Prologue

14 3 2
                                    

Dear Bias,

Salamat sa inspirasyong naibigay mo sa buhay ko,

Dahil sa iyo nagsumikap akong mag-aral at naabot ko ang top 9 sa klase ko.

Salamat dahil tuwing titingnan ko ang picture mo sa lamesa ko,

Nawawala ang hirap na hatid ng math exam ko.

Hirap akong magreview pero dahil sa iyo kinakaya ko,

Ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko bukod sa magulang ko at Panginoong Diyos.

Minsan hiniling ko na sa Maykapal na sana ikaw ang tadhana ko,

Pero isang napakaling imposible ng hinihiling ko, dahil ang taas mo at di kita maabot.

Nasa SoKor ka, ako'y nasa Bacoor,

Hindi ako makapunta sa mga concert nyo.

Pero alam mo todo support ako nung Mama Awards na,

Kahit nagmumukha akong tanga sa Com.Shop.

Para akong natatae na hindi mqapakali dahil ayan na kayo at kumakanta ng Run,

Hindi ko maitago ang ngiti ko at kilig kahit sa screen ko lang kayo nakikita.

Pero nawala yung ngiti nung mamatay ang computer at sinabing timeas up na,

Tinago ko yung inis ko dahil ubos na ang perang pang-extend, pero nangibabaw pa rin ang saya dahil na i-download ko na, sa wakas.

Sa sobrang pagkafangirl ko, pati weibo ng entertainment nyo sinesearch ko,

Www.weibo.com/BTS_Bighit, nakita ko lang yan, kaka browse ng picture nyo sa cp ko.

Pasensya na kung pati stolen shot mo, sinesave ko sa USB ko,

Pati kalakohan nyo dina-download ko.

"Ate 5 minutes pa po." yan ang madalas kong sinasabi pagmalapit na ang time ko,

Saloob ng limang minuto binibilisan ko ng mag-save ng photos nyo.

Pagdating sa bahay pinagtyatyagaan ko itong ilipat sa phone ko, gamit ang connector na kinuha ko sa kuya ko,

Lahat ng twitter accounts ng mga spazzer nyo, fina-follow ko.

Yung weibo nag-try akong gumawa ng account pero wala akong maintindihan,

Buti na lang nandyan si Google translator kasi lahat ng caption nyo sa photos nyo titranslate ko.

Wag nyo intindihin ang bashers nyo, dahil andito ako #CertifiedArmy,

Andito pa ang No.0 fan nyo, pinagtatanggol ko kayo kay bashers.

Salamat uli dahil sa bawat comeback nyo, may bago na namang kantang magbibigay inspirasyon sa kagaya kong fan ninyo,

Minsan iniisip ko pano kung sa SoKor ako nakatira at ka-edad nyo pa?

May pag-asa kaya na makita pa kita?

Oo, alam ko babarahin ako, ang pag-asa nasa Molino, otso pamasahe.

O Jimin at Taehyung ng buhay ko,

Di ko kakayaning mawala ang isa sa miyembro nyo.

Pagnakikita kong may kasama kayong babae sa MV nyo, nagseselos ako.

Nung napanood ko ang War of Hormones, ikaw Taehyung may niyakap ka, sa Beautiful na may tumulak sa iyo, di ko matanggap.

Alam ko wala akong karapatan na magselos,

Isa lamang akong hamak na fangirl ng grupo na binubuo ng pitong miyembro.

Sa milyun-milyong fans nyo, ma notice nyo kaya ako?

Alam kong malabo, dahil ang tipo nyo ay maganda, girl next door kumbaga.

Isa lang naman akong estudyante ng public school.

Ang lakas ko lang kasing mangarap na pati maging ikaw at ako hiniling ko na.

O kaya, sana kapatid mo na lang ako,

Ang last episode ng TRB nyo, pinag-iipunan ko na, kahit gen-ad lang sapat na.

Makita lang kayo ng personal, once in a lifetime solve na,

Ninong, ninang paki-advance naman po ng pamasko.

Pandagdag lang sa TRB na pinag-iipunan ko, pati pang bertdey ko isabay ny na,

Pramis pagbubutihin ko pa ang pag-aaral, parang-awa nyo na.

Eto ako nagsusumikap para makatapos at makahanap ng trabaho,

Hindi hadlang ang kahirapan para magawa ko iyon.

At para balang araw kahit makailang balik ako dyan sa Korea. Ok lang.

Hindi ko na kailangan pang mag com. shop para mapanood ka.

Dahil live ko nang gagawin iyon, VIP pa.

Kahit magkaroon ako ng anak at asawa di ko kayo kalilimutan.

Itatago ko yung mga alaala ng pagiging fangirl ko,

Nagpakabaliw, umiyak, nagpaindak, napakanta ako dahil sa inyo.

Salamat sa magandang naidulot nyo mga bias ko,

Dadalhin ko ang mga alaala na iyon hanggang kamatayan ko.

Salamat nga pala sa Panginoon dahil ginawa Nya ang magulang nyo,

At nabuo kayo sa pagmamahalan ng ina't ama nyo.

Salamat din sa doktor na nagpaanak sa mama nyo,

Salamat ulit Jimin at Taehyung ng buhay at puso ko.

Pati na sa lima pang miyembro na bumubuo sa Bangtan, salamat.

Nagmamahal at magmamahal,

~ asawa ni Taehyung at Jimin, Jennifer

***

I Need YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon