002 - Realizations

61 2 1
                                        

December 22, 2015

Rae's POV

"Ano ba yung sasabihin mo sa akin? Importante ba yan ha?" Yung totoo? Kinakabahan ako. Di ko alam pero kinakabahan kasi ako eh. Kahit na di nega, kinakabahan pa rin ako.

"Joke lang ulit na ako yung nagbigay nung cheesecake at cup na Bay Max. Hehe." Ha? Eh... eh sino naman kaya?

"Ah. Haha. Hindi ikaw. Ah. Haha. Hilig mo talaga mag biro. Hahaha. Sige uwi ka na di pala impor.."

"IMPORTANTE! Kasi manliligaw mo yung nagbigay. Haha."

Manliligaw? Mr. M?

"Ikaw ah! Ikaw yata may gusto sa akin eh! UY!" Binato ko siya nung unan na hawak ko. Hahaha. Siyempre binibiro ko lang siya.

Pero sana siya namga yung gustong manligaw sa akin.

"Inay! Ang kapal! Hindi ako no! Ako magkakagusto sa'yo? Ha? Ha? HAHA! Never? Naku! I will never be in love with you."

"Naku! I will never be in love with you."

"Naku! I will never be in love with you."

"Naku! I will never be in love with you."

Rae. Be yourself. Just be yourself. Kahit naiiyak ka na, magpakatatag ka. Pakita mo other side mong malakas. Kaya mo yan, Rae. You can do that. Kilala mo sarili mo.

"O tulala ka diyan babaita ka. Ako na magliligpit ah. Gamitin mo muna phone ko may gustong kumausap sa'yo eh."

"Ah okay. Bilisan mo na. Hahaha. Madami ka pang ligpitin lol bago unuwi sina mommy kailangan tapos ka na ah. Gora! Nakakaumay mukha mo!"

Binigay na sa akin ni Matt yung phine niya at bumaba na siya. Nagtataka kayo siguro no kung bakit Matt ang tawag ko sa kanya na dapat Mart?

Eto kasi yon. Nung simula kami mng maging mag best friend Bes Bro tawagan namin. Bes na, Bro pa. Dati pa kasi kami magkakilala eh. Magkaibigan ang parents namin kaya parang child hood friend ko na rin siya. Dati di ko pa talaga alam pangalan niya. Swear.

Tapos nung matagal na kaming mag best friend nagtaka siya kung bakit di ko kayang banggitin yung pangalan niya. Tapos kinabahan ako di ko talaga alam pangalan niya simula dati pa. Di ko na inalam may tawag ako sa kanya eh.

"Ah eh. Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo Bes Bro?"

"Matt. Marthin is my name. Eh kasi special ka sa akin, Matt na lang. Ayoko ng Mart parang Yung Emilu's Mart. Parang pamilihan ng mga cheap na tao. Eh coz' I'm not cheap eh. HAHAHA!"

Tapos non, lagi kami magkasama. Parehas kaming nasa top ten ng klase namin. Mas matalino nga siya eh. And guess what lagi kaming magkasunod sa top. Kung siya 4, ako 5. Pero siyempre sa mga kalokohan lagi rin kaming makasabwat. Kahit sabihin niyong nasa top kami, nagkokopyahan rin kami ng palihim. Di kami naghiwalay ng section ever since grade school. Kaya magkakilala na talaga kami.

Yan si Matt, kilala ko yan pag masaya. Hyper kung hyper. Minsan nga eh hihilahin ako niyan sa malayong lugar yung kaming dalawa lang. Tapos iirit yan mag sisisigaw yan. Kung umirit, daig pa babae. Parang serena. Siyempre mas mukha akong serena kaysa sa kanya. Charot.

Tapos, sa totoo lang mas fragile siya kesa sa akin. Di niya mapigilang umiyak. Minsan nga kailangan mo pa siyang yakapin para lang tumahan siya. Parang bata diba? Minsan nga mas matapang pa ako kaysa sa kanya eh. Takot siya sa heights. Di niya talaga kakayanin pag nasa mataas na lugar siya. Minsan lang siya makipagbugbugan, pero kung makipaghiganti yan di labanan, utak ang gamit.

Catch Me, PleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon