Tawiran

2 0 0
                                    

Sa tawiran, sa tawiran kita laging hinihintay pagkatapos ng ating mga klase.
Nakagawian na kasi natin yun. Kahit na di naman tayo magkalapit ng bahay na inuuwian. Minsan ako ang naghihintay sayo, minsan naman ikaw. Depende kung sino ang unang lumabas satin.

At ngayon excited na kong pumunta sa tawiran, at ang saya ko nung nakita na kita at naghihintay sakin doon, pero agad ding napawi ang sayang nararamdaman ko nung nakita kong kasama mo sya. Si Aya yung babaeng matagal mo ng gusto, yung laging mong kinekwento sakin. Napatingin ka sakin, kaya agad akong ngumiti sayo para di mo makita na nasasaktan ako.

Nung tuluyan na kong nakalapit sainyo, kitang kita ko na ang saya mo. Sabay pinakilala mo sya sakin at sinabi mong "Anna, si Aya. Girlfriend ko" sobrang saya mo, na di ko magawang itanong na "Ken, paano? Ang bilis naman?" kaya imbes na itanong yun, ngumiti na lamang ako muli, natatakot muli na makita mo ang tunay kong nararamdaman. Siguro nagkalakas ka na ng loob din katulad ko. Minamahal ka ng palihim natatakot na masira ang kung ano mang meron tayo ngayon.

"Wow, Ken sa wakas nagkalakas loob ka narin!" sabay tawa nating tatlo. "Oo nga Anna, akalain mo matagal na pala syang may gusto sakin. At gaano rin ako sakanya. At pareho lang pala kaming natatakot na umamin." sabi nya. Ngumiti na lamang ako bilang tugon natatakot na magsalita pa muli at baka mapansin na nila na nasasaktan na ko. Tiningnan ko si Ken halatang halata, makikita mo sa mga mata nya pag tinitingnan ka nya ay mahal ka nyang talaga at ganun ka rin sakanya.

At pagkatapos nagpaalam ka na tulad lang dati, mag uusap tayo tapos magpapaalam ka na. Pero na ngayon may kasama ka ng iba. At ako naiwang mag isa sa tawiran nag uunahang lumabas ang mga luhang kanina ko pinipigilang bumuhos.

TawiranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon