Prologue

97 5 0
                                    

Rae's POV


December 22, 2014


Nagpaiwan ako sa bahay. Ayokong gumala ngayon. Kahit mag fafamily bonding ang mga mommy at mga tita at tito ko, ayoko pa rin. Kahit na, eto yung panahong masarap pumorma, ayoko eh, bakit ba? Niyayakag nga ako ng mga tropa ko na tumambay sa kanila, kaso mas gusto kong matulog sa bahay kahit na mas marami yung pagkain doon.

I love cooking foods. Especially eating them. Lol. So akala niyo mabubusog ako kahit na mag-isa ako sa bahay? Hindi rin ano. Madaming mga canned goods dito at mga echepwerang meats na hindi ko naman gusto. Gusto ko sila lutuin at kainin, pero, mas gusto ko ng Kare-Kare. Bakit ba? Yun yung gusto ko eh.

Siyempre, pag gusto gagawa ka ng paraan. Posible man o hindi, kakamitin mo pa rin.

Kulang pala ng mga ingredients, anyways, may pera naman ako eh. Pero, tinatamad ako. Bahala na.

Bahala na. May dadating naman diyang pagkain eh. Not literally na maglalakad yung pagkain okay? What I mean is baka alam mo na, siyempre uuwi naman sina mommy ng may dalang foods, binilinan ko sila eh.

Ngayon, napaisip ako. Andami nating gustong makamit, pero minsan, dahil sa mga 'kaso', 'pero', at 'baka' na yan, wala na tayong maggagawa. Hinayaan na nating kontrolin ng mga yan yung sarili natin eh. Andami dami mong kaso, pero, at baka na tumatakbo sa isip mo, na sana tama yung mga naiisip mo.

Pero, alam mo yon? Yung andon na yung pagkakaton pero di mo magawa, kasi iniisip mo na para kasing may hadlang. Parang ganoon ba. Yung magiging successful na yung plano mo, ngunit may 'pero' o 'kaso' na sasablay.

Yung gusto mo ng may kausap, 'pero' ayaw mo sa taong yon. Yung gusto mo siyang kaibiganin, 'kaso' baka iwanan ka lang niyan. Yung gusto mong magtagal yung pagiging mag best friend niyo 'kaso', 'pero' unti unti ka ng nahuhulog sa kanya. Alam mong siya yung ideal best friend and boy friend na pwede sa'yo, 'pero' naalala mo, iba ang gusto niya.

Bat ba lagi tayong sumasablay sa mga pero, kaso, baka na yan? Wala kasi tayong kasiguraduhan sa mga pwedeng mangyari? Pero gusto kong malaman kahit alam kong masasaktan ako.

Hahayaan kong mahulog ako sa'yo, baka sakaling maramdaman mo ang nararamdaman ko pagdating sa'yo.


P.S.: Please, try mong mahalin ako, di ka magsisisi :>


" Raechel Den Ramos! Here's your order from your most poging bestie! My mom cooked for you! May bayad 'to! HAHAHA! Baba na, I know you're waiting for me."

Oh, ayan na hinihintay ko. Buti alam niya hehe.

Catch Me, PleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon