Chapter 4

125 8 0
                                    


After Class nagpasama ako Kay Aira sa mall. Gusto kong aliwin Ang sarili ko nang dahil sa nangyari. Totoo ba talaga ba ikakasal ako sa hindi ko kilala? Sino naman kaya yun? Hanggang Ngayon iniisip ko parin. Hindi ako mapakali.

Nasa Loob kami ng Department Store at naghahanap ng Pwede namin mabili.

"Felling ko gwapo yung magiging Asawa mo. As in Gwapo to the highest level!"

"Nagawa mo pang tumawa dyan! Ikaw nalang kaya magpakasal!"

"Aba Pwede din! Wala naman akong BF eh para instant husband na agad Diba? I'm sure talaga na gwapo yun kasi hindi ka naman Basta ipapakasal ng dad mo sa pangit Diba?"

"Tss. Mukha yung pera kaya kahit pangit kakapit yun."

"Ah Basta! Malakas Ang pakiramdam ko eh! Good luck sis!" Sinamaan ko nalang sya ng tingin pero hindi parin sya tumitigil sa pangiinis sa akin. Kaya isinama ko sya para makapag relax ako Tapos Mang bibwisit din Pala!

Nagpatuloy na lang kami sa pagbili ng Mga kung Ano Ano bumili ako ng Mga Bagong bags, shoes, tops, skirts, at dress. Ganito lang talaga ako pag malungkot, ginagastos ko Ang pera ng ama ko dahil kung hindi sakanya hindi Masisira Ang love life ko!

Nagtitingin kami ni aira ng magagandang casual dress sa Loob ng Dep. Nang may lumapit sa Aking Babae.

"How dare you stole my date yesterday!" she said then slapped me. What the heck? Anong Ginawa ko para sampalin ng babaeng yan!? At sino ba sya!? Nahulog din Ang dala kong paper bags.

"Akin yung date na yun kahapon pero inagaw mo. Kung gusto mo sya, magpa-schedule ka hindi yung nangaagaw ka ng araw ng date!"

"ANONG DATE?!!"

"That's for bitch like you! Huwag kang mag papa inosenteng Babae ka!"

"Hoy-Hoy! Pagdabihan mo nga yang GF mo! Bigla na lang nananampal eh!" si aira

Pagtingin ng lalaki Kay Aira Ay para siyang eatatwang hindi Mapa galaw galaw. Matangkad Ang lalaki at may matangos na ilong. Medyo Maputi Ang kulay nya at may Magandang pares ng Mga mata. Kaya naman Pala! Na love struck ata Ang bestfriend ko!

"Excuse me miss but she's not my Girlfriend. Matagal na kaming break,"

"What? Hindi mo pwedeng Gawin mo sakin ito!" nangingiyak na yung babaeng sumampal sakin. Hindi ko alam kung maawa ako o matutuwa sa nangyari sa kanya. Hello?? Dalawang beses na kaya akong nasampal. Yung sa kanan yung ama ko, Tapos ngayon naman sa kaliwa.

"And why the hell not?" the guy smirked.

"Dahil ba sa kanya kaya mo ko ginaganto?!" turo sakin ng Babae
Umiiyak na siya ngayon pero Parang Wala lang naman sa kasama niyang lalaki.

"Sino ka naman?" tanong sakin ng lalaki

"You don't know here???"

"I don't know here Why? Naging GF ko ba sya?" tumingin naman siya sakin. "Naging GF ba kita?"

"Huwag ka ngang feeling!! Yung GF mo sinampal ako. Nangagaw daw ako nang date kahapon! Pwede ba pag sabihan mo nga sya? At Ikaw naman miss hindi kita kilala at Lalong hindi ko kilala yung kasama mong lalaki pero hindi parin Tama yung ginawa mo sakin kanina!!?"

"Hahaha si Eunice ba yung tinutukoy mo? Well hindi sya si Eunice Tara na nga."

"Let's go"

My Casanova HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon