Episode 1: Dream Come True

1.9K 21 6
                                    

      Nagsimula ang lahat sa isang panaginip. Isang panaginip na hindi malilimutan ni Ryokin. Bukod sa napakahiwaga ng panaginip na ito, napapadalas na din ata ang pagsulpot nito sa isipan ng isang ordinaryong binata.

          Napakahiwaga ng panaginip na iyon. Naganap iyon sa mismong bahay ng kanyang lola sa Funabin, kung saan nakatira ang kanyang mga pinsan at kung saan sila madalas nagbabakasyon. Ang tanging nakikita lamang niya sa panaginip na iyon ay ang pagtayo nila sa isang bahagi ng bahay na iyon kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Shuri at ang kanyang pinsan na kaedad ng kanyang kapatid na si Yona, kung saan may kung anong liwanag ang nanggagaling sa tinatapakan nila. At katulad pa rin ng dati ay magigising siya sa kanyang pagtulog dahil sa tunog ng kanyang alarm clock.

Sochira: Ryokin, Shuri the breakfast was ready!

Shuri: I’m coming mom!

Sochira: Shuri, where is your brother?

Shuri: He is still in his room, mom.

Sochira: You better call him now. Go upstairs and knock him at his room.

          Gaya nga ng inutos ng kanyang ina ay umakyat siya upang tawagin ang kanyang kuya.

Shuri: Kuya kakain na tayo…

Ryokin: Papunta na…

          Si Ryokin ay magfofourth year highschool na sa Ashiyubi Higschool sa Denwa na kalapit bayan ng Utsuwa kung saan sila nakatira. Fourteen  years old na siya habang ang kapatid niya ay nine years old na. Ang kapatid niya na si Shuri ay mag-gragrade five na sa Byaku Elementary School sa Utsuwa. Ang kanilang ama na si Kayobi Waishatsu ay isang nurse sa Zekan Medical Hospital sa Dobutsu. At dahil napakalayo ng Dobutsu sa Utsuwa, once a month lang nakakauwi ang kanilang ama. Si Sochira naman na ina nila ang nag-aalaga sa kanila.

          Tahimik na kumakain ang tatlo nang dumating ang kanilang ama.

Kayobi: Andito na ako, may dala akong pizza.

Shuri: Daddy, namiss po kita.

          Niyakap ni Shuri ang kanyang ama.

Ryokin: Ha’ay naku, sumipsip nanaman ng dugo ang kuto.

Shuri: Daddy o, si kuya.

Kayobi: Ryokin, ang aga-aga pa lang pero inaasar mo na kaagad ang kapatid mo.

Sochira: Ha’ay naku, masanay ka na sa mga anak mo.

Ryokin: Ha’ay naku, kahit kailan talaga Shuri daddy’s girl ka.

Shuri: Dad o, si kuya inaaway nanaman ako.

Sochira: Tama na yan kumain na tayo.

          At masaya ngang kumain ang pamilya. At nang matapos kumain ay naghanda na ang pamilya para umalis. Magbabakasyon kasi sila sa Funabin na malapit sa trabaho ni Kayobi sa Dobutsu na isang bayan lang ang layo mula Funabin.

          Sa Imoto, Funabin sila tutungo. Doon sa bahay ng Lola Sofu niya na nanay ng dad niya. Doon nakatira ang Uncle Mushiba Waishatsu niya, ang nakatatandang kapatid ng papa niya at ang asawa ng Tita Kaidan niya. May lima silang anak, sina Renzu na pinaka-kuya nila, Sokogawa ang pinaka-ate nila, Sashimi na ka-edad ni Ryokin, Yobi na tinatawag na Mushiba Jr., at Yona na ka-edad ni Shuri.

          Si Renzu ang pinakamatanda sa kanila. Ang kadalasang kasama nito ay si Yobi at Hajimaru, pinsan din nila na anak naman ni Uncle Midori Waishatsu niya na mas bata sa papa niya. Tatlo ang anak nito sa unang asawa. Sina Osara na panganay, Hajimaru ang masasabing blacksheep ng magpipinsan, at si Owaru ang bunso. Pero madalang na lang nilang makita sina Osara at Owaru dahil nakatira ang mga ito sa Dobutsu doon sa bahay ng kanilang ina na galit sa ama nila na si Uncle Midori. Habang si Hajimaru ay nasa Imoto,Funaabin din, doon sa bahay ng mga kapamilya ng magpipinsan na malapit lamang sa bahay ng Lola Sofu Waishatsu niya na nasa Heya na ngayon na malayo sa Zekan kung saan matatagpuan ang Funabin, Dobutsu, Utsuwa, Denwa at marami pang iba. Kaya naman si Uncle Mushiba na niya ang may-ari ng bahay ng Lola Sofu niya. Nakatira na kasi ang Lola Sofu niya sa Heya kasama ng Tita Kisha niya na bunsong kapatid ng dad niya.

Card Captors "The Reincarnation of the Clow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon