Friend Request

2 0 0
                                    

Friend request

??

Sino kaya to?

*open*

Adrian Triña

Sino to? Omayghad. Parang pamilyar yung apelido niya?

Ahh ! Middle name nung dalawa kong tropang lalaki. Hahaha wait coconfirm ko nga muna.

Makapagchat nga sa Paraiso. (Yan yung pangalan ng group namin)
" Rien ! A ! Kilala niyo tong Adrian Triña?" - ako

"Oo. Pinsan namin yan. Bakit?" - Rien

"Ahh. Hahaha inadd ako eh"

"Nice naman. " siya

Lakas hahaha alam ko na ibig sabihin ng nice naman nito. Mang aasar lang sakin to. :3

Confirmed.

Yan na. Wala namang masama eh.
Ang boring naman. Pag bakasyon talaga, wala ng bago sa routine ko. Gigising. Magfefacebook. Twitter. Lalamon. Tutulog. Watdafak napakaboring jusq. Sa gc naman di ako ganong makapagchat. Katamad. Tsaka mabibitter lang ako sa mga tao dun. Hahaha magjojowa ba naman eh. Sina Ace at Jane mag-mu, Joy at Rien magjowabells, si Clariss at Ben ganun din. Hays ako lang walang jowa sa kanilang lahat. Hahaha STUDY FIRST!!

Makapaghapunan na nga. Tomguts na ko hahaha

8:22

Yoooown! Bondat na naman tyan ko hahaha langya lakas ko talaga kumain. Bayaan na. Haha what is feeling happy ako pag kumakain

*toot*

Hmm? May nagchat na naman siguro sa gc. Kinuha ko na yubg cp ko sa kama. Dun ko kasi iniwan nung kumain ako.

Adrian Triña messages you...

:\

Hmm? Bakit kaya?

"Good evening po"

Ay may pag po. Hahaha ang galang naman ni koya

"Good evening din. Wag na pong mag-po hahaha"

"Ahh sige hahaha"

Hmm dama ko mahiyain to. Di kagaya nung mga pinsan niyang ugok kung magchat eh. Hahaha

"Pinsan ka nila Rien di ba? Hallo ulit"

Huwaw feeling hyper ako at the moment hahaha

"Oo haha. Kilala mo si joy?"

Siguro alam na nitong jowa ng pinsan niya bestfriend ko.

"Yass. Bestfriend ko yun. Y?"

"Ahh wala naman."

Chinat ko si Joy. Kwinento ko sa kanya na kausap ko yung pinsan ni Rien na si Adrian. Ayun kwinento sa jowabells niya. Tuloy inasar kami ng inasar. Nalaman ko na nandun pala yun sa bahay nila Rien at inaasar niya na din. Juskoday.

Nagtutuloy tuloy yung pag-uusap namin hanggang matapos yung gabi. Nagbakasyon pala siya dito sa manila. Taga batangas siya. Orayt dun din hometown ko hahaha malayo nga lang samin yung sa kanila.

Tong mga kupal oh puro asar na agad natatanggap ko hahaha

"Goodnight"

"Goodnight din :)"

Hanggang sa matapos na kami mag-usap. Aga naman. 9:00 pa lang oh. Wag mong sabihing matutulog na agad siya? Hahaha WEAK !

Mga 10 pa ko natutulog haha may 1 hour pa para mag fb at twitter. what is routine talaga ?

Haay inaantok na ko. Makatulog na nga. Umakyat na ko sa taas para matulog. Naabutan ko sila mama at papa na tulog na. Iisa lang kasi yung kwarto naming apat. Dalawang kama lang. Magkakaconnect yung kama namin. Ako at si ate magkatabi tas si mama at papa naman. Oo alam kong maliit lang bahay namin pero masaya naman. Yun ang importante. Hahaha

Back to reality. Naglinis muna ako ng muka bago humiga. Parang antok na antok na ko pero parang di ako makakatulog. Y iz it? Naiisip ko yung convo namim kanina. Hmm beri wrong.

Nakahiga at nakapikit na ko pero yung diwa ko gising na gising pa rin. Nagfaflashback lahat ng pinag-usapan namin. Wow first time to ah.

3:27

Deym. Anong oras na di pa rin ako nakakatulog. Buti na lang talaga bakasyon kundi paktay ako nito. Sabog siguro ko sa school kung may pasok. Hahahaha

Nahiga na lang ulit ako at pinilit matulog.

Talk To StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon