyan. Di ko na tinandaan, hindi naman kasi ie-exam yun e.

Kain muna kami kasi next subject namin mamaya pang 12-3. Yung prof namin dun bakla. "Masungit kaya yun? Sana hindi." Isip ko habang kumakain ng favorite food ko, sisig hehe. Kumain lang kami at bumalik na din ulit ng school. Sa labas kami ng school kumakain, pano yung pagkain sa canteen 45 pesos. E sa labas 30 lang may juice ng kasama. Sayang yung kinse pamasahe na din yun. Hahaha.

Natapos din ang paghihintay. 12 na. Papasok na kami. Medyo nakakatamad pa magklase kasi may hang over pa kami sa bakasyon. Sarap kaya magpuyat tas magising ng late. Hahaha.

Ano ba yan 12:45 na wala pa din yung prof namen. "Dapat pala tinagalan natin yung kain. Late din naman pala pumapasok yun si Sir Paco." Sabi ni Angel.
Ang tatamad talaga netong mga to, pero "Oo nga eh. Nabitin tuloy ako sa sisig ko. Tara balik tayo kakain pa ko." Sagot ko.
"Puro pagkain inaatupag mo. Kaya ang taba mo eh." Sabi ni Anne.
"Wow sayo pa talaga nanggaling ah. Eh mataba ka din naman." Pagkontra ko sa kanya.
Bigla namang nagtawanan ang grupo. Nagkakaasaran na nang biglang dumating yung prof, lagpas 1pm na. Bakit ba tuwing naguusap usap kami biglang dumadating yung prof. Mga wrong timing lagi kainis hahaha.

Nagpakilala tas nagdiscuss lang ng kaunti yung prof. Di nya dinamihan ang pagtuturo dahil karamihan sa amin wala pang libro. Natapos ang 2nd subject namin ng 2pm. Tamad pala yun si sir Paco eh. Ang saya naman netong semester na to. Hahahaha.

Bumalik na kami sa mall para dun magpalipas ng oras. 4 hrs ba naman ang hihintayin bago ang last subject. Malamang nakakainip yun. Pasyal dito pasyal doon, kain, kain, kwentuhan, harutan, hanggang sa napagod na kami at bumalik na ng school. 5pm palang nasa classroom na kami. Hindi daw kasi nale-late yung prof na yun. Law pa naman ang subject namin sa kanya kaya mukang terror. Kinakabahan na ko.
"Law diba mahirap daw yun? Puro memorization ba yun? Tsk ano kayang midterm exam natin dun? Baka lahat ng batas ipamemorize nun. Babae kaya yun o lalaki? Baka bakla no? Tingin nyo nangbabagsak yun?" Sunod sunod kong tanong sakanila. "Hahahaha. Kumalma ka nga. Hindi mo pa nga nakikita kinakabahan ka na. Hahahahaha." Sagot ni Anne.
"Laughtrip ka be praning mo. Hahaha" -Maine.
Pero di pa din nawala ang kaba ko. Iniisip ko kasi yung prof na yun.
"Pano kung sungitan kami? Pano kung namamahiya pala yun? Hay bahala na nga." Sabi ko sa sarili ko.

Lumipas ang ilang minuto ng pagkkwentuhan tungkol sa mga walang katuturang bagay.
"Be c-cr lang ako ah. Gel, samahan mo ko." Paalam ni Maine.
"Ayoko tinaamad ako. Ang layo kaya ng cr dito!" -Angel.
"Samahan mo na eto talaga oh." Sabi naman ni Anne kaya napilitan na din si Angel samahan si Maine.

Hinihintay namin sila Angel at Maine bumalik ng may biglang pumasok sa pinto,

Naka white na barong sya, kaya disente at malinis tignan. Maputi, matangkad, naka poker face nga lang sya nung pumasok kaya mukhang masungit pero p*tngina, ANG GWAPO.

"Wow" Yun na lang ang nasabi ko...

At ayun na nga. Totoo na, dumating na yung professor na na nagpabago ng buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon