Prologue

13 1 0
                                    


Bumubuhos ang malakas na ulan habang nakatitig lang ako sa jalousy ng bintana namin. Papasok na naman ako. Naiisip ko na naman 'yung mga kagrupo ko. Naiiinis ako 'nung naalala ko na buong bakasyon ay mag-isa lang ako. Oo, mag-isa lang ako at ni text o tawag man lang ay hindi ako nakatanggap mula sa kanila.

Tae talaga. ‾︿‾

Tiningnan ko yung litrato namin ni Mama Irene. Namimiss ko na siya. Tatlong taon niya rin akong inalagaan at ngayon iniwan niya na naman ako. Nakakainis at nakakalungkot isipin na wala na si Mama. Tatlong buwan. Tatlong buwan nang wala si Mama. At sa mismong recognition day pa talaga kung saan ako ang naging top 1. Inalay ko sa kanya 'yun kasi siya lang naman ang dahilan kung kaya ako nandun. Ngayon kayang wala siya... para kay sino naman kaya ako mag-aaral?

Flashback

Three months ago.

Recognition day namin. Siyempre ako ang top 1 at samut-saring mga award ang natanggap ko. Proud na proud si Mama sakin. At masaya rin naman ako kasi nakilala ulit ako bilang pinakamatalino sa campus.

Patawid na kami ng daan ni Mama nang bigla siyang tumigil.

"Anak, sa'n mo gustong kumain?"

"Kahit saan po basta kasama kitang kumain."

"Sige anak 'dun tayo sa-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang namutla. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Para akong pinapatay sa nakikita ko ngayon. Nahihirapan ako sa nakikita ko.

"Mama okay ka lang? "

"Oo naman. " Pero hindi. Sumuka siya ng dugo. Maraming-maraming dugo. Tapos natumba siya dun sa sinukahan niya. Takot ako sa dugo pero tiniis kong titigan si Mama na sumusuka nito kahit ayoko. Nandididiri man ako sa dugo ay hindi ko magawa. Mas nananaig sa akin ang takot na mawala siya.

"Mama..." Usal ko tiyaka umiyak. "Hindi mo naman siguro ako iiwan diba?"

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Huminga si Mama na parang kinakapos ng hininga. "Anak mangako ka sakin, kapag wala na ako maging masaya ka. I-boyfriend mo 'yung crush mo ah?"

"Mama naman eh!"

"Mag-aral kang mabuti. Abutin mo ang mga pangarap natin. Mahal na mahal kita, Coreen."

Coreen? Bakit ako tinawag ni Mama na Coreen?

"Mama..." Nausal ko. Pagkatapos 'nun ay natahimik ako. Hindi siya mawawala diba? Nangako siya eh. "Mama naman!" Sabi ko sabay yugyog ng balikat niya. "Nangako kang hindi mo 'ko iiwan diba? Anong klaseng biro yan?"

May nakakita saming mama at tumawag ng ambulansiya. Kaagad naming sinugod sa Mama. Pero hindi siya umabot. Death on arrival. Tatlong napakasakit na salita. May cancer si Mama. Hindi niya sinabi dahil inalala niya ako.

Simula 'nun naging walang imik na ako. Oo sikat parin ako, pero 'di tulad ng dati. Nawala 'yun dahil nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng gana dahil wala na si Mama.

End of Flashback

"Sana nga makita pa kita kasi pagod na rin talaga akong umasa. Nine years na, Hans. Nine Years na. Kelan mo ba 'ko babalikan?" Pabulong kong sabi sa sarili ko. Heto na naman ako, umaasa. Bat ba naman kasi umasa-asa pa ako sa pangako niya? Lecheng puppy love. But remember, promises are meant to broken. At sinama pa niya ang puso ko.

Tiningnan ko ang bintana at may nakitang lalaki. Isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa labas na parang may hinihintay. Nag-siyam na taon na't lahat, pero tandang-tanda ko parin ang mukha niya. Ang mukha ng paasang lalaking 'yun.

Pero baka hindi siya 'yun. Baka kamukha lang. Don't jump in to conclusions, Janine. Hindi natin alam kung anong nangyari sa nine years na 'yun. Baka gumwapo siya o pumangit. O baka ganun parin ang itsura niya. Totoy.

"Hans..." Out of the blue kong sabi. "Ikaw ba 'yan?"

A/N: Sorry po kung hindi niyo po nagustuhan 'yung prologue pero sana ma-enjoy niyo.ang pagbabasa nito. I'm only fifteen at I'm still amateur kaya kung may mga grammatical error sana i-comment niyo. Ie-edit ko din pag may time. Ito po ang first ever story ko at sana magustuhan niyo.

Itutuloy...

The Run Away GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon