Knock... knock..
Anubayan! Natutulog ako eh, tapos may mangiisturbo!Knock...knock
"Dawn! Dawn! Anuba! Gumisisng kana! Male-late kana sa first day of school mo. !!"At sa sobrang gulat ko na ngayon na pala ang first day of school ko.. bigla akong napabangon sa kama at dumiretso sa CR para maligo.
Paglabas ko ng CR dalidali ako nagpunas at nag bihis...
Pagkatapos kong magbihis, bumaba agad ako sa Sala para mag ayos ng sapatos at tignan ang chrcklist kung ano pa ang mga dadalhin sa school.Nang papalabas na'ko ng gate.. naalala ko na hindi pa pala ako nakapagsuklay. Pumasok ako agad sa bahay at humarap sa salamin, sinuklay ko ang buhok ko at nagheadband...
"Naku! Yung relo ko pala!"
...
Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang relo sa study table."Ate!! Ate!! Yung allowance ko ?! Nag-iwan ba si mama ng allowance ko?"
Ma-sweet na tanong ko kay ate.
"Ate!! Anubayan! Hnd mo nnman ako pinapansin! Ate, alam mo male-late nako!"
Naiinis na tanong ko dito.
At dahil hindi sya sumasagot sa mga tanong ko, naisip ko na umakyat sa sariling niyang kwarto at doon nalang siya tanungin.
Bago ako umakyat sa hagdanan. Naisip ko na tignan muna ang wallclock.
"Huh?! Tama ba 'tong nakikita ko?! Tama ba to?!! ATE!!!!!!!!"
Malakas kong sigaw kay ate...
"Bhuwahahahahahahaha!!!"
Malakas na halakhak ni ate!!"Ate!! ATE, Naman eh! Anong oras mo'ko ginusing?! Eh, 6:30 palang eh! Nakaka-inis ka nmn!
"Whahahahahahahaha"
Hay! Naku! Napagtripan nanaman ako nitong ate kong walang magawa sa buhay kundi asarin ako at pagtripan... at sa sobrang inis ko sa kanya, nagpunta nalang ulit ako sa kwarto ko at nagtwitter.
"Anubayan, hindi parin ako napapansin ni 'pantasya' ko. Hanggang ngayon, sharon parin ang ka-tweet niya.. pati sa instagram, naka-private sya at ang tagal-tagal ko nang nagrerequest na ifollow ko sya tapos iniignore lang ako...Hay! Buhay walang pag-ibig nga naman.., makapag-facebook na nga lang.."
·Wow! Ang ganda ng post niya.. -Like!
·Ohhhh!! Hahahahaha!! Grabeng patama to ahhh!! -like&Share"Dii !! Oras na! Bumababa kana jan, malelate kana tlga."
Sigaw ng ate ko galing sa baba.
Tinignan ko ang relo ko para masigurado na hnd niya na ako mapagtripan ulit."Oh, 6:45 na pala."
Bumaba na ako galing sa kwarto at dumiretso sa gate. Nang bigla kong narinig na sumigaw si ate..
"Dii !! Hindi ka pa nag-aalnusal!!"
"Ate, sa school nalang... Kaya nga may canteen diba?!"
"Ahhh! Kaya nga may canteen diba?! Ang canteen po ay para sa recess at snacks... for school supplies also if they have school supplies."
"Yeah right!! Basta ate sa school nalang.. bye!..love you !!"
At dumiretso nako sa kanto at sumakay ng tricycle ..
"Manong sa Fathima po"
Mga ilang kanto lang naman ang madadaanan para makapunta sa Fathima school ng valenzuela.
"Manong magkano po?"
"Special ka neng eh, 40 lang"
Binuksan ko ang aking backpack at ..
"Anak ka naman ng pating!"
Nakalimutan kong kunin yung allowance ko kay ate !!
Buti nalang dala ko yung wallet ko, kung saan dito ko inilalagay ang mga tira-tira kong pera. Katulad ng barya at mga bente-bente."Thank you lord! Akala ko wala akong ipambabayad sa tricycle .. haha. Oh, kapag sineswerte la nga naman oh. May 100 na buo pa, hay salamat!! Hindi ako magugutom."
Ibinigay ko sa tricycle driver ang buong 100.
"Neng, wala kabang barya jan?"
"Manong naman, ibinigay ko na nga lahat at ng buo.. hindi pa ba sapat yan? Nanghihingi ka pa ng sobra?"
Biglang may nagsaluta sa likod ko.
"Minsan kasi dapat hindi mo ibinibigay lahat. Magtira ka din para sa sarili mo."
Habang ako gulat na gulat... nanglaki ang mga mata ko at dahan-dahan na humarap sa likod ko.
"Whaaaaaa!! Ikaw pala ashley!"
Masaya kong sigaw !!!
Sabay buglang nagsalita si manong driver ...
"Hay! Naku!! Kayo talagang mga kabataan!! ..."
Biglang ibinalik ang bayad ko at sinabing ...
"Libre ka na nga!"
Habang naka-ngiti !
"Oh? Talaga kuya?! Ahahahaha... promise kuya, sa susunod doble na ang bayad ko sayo .."
Sabi ko naman kay manong driver.