Torpe (ONE SHOT)

197 7 4
                                    

AUTHOR'S NOTE:

PAKIPLAY PO NUNG VIDEO SA RIGHT SIDE PARA MAS REALISTIC. HAHAHAHA! BALIW NA AKOO. PERO ATLEAST MAS MAGANDA PAGMAY SOUND EFFECT RIGHT?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Naalala ko noon, noong 3rd year highschool pa ako. May crush ako nun,  siya yung crush ko since grade 1. Akalain niyo 'yun? Feeling ko nga hindi na crush yun kasi sa haba-haba na ng panahon, crush ko parin siya. Feeling ko nga MAHAL ko na siya. Alam niyo kung bakit?

Kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko siya na mag kasama siyang babae. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang masaya, nakangiti kasama yung babae na naman. Mas lalo din akong nasasaktan nung nalamang kung girlfriend niya na pala yun. Masaya ang puso ko kahit na makita ko lang siya palayo. Makita ko lang siyang nakangiti, masaya, walang problema, okay na ako dun. Atleast masaya siya di ba? 

"Oh, nandiyan ka na naman bespren. Umamin ka na kaya? Awang-awa na ako sa kalagayan mo eh."

"Eh, nahihiya ako bespren eh. Natotorpe ako."

"Bahala ka, ikaw din ang magsisisi balang araw."

"Di ko alam bes, di ko alam!"

Hay! Nandito na naman ako sa corridor, nakatingin na naman sa kanya PALAYO, ganito naman yung daily routine ko araw-araw eh. Tumitingin lang sa kanya PALAYO. Nahihiya kasi akong umamin. Natotorpe ako. Isang araw nga, napag-isipan ko na umamin sa kanya kaso nung nakita ko na palapit na palapit na siya, ayun bigla akong tumakbo. Ang lakas-lakas kasi ng tibok ng puso ko. Parang sasabok na sa sobrang lakas.

Kailan kaya ako aamin? Habang buhay na lang bang ganito yung sitwasyon ko? Ang titigan ka ng palayo? Ang tingnan ka ng palayo, palihim. Sana alam mo din tong nararamdaman ko. Parang gusto ko ng umamin kaso natotorpe talaga ako eh. T_T

"Bespren, pakisabi kay Ivan mamaya na pumunta sa park malapit sa school."

"Ha? Bakit?"

"Aamin na ako. Di ko na kaya to bespren."

"Yehey! Yan ang bespren ko. Sige bespren, una na ako, sasabihan ko pa iyong labilabidoo mo."

"Salamat bes!"

Tama ba tong gagawin ko? Kailangan ko na bang umamin? Oh my gosh! Kinakabahan akoo. Ngayon lang ako kinabahan sa tanang buhay ko. Kakayanin ko kaya tong desisiyon to? 

**PARK**

Nandito na ako ngaun sa park at hinihintay na si Ivan. Alam niyo yung ganitong feeling na ang lakas-lakas ng tibok ng puso mo kasi kinakabahan ka at the same time parang excited? Aish!  Grabe talaga, baka atakihin na naman ako ng katorpehan ko mamaya. 

"Uhmmm.. Abby, anong kailangan mo? Pinapatawag mo daw ako?"

Waaaaahh!!! Nandito na siya. Okay, hingang malalim. Inhale exhale. Inhale Exhale!

"Uhmmm.. Oo, u-upo k-ka I-van!"

"Ano pala yung gusto mong sabihin Abby?"

"Uhmm.. Ivan, may ipagtatapat sana ako."

"Ano yun?"

Hala! Ito na.... Ito na talaga!! Kaya ko to. FIGHTING! AJA!

"Mahal kita Ivan. Mahal na mahal kita. Simula nung grade 1 tayo crush na crush na kita. Alam ko mukha akung timang ngayon pero ito yung nararamdaman ko eh. Di ko na mapigilan Ivan. Kaya inaamin ko na mahal na mahal talaga kita Ivan. Sana maintindihan mo?"

"Uhmmm.. talaga Abby?"

"Oo eh. Mahal na mahal kita *sob* Ivan" Di ko alam bakit ako umiiyak. Siguro sa naubos yung lahat ng inerhiya ko na umamin sa kanya. Matagal ko na din tong kinikimkim at ngayon lang ako umamin. 

"Alam mo Abby maganda ka?"

"Talaga?"

"Alam mo abby, mabait ka!"

"Hindi naman!"

"Alam mo abby, lahat ng katangian na gusto ko sa babae, meron ka!" tapos pinunasan niya yung luha ko. Ito naman ako kinilig na naman.

"Talaga?"

"Alam mo abby, mahal kita---------

~~~NOON! Mahal na mahal din kita Abby pero noon yun kasi feeling ko noon wala na akong pag-asa sayo. Nakikita ko kasi sa mata mo na wala akong pag-asa sayo. Natotorpe din kasi ako sayo noon. Nahihiya! Kaya ito ako ngayon nakamove-on na sayo. Actually may bago na nga akung girlfriend eh, gusto mo pakilala ko siya sayo? Aish! Mali, mali yung sinabi, sorry talaga Abby! Hindi na talaga kita mahal eh. Sana maintindiha mo"

What the----- Totoo ba tong naririnig ko. Mahal niya ako pero NOON lang yun. 

"Ano ka ba? Okay lng yun *sob* noh. Parang *sob* yun lng naman eh. *sob* Sige Ivan, una na ako may *sob* gagawin pa ako eh."

At tumakbo na ako with tears starting to fall again. Ganito naman ako palagi eh. Hindi pa ako nasanay

"Wait Abby!"

Di ko na siya pinakinggan! Ang sakit. Ang sakit-sakit eh. Kung sinabi ko sa kanya noon na gusto ko siya, magiging masaya kaya ako? Sana inamin ko na lang noon. Sana hindi na alng ako nagakatorpe. Maraming sana at bakit ang bumabalot sa isipan ko. Ang sakit sakit kasi eh. Alam niyo yung feeling na sinabi na nga niya na minahal ka niya NOON tapos sinabi pa niya na NAKAMOVE-ON na daw siya tapos ang masaklap pa dun, may GIRLFRIEND na din pala yung tao. Ang sakit-sakit talaga. Ngayon lang ako nasaktan sa tanang buhay ko. My first crush, first love, first heartbreak. Ang sakit- sakit pala talaga. Akala ko hindi to mangyayari sakin. Akala ko sa mga stories lang to nangyayari. Meron din pala sa totoong buhay. Sakit naman nito oh. Ang saklap ng kapalaran ko.

May natutunan ako sa heartbreak na to. WAG KANG MAGPAKATORPE. Kasi walang mangyayari kung magpapakatorpe ka lng. Ireject ka mn o hindi atleast naexpress mo yung feelings mo. Galing kong mangsermon noh? Hahahaha! Ganito pala talaga pagnasaktan ka

Sana talaga di na ako NAGPAKATOPRE!!!!

Torpe (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon