Kylie's birthday

11 1 4
                                    

It's June 25 naaaa!! And guest what? Birthday ngayon ni Kylie. And guest what uli. May pakain syaaaaaaa!!! Hohohoho. Mabubusog nanaman kami mamaya. Every year kase talagang may handa si Kylie tuwing birthday niya pero mas special lang ngayon kase nga isusurprise naming sya. Hihihihihi..

"Hi guuuuuuuys!!" bati samin ni Kylie. Akala niya siguro babatiin namin siya.hahahahah!!

"hi kyle...." Sabi ko na walang gana.

"uy happy birthday Kyle..." sabi din ni marren na walang gana.

Syempre, bumati din ang iba naming kabarkada pero wala ding kaganagana.

Sakto namang nag ring ang bell kaya pumunta na kami sa line formation namin para sa flag ceremony.Nakita ko namang lumungkot ang mukha ng bruha. Hahahahaha!!Well its part of the plan. Papalabasin namin na parang wala kaming pakialam sa birthday niya by being cold to her para mamaya talagang masusurprise siya.Heheheheh!!

Recess time na, at ang eksena sa table namin ay...

"Huy!! Yung sampong piso mo...Bibili pa ako ng cake tsaka gift ni Kylie mamaya!!" sabi ng treasurer ng barkada na si Diane.

"Wait!! Wait!! Wait!! So mauuna na lang kami mamaya tapos kayo ni Aika at Nicole ang bibili ng gift?"tanong ko kay Diane.

"Oo Lin, kayo ng bahala, sabihin niyo na may pinuntahan pa kaming importante para hindi siya maghinala" sabi ni Aika.

"Okay, okay" pag-agree ko.

"Guys!! Guys!! Guys!! Si Kylie!! Papunta dito si Kylie!!" sabi ni Krista.

Pagkarinig namin ay agad naming tinago ang mga sampung piso na nakakalat sa mesa at ang listahan ng mga hindi nakabayad para sa gift at cake ni Kylie.

"Oh guys!! Anong meron?" tanong ni Kylie ng nakita niya kami.

"Wala naman... nag-chichika chika lang...Sali ka?" sabi ni Jean para hindi kami mabuko. LOL

"Oh talaga?? Ano nanaman yang bagong chismis nayan?" excited na sabi ni Kylie. Syempre magiging interesado yang bruhang yan. Number one pa naman sa pagka chismosa yan.

Pero kahit ganon ang pinapakita ni Kylie ay alam kong pinipilit niya lang maging jolly at masaya. Ganyan kasi ang personality ni Kylie. Kahit mahirap sa kalooban niya ay pipilitin niya paring maging masaya. Sa katunayan ay marami na siyang pinagdaanang pasakit sa buhay. Ni wala nga siyang permamenteng bahay at hindi niya rin kasama ang mga magulang niya pero kahit ganon ay pinipilit niyang maging positive dahil alam niyang may rason at may magandang plano ang diyos para sa kanya. Inaamin kong hindi ko alam ang buong istorya sa buhay ni Kylie. Eh kase naman hindi naman yan nagsasabi ng problema niya eh. Malalaman mo na lang pagmaynangyari na. haaaaay!! Kaya ngayong birthday niya sisiguraduhin naming totoong magiging masaya siya.

Dismissal na. Nauna na kaming bumaba. Nasa 4th floor pa kase ang classroom namin eh.kapagod!! kaloka!!

"o Dianne kayo na ni Aika at Nicole ang bahala ah! wag kayong papalpak kudi sisipain ko kayo!" pagbabanta ko kay Diane.

"Oo na Lin! Kami ng bahala" sabi niya sabay wink. Pa wink wink pa siya, indi naman bagay..TSE!

"Kylie tara punta na tayo sa Mcdo!! Gutom na ako!" malayo palang ay dinig ko na ang boses ni Krista para ipaalam sa amin na nandyan na si Kylie.

"Ay Kylie nanjan ka na pala" pasimpleng sabi ko "so tara na?"

"Kompleta na ba tayo? Nasan si Nicole tsaka si Diane? Wala din si Aika"

Sabi niya.

"Ay ewan ko sa mga babaeng yun.. may pupuntahan pa daw eh, susunod na lang daw sila"

"Ah Okay" halata naman ang pag kadismaya sa boses ni Kylie. Hindi niya alam na may surprise kami. Hahahahahahah!!

Papunta na kmi sa Mcdo at walang humpay pa rin ang pagtetext namin kina diane kung nasan na sila.

"Nakuha na daw nila ang cake" bulong sakin ni Red.

"Eh ang gift?" sabi ni Marren.

"Bibili palang sila ng gift, pagkatapos nun, diretso na sila sa Mcdo"

"Ayos!!" sabay naming sabi ni Marren.

Sa Mcdo.

Tinitingnan ko lang si Kylie habang seneserbahan nya kami ng pagkain. Kami naman nagkukunwaring nagtetext o nag chichismis. Nararamdaman ko ding sobrang dismayado na siya.

"Nasan na sina Nicole? Itext nyo nga..."sabi nya. Trying to be as jolly as possible.

"papunta na daw sila" sabi ni Red.

"ahh okay mamaya ko na sila oorderan pag nandito na sila"

Maya maya naman ay dumating na sila.....

Sa kasamaang palad....

"Oh nandito na pala sila!" si Kylie ang unang nakakita sa kanila at agad na pumunta si Kylie sa kanila para tanungin ang order nila at...

"What the----" gulat na sabi nya.

Nakita nya si Nicole na hawak ang cake na may pangalang 'Happy Birthday Kylie!"

"Kylie naman eh!! Dun ka nga! Umupo ka dun kunwari di mo nakita!" sabi ni marren na nakatayo sa gilid ni Diane.

Sumilay naman ang munting ngiti sa labi ni Kylie "okay okay kunwari hindi ko nakita...sige na! Go!"

Umarte naman si Kylie na hindi nya alam. Ng pumasok sina Nicole sabay sabay kaming nag sabi ng 'Happy Birthday Kylie'.

Umarte namang nagulat si Kylie.

"WOW!!! Hindi ko talga inaasahan to!!! Pramis!!" sabi nya with a sarcastic tone.

Nagtawanan ang lahat dahil sa epic fail na surprise namin kay Kylie. Kaininis naman kasi tong si Kylie eh!! Hindi marunong maghintay!!

Hahahahahah!!





Hi guys!! Medyo mabagal muna ang updates ko ngayon kaya bibigyan ko na lang kayo ng teaser para sa next update.....



TEASER: May crush si Keno!!! Sinetch kaya si girl? At ano ang magiging reaksyon ni Elina kapag nalaman nya itooooooo???



Abangaaaaaaaan!!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon