11 ways to forget your Ex boyfriend
written by HaveYouSeenThisGirL
story, plot and typographies by Denny R.
May 15, 2011 – April 27, 2011
11 Ways to Forget Your Ex-boyfriend
1. Put away all remnants that remind you of your ex.
2. Make his name a bad word.
3. Do new things that will keep yourself busy.
4. Indulge yourself.
5. Meet new people.
6. Entertain suitors.
7. Go out on a date.
8. Have atleast 3hrs call with a guy you dated
recently.
9. Enjoy his company.
10. Evaluate your feelings.
11. Dare to fall inlove, again.
Introduction
"Sena, don't tell me wala ka nanamang balak galawin yang pagkain mo?"
Tinitigan ko lang yung pagkain ko habang ginagalaw galaw ko ito ng tinidor ko, "Ang sakit, Kate. Sobrang sakit."
"Ng alin?" tanong nya habang nginunguya nya yung pagkain nya, "Ng tyan mo? Baka natatae ka? Ibanyo mo
lang yan tapos balik ka ulit dito pag tapos ka na."
"Gaga. Hindiako natatae, hindi tyan ko ang masakit."
"Eh alin? Puson mo? Baka meron ka?"
Naipahid ko na lang sa mukha ko ang dalwang kamay ko, "Eeee. Hindi yun! Yung puso ko! Ang sakit ng puso
ko!"
"Aaah." walang gana nyang sabi, "Gusto mo tanggalin ko na yang puso mo ng wala ng masakit? Wait ah, kunin
ko lang dito sa bagpack ko yung gunting ko..."
Yumuko sya at umaktong may kukunin sa backpack nya, pinigilan ko ito, "Wag! Ayoko! Ayoko pa mamatay!"
"Eh ang arte arte mo eh, sabi mo masakit puso mo. Para walang masakit, tatanggalin ko na lang yan!"
"Napakasadista mo talaga!"
"Atleast hindi ako katulad mong tanga, ang tagal tagal nyo ng break ng boyfriend nyo! magfa-five months na hindi
ka pa rin makaget over!"
"Hindi naman ganun kadali yun eh."
"E sus, ako pa sinabihan mo? Eh naka-apat na major break up na ako at alam ko kung gaano kasakit nuh pero
hindi ako katulad mo na nagmumukmok ng ganyang katagal. Naiintindihan ko kung hindi ganun kabilis maka-
move on pero yung magmukmok ng ganyan katagal ang hindi ko maintindihan sayo. Hindi na yan normal eh, OA
na yan bestfriend. OA!"
"Eh anong magagawa ko?" naiiyak na ako, "Mahal ko pa eh! Ramdam ko pa rin yung sakit!"
"Oi, wag kang magsimulang umiyak," tinuro nya ang tinidor nya sakin, "Ayokong makita kang umii yak ulit. Wag
mo ngang iiyakan yang ex mong walang kwenta, mga katulad ni Allen hindi dapat iniiyakan!"
"Sssh!" lumapit agad ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya at bumulong, "Hinaan mo boses mo, nasa hindi
kalayuang table lang sina Allen. Wag mo banggitin ang pangalan nya."