A New Beginning

7 0 0
                                    


Sa pag dilat ng aking mga mata, aking nakita ang lugar na di pa ako pamilyar. Bagong kisame, bagong kwarto. Kada taon lumilipat kami ng bahay dahil sa trabaho ng aking mga magulang. Kaya kada isang taon lumilipat din ako ng school, kaya wala rin akong masyadong matalik na kaibigan. Ako si Darren, isang third year highschool student ngayong taon.

Sa pag bangon ko sa kama ala na akong naabutan sa aming bahay. Siguro pumasok na sila mama at papa. Lumabas ako sa aming bahay upang mag libot at makabisado ko ang daan ko papuntang school. Maraming puno sa gilid ng daan kaya medyo mahangin at presko habang naglalakad. Naisipan ko magpahinga muna sa isang convenience store, umupo ako habang umiinom ng soft drinks. Parang may natatapakan akong bagay, pinulot ko at ibibigay ko sana sa counter pero bago ko magawa yun nalingon ako sa isang babaeng palapit sakin. Tinanong ko siya "Sayo ba to?" tumungo siya at nagpasalamat. Inalok niya ko ng makakain, umupo kaming dalawa sa loob ng convenience store. Tahimik lang kami, siguro pareho kaming nahihiya makipag usap. Tuloy tuloy lang ang katahimikan naming dalawa. Pero nasira ang katahimikan noong nagsalita siya.

"Uhm, thank you ulet ah~ Nahanap mo yung purse ko."  Sinabi niya ng medyo mahina pero narinig ko naman kahit papano.

"Ahh, wala yun. Naisip ko kasi baka may imporanteng bagay jan kaya balak ko sana ibigay sa cashier tapos sila na mag-abot pag may nag hanap."

"Hahaha.. buti nga naabutan ko pa eh para napasalamatan kita ng harap harapan.. bago ka lang ba dito?

"Yep, kakalipat lang namin dito eh. Alam mo ba kung saan yung school na to?" Sinabi ko sakanya kung saan ang school na aking papasukan.

"Dito kaba mag-aaral? Dito rin ako nag-aaral eh.. anong year kana?"

"Third year highschool na ko sa pasukan."

"Oh??? Ako rin! Sana magka section tayoooo~" Sinabi niya habang masigla.

"Pwede mo ba ituro sakin kung san daan papunta sa school natin?"

"Oo naman!"

Ngumiti siya at tumayo sa aming kinauupuan, sinundan ko siya hanggang makarating kami sa school na papasukan namin bukas. Nakabisado ko na ang daan papunta sa school namin. Sa loob loob ko gusto ko siyang maging kaklase, pero hanggang pangarap ko lang siguro yun. Habang pauwi nagkahiwalay kami dahil magkaiba ang direksyon ng aming mga bahay.

Pag pasok ko sa aming bahay wala pa rin ang aking mga magulang, kaya umakyat ako at nagbukas ng facebook. Dito lagi kong nakakausap ang mga kaibigan ko online, dalawa sa pinaka matalik kong kaibigan na si Darius at Kyle. Nagkwentuhan kami ng mga nangyare sa araw namin, di ko napansin na puro siya ang nakwento ko. Siya.. Doon ko palang na realize na di ko natanong ang pangalan niya.

"Darren, tanghali na gumising kana!"

Tumayo agad ako sa aking kama dahil ngayong araw ay ang unang araw ko sa bago kong school. Kumain ako ng agahan, Naligo at nauna akong umalis ng bahay kesa sa aking mga magulang. Pagkatingin ko sa aking orasan ay 6:30am palang 30 minutes pa bago mag roll call sa classroom.

"30 minutes pa, siguradong di ako male-late." yun ang gusto kong sabihin sa sarili ko pero, di ko maalala yung daan na tinuro sakin nung babae. Saktong 7am noong nakapasok ako sa school kaso di ko alam kung saan ang room ko kaya nag hanap pa ko. Pag tingin ko sa sign [ Section 3-A ] agad akong kumatok at pumasok. Lahat sila nakatingin na kala mo kriminal ako. Tinuro saakin ng teacher namin kung saan ang aking upuan. Pag lingon ko katabi ko yung babaeng nakilala ko sa convenience store. 

"Annie De Torres." tumayo siya at nagpakilala sa harapan. Di ko na naririnig ang mga bagay na sinasabi niya pero nakatingin lang ako sakanya na parang huminto ang oras na di ko maintindihan.

"La Cruz. DARREN DELA CRUZ."  nagulat ako noong sumigaw yung teacher namen dahil ako na pala ang susunod na magsasalita sa harap. Nagpakilala ako ng may ngiti sa aking mukha.

Sa aking pag-upo, binigyan ako ng papel ni Annie.

[ Darren pala pangalan mo, ako nga pala si Annie nakalimutan ko magpakilala kahapon >3< ]

[ Di ko rin inaasahan na magiging magka section tayo Annie. Mas maganda kasi pag may kakilala kana sa section niyo ee. CX ]

Tuloy tuloy kaming nag usap sa pamamagitan ng papel. Maraming nakipag usap saakin, nakipag kilala rin ako at nakipag kaibigan sa iba kong kaklase. Mga bandang uwian sabay kaming umuwi ni Annie, kung ano ano ang nalaman namin sa isa't isa. Matagal na pala nag-aaral doon si Annie.

"Ngayon lang tayo nagkakilala pero parang ang tagal na natin magkakilala noh?" sabi niya habang kami ay pauwi.

"Oo nga eh hahaha~"

Di ko matatanggihan, na.. na.. nagkakagusto na ako sakanya.

Araw-araw kaming nag-uusap ni Annie, araw-araw sabay kumain ng lunch, araw-araw sabay umuwi pero isang araw, di na ako yung kasabay niya umuwi. May nanliligaw na pala sakanya noon pa, at sinagot niya na yun. Araw-araw pa rin kaming nag-uusap, araw-araw pa rin kaming sabay kumain ng lunch. 

Ganto nag simula ang 3rd year highschool ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon