Episode 4: Partners in Crime

151 3 1
                                    


          Maagang nagising ang lahat ng araw na yun. Gaya kasi ng napag-usapan ay pupunta sila sa Kisetsu Water Park.

Sashimi: Wow excited na akong pumunta sa Water Park.

Sokogawa: Ahmm… Mom, Dad, Tito Kayobi at Tita Sochira… Kami po nina Kuya Renzu, Sashimi at Yobi ay may munting proposal.

Yona: Ano naman yan? Bakit hindi kami kasali?

Sashimi: Kasali koyong tatlo kasi kayo ay hindi nararapat na sumama sa Water Park at yun ang proposal namin.

Kaidan: Ano ba yan?

Yobi: Di ba hanggang hapon tayo sa Water Park?

Sochira: Oo naman!

Renzu: Kaya nararapat lang na maiwan silang tatlo dahil ayon sa ating schedule ay sila ang gagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay.

Yona: Paano naman nangyari yun? Eh sina Ate Sokogawa at Ate Sashimi ang naka-assign ngayon sa paglalaba at kayo ni Yobi ang maglilinis ng bahay. At taga-hugas lang kami ni Shuri, at si Kuya Ryokin naman ang maglilinis ng bakuran natin.

Sokogawa: Mali ka dun dahil nagpalitan tayo ng schedule dahil kami ang naglaba last week at si Ryokin ang maglilinis ng bahay dahil nakipagpalit din siya kina Kuya Renzu at Yobi nung isang araw.

Sashimi: Kaya ang schedule ay maglalaba at maghuhugas kayo ng pinggan. At si Ryokin naman ang maglilinis ng buong bahay pati na din ng bakuran.

Mushiba: Tama sila dun, hindi niyo matatapos ang mga yun kung sasama kayo sa amin. Maiwan na lang kayo sa total ay nagpunta na kayo doon kahapon.

Yona: Pero Dad…

Mushiba: Wala ng pero-pero dahil ang desisyon namin ay ang maiwan kayong tatlo.

Ryokin: Mukhang na-isahan niyo kami doon ah!

Sokogawa: Tama ka jan!

Ryokin: Sa bagay pinagsawaan ko na ang Water Park.

Yona: Eh paano naman kami ni Shuri?

Shuri: Kaya nga, it’s unfair!

Yobi; Better luck next time!!!

          Nagkatawanan ang magpinsan maliban na lang kina Yona at Shuri na pinagtatawanan. Hindi na nagtagal ay umalis na sila papuntang Water Park habang nagsimula nang maglinis sina Ryokin, Yona at Shuri.

Yona: Ano ba yan, ang daming lalabahan.

Ryokin: Bilisan niyo na lang jan dahil patapos na akong maglinis ng bakuran at loob ng bahay.

Yona: Ok!

Shuri: Yona tutulungan na kita jan.

Yona: Nahugasan mo na ba yung pinagkainan?

Shuri: Oo, natapos ko na.

          Habang naglilinis si Ryokin ng salas ay may nakita siyang Sakura Card sa ilalim ng sofa.

Ryokin: Yona, Shuri, tignan niyo ito!

Yona: Mamaya na lang naglalaba pa kami.

Ryokin: Ang galing naman, may nakatago pa lang Sakura Card dito sa bahay.

          Nagpatuloy siya sa paglilinis hanggang ang matira na lang ay ang kuwarto nila. At nagulat siya nang makakita ulit siya ng Sakura Card na nabuhusan ng ink kaya hindi niya nalaman kung ano yun.

Ryokin: Wow, dalawang Sakura Card pala ang andito.

Shuri: Kuya pakikuha yung mga hanger.

Ryokin: Ok!

Card Captors "The Reincarnation of the Clow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon