INVISIBLE.
-Story by: JazzDance
----
FEBRUARY 25, 2013
JS PROM
CLARISSA'S POV
Princess Elaine.... calling
(C-Clarissa , E-Elaine)
C: Hello?
E: Bes! Sa wakas sinagot mo din.
C: Bakit ka napatawag?
E: Wala lang. Excited na kasi ako mamaya eh.
C: Sa Prom? Tss.
E: Ano ka ba girl. Wag ka ngang bitter. Ka-partner mo naman si Kevin eh. Ang gwapo kaya nung bestfriend mo na yun.
C: Whatever. End ko na 'to.
E: Fine. Kitakits mamaya ah? Babush!
Prom na namin mamaya. Kaso, hindi tulad nila, hindi ako excited. Hindi ko kasi ka-date yung gusto kong maka-date. Si Carlo.
May ka-date na kasi siya eh. Kaya si Kevin ang ka-partner ko, bestfriend ko siya since elementary.
Pagkadating ko sa venue, madami nang tao. Sinalubong agad ako ni Kevin.
KEVIN'S POV
Pagkadating na pagkadating pa lang ni Clarissa, binati ko na agad siya. Ang ganda niya talaga. Walang kupas.
Oo, mahal ko siya. Dati pa.
Kaso tanggap ko naman na hindi ako ang mahal niya. Masakit. Lalo na kapag nakikita kong magkasama sila ni Carlo.
At alam ko din naman na hindi ako ang gusto niyang maka-partner ngayong gabi.
Nagsimula nang magsayawan ang mga tao. Yayain ko sana si Clarissa sumayaw nang makita kong malungkot siyang nakatingin kila Carlo at nung ka-date niya.
Pinuntahan ko siya. "Clarissa, okay ka lang ba?" Agad naman siyang nag-smile. Pero alam kong pilit lang yun.
"Wait lang ah." Sabi ko sa kanya at umalis na ako saglit. Pinuntahan ko si Carlo na nasa restroom.
"Bro." Sabi ko para makuha ang atensyon niya.
CLARISSA'S POV
Umalis muna saglit si Kevin para mag-cr. Mga 5 mins din akong naghintay bago siya bumalik. Nagkwentuhan lang kami.
Pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari...
"Uhm.. Hi Clarissa. Can I have this dance?" He is here. And he is asking me to dance with him. Grabe, hindi ako makapaniwala.
"Ah, s-sure." Sagot ko. Siguro ito na yung time na sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Na mahal ko siya. Bahala na sa sagot niya.
Habang nagsasayaw kami...
"Uhm.. Carlo, m-may gusto sana akong sabihin sayo."
I just wanna show you,
She don't even know you.
She'll never gonna love you like I want you
"Ano yun?"
"M-m-mahal kita." Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"*sigh* S-sorry Clarissa. P-pero, alam mo naman na may mahal akong iba diba?" Ouch. Nagsisimula nang tumulo ang luha ko. Peste.
I nodded. "Pero hindi ka niya mahal!"
"Pero mahal ko siya. Mahal na mahal. Kaya, maghihintay ako. Alam ko balang araw, mamahalin niya din ako."
Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko.
"Pero.. pero C-carlo, paano ako?"
"I'm sorry Clarissa. Alam ko na mahahanap mo din yung taong magpapasaya sayo."
Tumawa ako. "Haha, sabagay. Sino ba naman ako para mahalin ng isang tulad mo diba? Ang daming iba jan bukod sa akin. Mas magaganda, mas matalino. Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo. S-sige, una na ako."
Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Wala na. Wala na siya eh. Hindi niya ako mahal.
KEVIN'S POV
Nakita ko lahat. Kung paano umamin si Clarissa sa g*gong Carlo na yun. Kung paano sinaktan ni Carlo yung babaeng mahal ko.
Nagpa-ubaya na nga ako eh. Binigay ko na siya sayo. Tapos sasaktan mo lang? Tngna.
Sinundan ko si Clarissa. Pumunta siya sa garden ng hotel. Umiiyak. Wala nang sapatos. Nilapitan ko siya.
"Clarissa."
"Leave me alone!"
"Clarissa, nandito ako. Hindi kita iiwan. Hindi kita iiwan tulad ng ginawa sayo ni Carlo."
"Wala na siya Kevin. Wala na yung lalaking mahal na mahal ko."
"Madami pa namang ib--"
"Ayoko sa iba! Gusto ko siya lang. Si Carlo lang. Wala nang iba."
Naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko. Umiiyak ako. Ganito naman palagi eh. Taga-comfort lang ako.
And you can see right through me,
But if you only know me,
We could be a beautiful, miracle, unbelievable..
Instead I'm just invisible.
Pag sinaktan siya, kino-comfort ko siya. Pag may gusto siya, tinutulungan ko siya. Pag may nang-away sa kanya, ginagantihan ko.
Mahal ko siya eh. Kaya lahat gagawin ko para sa kanya. Kahit kapalit pa nun ang kaligayahan ko. Mahal na mahal kita Clarissa.
Kahit para sayo, isang bestfriend lang ako. Hanggang dun lang.
At kung gusto mo talaga si Carlo, sige. Kakausapin ko siya para sayo. Nakaya ko ngang papayagin siyang isayaw ka eh. Galing ko 'no?
Baby let me want you, let me love you.
Mahal kasi kita. Ganun kita kamahal. At kahit sampung taon pa ang lumipas, mamahalin pa rin kita.
"I love you Clarissa. I love you."
END
By: Joanne Ramos