Nagising ako ng mga 8. Lol parang di naman ako natulog. Hays ang bigat ng pakiramdam ko. Yung feeling na sabog na sabog ka. Yun yung nafifeel ko ngayon. Di bale babawi ako ng tulog mamayang hapon.
Kinuha ko yung cellphone at salamin ko sa ibabaw ng desktop. Dun ko naman lagi pinapatong yun pag matutulog ako.
Binuksan ko agad yung wifi para makapag-ol.
Adrian Triña sent you message...
Ageyy ang aga niya. Hahaha
"Good morning :)"
Naks may pag ganon. XD
"Good morning din"
"Kumain ka na?"
Pake mo? Charot. Hahaha rudeee
"Di pa. Ikaw?"
"Oo. Hahaha kain na"
"Hahaha sige"
Shet wala akong masabi hahaha
Nagtuloy-tuloy lang yung pag uusap namin. Random topics.Chineck ko yung profile niya. Oy di ako stalker ah. Syempre titignan ko lang. Baka kasi serial killer na tong kausap ko at kinakaibigan lang ako para gawing biktima niya. Ok ang praning ko hahaha imposible yun. Pinsan niya naman yung mga ugok at halos kapareho niya naman ng attitude.
Adrian Jayson Triña
Tinignan ko yung profile pic niya. Pwede na. Matangkad siya. Di ganong kaputian. Medyo makapal kilay. Magpipinsan nga talaga sila. Hahaha kilay palang pak na pak na.
Yung profile niya overexposed. Dama ko retrica to. Haha may kasama siyang mga lalaki tas isang babae. Chubby yung girl. Haha cute. Baka gf niya to or crush.
*toot* *toot* *toot*
Shemay sa gc siguro to.
Paraiso messages you..
Oh di ba? Hyper na naman sila. Makisali nga.
Psh wrong move. Nakisali ko sa daldalan nila pero ako yung napagdiskitahan kesyo nag-uusap ba daw kami ni Adrian ganern
"Yieee kamusta naman kayo ng pinsan ko?" Ace
Pucha hahahaha lakas niyo mga tsong.
"Wala." ako.
Naks showbiz
Kausap ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayun nagsusumbong ako sa mga pang-aasar sakin ng mga pinsan niya. Hahaha parang bata.
"Wehh? Eh nakikita namin chat niyong dalawa" Rien.
WATDAPAK?! BAKIT NIYA PINAPAKITA ? KAYA NAMAN PALA NANG-AASAR YUNG MGA KUMAG! ARGHHHH
"Oyy nakikita nila yung chat natin. "
Kainis talaga. Pag lantaran ba naman. Alam niya namang naiinis ako sa pang aasar ng mga pinsan.
"Sorry. Tinitignan kasi nila. Tatago ko na."
"Geh."
"Sorry na. Wag ka ng mainis"
Psh. Nababadtrip talaga ko. Pwede niya namang itago eh. Hinahayaan niya pang makita ng mga pinsan niya whooshoo
"Uy wag ka ng magalit. Pinagalitan ko na sila"
Ay wow. Ano ka tatay? Hahahaha
""
Bayaan ko muna siya. Naiinis talaga ko.
"Sorry na pls"
Ang pabebe ko naman ata kung di ko pa patatawarin to. Napakasimple lang naman ng kinaiinis ko. Hahaha tsk
"Sige na. Okay lang"
"Hay salamat."
Wow ah. Bat ganun parang kakakilala lang namin kahapon pero kung umasta siya parang magjowa kami. Hahahahaha watdapak is that word? Magjowa? Tss