Ang Sarap Ng Saging (oneshot)

5.5K 52 33
                                    

Copyright 2013 © Isakangpuno

█║▌│██║▌ █║▌│██║▌  

Lahat ng karakter na mababasa sa istorya ito ay, Kathang isip lamang. Kung may kapangalan man. Sinadya ko talaga ‘yon. Basta mag-basa na lang kayo.

 

***

Papasok na ako sa eskwelahan. Nang makita ko yung classmate ko slash bestfriend slash malanding hitad slash malibog, Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko yan. Pero mabait naman siya, Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambabastos sakin.

Grabe! Natatawa ako kasi habang naglalakad parang timang sagad kumembot yung balakang, Habang nakain ng saging. Ewan ko simula ng nakilala ko siya ang hilig na niyan sa saging. Maya’t maya nakain ng saging. Minsan napapaisip ako ba’t di siya natatae? Siguro sanay narin yung sistema niya.

“Good Morning! Danica.” Aniya habang sinusubo yung saging.

“Araw-araw ka na lang nakain ng saging, Chanella!” Sabay irap ko sa hangin.

“Ang sarap e. Gusto mo?” Abot nito sakin.

Tinanggihan ko yung sinabi niya kadiri. Sinalpak niya na sa bunganga niya. Tapos ibibigay niya sakin? Kilabutan te!

“Ang baboy mo talaga kahit kailan!” Irap ko ulit sa hangin.

Naglalakad na kami sa quadrangle ng makita naming si Crush… Shems! Makalaglag panty. Nasusuka na ako ng tae ng unicorn.

“Si AJ oh!” Punyeta ‘tong Saginggera na ‘to ang daldal. Bigla ba namang sumigaw. Argh! Kahiya. Lahat ng tao sa quadrangle napatingin na lang samin. Ako naman yumuko na lang sa sobrang kahihiyan. Grabe iniisip tuloy nila na papansin kami.

Napatingin ulit ako sa dinadaan namin. Si crush ayun may question yung muka. Kasama niya yung mga barkada niya na sila Astro, Chyll at si Mary Grace. Yung tibo at bully sa lahat.

Kinaladkad ko na si Chanella. Shems, Nakakahiya ‘to!

Nang naglalakad na kami, Bigla nalang napasigaw si Chanella.

“Nica, May sag—.”

At ayun bigla na lang ako sumemplang sa daan. Ang sakit putspa. Tinignan ko ng nakakatunaw at matalim na tingin si Chanella.

“Nevermind.” Aniya

Napansin ko yung paligid ay biglang umingay. Shet! Nakakahiya tinatawanan nila ako. Papatayin talaga kita Chanella! Ang sakit pa. Parang natanggal yung balakang ko.

Napansin ko ring nagsitawanan yung grupo nila. AJ, Nakakahiya ito. Oh! Lupa lamunin mo na ako at ayun nilamon na ako…the end. Pero syempre joke lang.

Ang Sarap Ng Saging (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon