Sweet Sundae

0 0 0
                                    

Here I am, nagfo-food trip mag-isa.

Naggagala-gala lang ako habang nakain. Yung isa kong kamay, may hawak na isaw at yung isa, may hawak na palamig.

Saya noh? Street foods. hahaha

Naupo ako sa park. Wala masyadong tao dito, siguro mga sampu lang. Naubos ko na yung isang stick kaya kumuha ulit ako ng panibago sa dala ko.

Nang maubos ko 'to, napagpasyahan kong magpunta ng SM.

Pumasok naman ako sa Mcdo. Hihihi makapag-fries.

Um-order ako ng tatlong large fries. Naupo ako sa isang sulok. Iniintay ko yung order ko.

May napansin naman ako sa kabilang table. Lalaking nakahood. Kulay maroon pa yung hoodie niya. Ang ganda. Pero he looks familiar.

Humarap sa banda ko yung lalaki and I was shocked. Yung crush ko! Omg. Ang gwaaaapooo!! Omo. Tinanggal niya yung hood niya sa ulo niya. Sheeeet. Gwapo talaga! Ang puti niya. Tapos yung kilay, makapal pero hindi naman masyado. Medyo bilugan yung mata. Ang tangoooos ng ilong tapos yung... yung lips! Can I kiss them!? hahahaha joke. Kissable na kissable kasi! Pula! Parang cherry! Can I eat that cherry? hahahaha joke lang ulit.

Naramdaman niya siguro yung pagtitig ko kaya... napatingin siya sakin. Tae, tumigil ba ang ikot ng mundo?! dug dug dug

Then... he suddenly...

...

...

...

smiled.

Napaiwas ako ng tingin.

I think I can die now! Pero joke ulit. Di pwede! Haaay natunaw yata panty ko don! Pero ngumiti ba talaga siya?!

Nginitian niya ako?! Is this even true? Am I dreaming? Omg.

Maya-maya lang, dumating na yung order ko. Pero nagtaka ako ng may kasamang sundae...  na nakalagay sa largest cup ng drinks. Vanilla ice cream lang siya, walang chocolate or whatever. Bale, ice cream lang ng Mcdo. Nilapag ng lalaking crew yung ice cream na yon sa table ko.

"Excuse me? I didn't order this." Sabi ko sa kanya.

Ang sumunod na sinabi niya naman ang nagpagulat sakin at nagpatibok ng puso ko sa di malamang kadahilanan.

...

"Yes Ma'am, but someone wants to give you this." Then, he handed me a red sticky note.

I read it and smiled to the guy in the other table.

Hi Ella! I know you love this. So here is your favorite ice cream. Thank you for making my day complete again.-Kris, your secret admirer


Si crush...

...crush din pala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet SundaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon