"Some people drive us to circumstances where we met a person for a certain reason."
It all started when I was ten. Sobrang inis na inis ako noon sa Daddy ko, I mean, stepdad. Four years pa lang silang kasal ni mommy that time. During those years, I had a good relationship naman with him not until pinagpilitan niyang sa probinsya namin ise-spend ang Christmas vacation that year.
Kung sana totoong daddy ko lang ang kasama namin, susundin niya ang gusto ko. I am quite sure about that, but I supposed that will remain to the hems of fantasy. My real father died when I was still in my mom's womb. Sounds tragic, yeah right.
Pagdating namin sa rest house na yun, agad akong nagkulong sa kwarto ko. Ayoko dito mag Christmas break. Wala akong kaibigan, di pa man din ako friendly. Sa sobrang tigas ng ulo kong ayaw lumabas ng kwarto, sinigawan ako ni dad. I am not used to it kaya naman tumakbo akong umiiyak palabas ng bahay.
Hindi ko mapigilang isipin na inaagaw na din ng stepdad ko ang atensyon ni mommy. Oo inaamin kong spoiled ako kay mom when I was younger. Mabait siya pero naiinis lang talaga ako sa kanya ngayon. Hindi ako sanay ng nasisigawan lalo na ng lalaking di ko naman kadugo. Nakakatampo lang.
Takbo ako ng takbo hanggang nakarating ako sa isang malaking puno. Umiiyak lang ako nun ng may dumating na lalaki. Hindi ko siya kaedad kaya natakot ako nun. Sa tingin ko 22 years old na siya. Tapos ang damit pa niya, parang costume lang ng partner ko sa role play namin sa school na prinsepe ni Snow White. Matangkad din siya. At oo, sa murang edad, masasabi ko nang gwapo siya.
Aalis na sana ako pero sabi niya pwede ko daw siya iyakan. Pwede ko daw siyang pagsabihan ng problema ko.
Iyon nga ang ginawa ko. Ilang oras akong umiyak sa harap niya at di ko rin napigilang mag share ng hinanakit. Ang OA OA ko nga eh. Pero ewan ko, magaan ang loob ko kay kuya na yun. I spent the day kasama siya. Inaalo at dinadamayan niya ako. Kahit papa'no nakaramdam ako ng comfort.
And that was my first 23rd day of December with him. At ang di ko makakalimutang sinabi niya, hihintayin niya daw akong lumaki at makita kung gaano ako magiging maganda pagdating ng araw. Napapangiti ako kapag naaalala ko yun.
Nang sumunod na taon na may kaparehong araw, hindi na ako umiiyak nang makita niya ako. Lagi kaming nag-iikot sa lugar na 'di malayo sa puno. Ang saya- saya ko lang ng mga panahong iyon.
Ganun din sa sumunod na taon. Hindi na ako nagagalit kay daddy tuwing dinadala niya kami dito para magbakasyon. Ako pa nga mismo ang humihiling na dito kami. Gustong-gusto ko kasi siyang nakakasama at nakakausap kahit na isang beses lang sa isang taon. Masaya siyang kasama, pwera nalang kapag may sinasabi siyang di ko maintindihan. Malalim kasi siyang magsalita.
Nang dumating ang panglimang taon, may inamin siya sa'kin, sabi niya, hindi daw siya isang mortal. Nakatira siya sa ibang mundo na may ibang dimension. Kakaibang mundo, sabi niya. Napatigil ako that time. Ilang segundo akong nakaramdam ng takot pero di nagtagal, napangiti ako. May kaibigan akong engkanto! May kaibigan akong engkantooooo! Ang galing!
Manghang-mangha ako. Grabe lang! Sobra! Marami siyang ini-kwento sa akin tungkol sa mundo nila. Syempre ako, nakikinig lang habang nakanganga na iniimagine ang view doon habang dinidescribe niya. Masayang masaya talaga ako. Feeling ko nga nakatira din ako doon. Kung sana lang pwede niya akong dalhin sa mundo nila. Pero sabi niya, hindi pwede.
Sixteen years old na ako nang bumalik ulit ako sa punong yun. Pero taliwas nang nakaraang taon, hindi ako masaya. Sabi niya, ang ganda ganda ko na daw. Doon pa lang ako napangiti.
Ngunit alam niyang may problema ako at pinilit niyang sabihin ko iyon. Bumuhos na ang luha ko. Sobrang lungkot na lungkot ako. Hikbi ako ng hikbi habang sinasabi sa kanya ang lahat.