Start na!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kathryn's POV
Morning. Bad trip pa rin ako sa mukhang unggoy na lalaking yun. Batuhin daw ba ako. Tss. Di naman gwapo. Sarap tuhudin sa tiyan ng sumuka ng dugo. Hehe. ang brutal ko naman nun. Pero ang sakit talaga nung binato niya. Tulog pa yung mga kasama ko hehe.
"Nagugutom ako. May goodness." bulong ko sa sarili ko.
Humiga nalang ulit ako tapos nag-sound trip. Aha! Maliligo na lang muna ako mamaya mag-unahan pa yang mga yan sa pagligo eh.
Pumunta na ako sa Bathroom at naligo. Nagbihis na rin ako. Simpleng white short - Maong hah. Pati Red T-Shirt na may naka-print na headset at Rock On.
Sa loob ng CR lang ako nagbihis alangan naman sa labas. Nagsuklay na rin ako atsaka toothbrush. Nag-wink pa ako sa harap ng salamin. Ang ganda ko talaga. Hahaha.
Pagkalabas ko sa CR nakita ko na sila na kung ano-ano ang ginagawa.
"Oh. Nakaligo na pala ang ating prinsesa. Mag-vow kayo." sabi ni Aria kaya nag-Death Glare ako sa kanya.
"Op-Op-Op.. Joke lang." sabi niya.
Habang nagkukulitan kamo dito , dumating naman si Neil.
"Guys our breakfast is ready. Baba na kayo." sabi ni Neil.
"Ah sige sunod na kami.." sabi ko tapos tumingin ako kay Daniel na nakatingin sa akin. "Oh? Tinitingin-tingin mo diyan. Sipain kita eh , akala mo nakalimutan ko na yung pagbato sa akin. Upakan kaya kita." pahabol ko pa kaya napa-smirk pa siya.
Hmp. Nag-smirk ka pa. Sarap talaga isabit sa puno patiwarik. Tutal. Mukhang unggoy na man ang loko. Mwuaahaha.
Bumaba na rin kami para kumain ng breakfast. Ang breakfast namin ay Fried Rice , Bacon , Egg (Sunny Side Up) , Hotdog , Ham , Pancakes tapos kape. Ang yaman ni Neil , grabe , proud ako , Hahaha.
"Ang yaman mo naman talaga Neil. Andami mong foods. For sure , mabubusog ako nito , Mwuahaha." sabi ni Diego , Patay Gutom as ever , Hahaha.
"Parang ngayon ka lang nakakain ng marami ah , parati ka kayang gutom kaya parati ka naming nililibre." sabi naman ni Juls.
"Ito naman. Hehehe. Pero ang sarap ng Sunny Side-Up hah." sabi ni Diego.
Nagtawanan nalang kami dahil sa inasal ni Diego. Kumain na rin kami. Nag-aya naman itong si Kiray na mag-jogging kami. Like Duh.. 6 : 00 A.M palang. Malamig pa atsaka naka-short ako. Alangan namang magpalit pa ako.
"Tara na kasi guys! Bihis na kayo." pagpupumilit ni Kiray.
Pili siya ng pilit hanggang sa napa-oo nalang kami. Wala naman kaming magagawa kasi friend din namin siya.
Umakyat na ako sa kwarto tapos nagbihis ng Gray Jogging Pants atsaka nagsuot nalang rin ako ng Hoodie Jacket na Gray. Hindi naman kasi ako mahilig sa Gray. - Take Note the Sarcasm.
Bumaba na ako at ang kulang nalang ay sina Juls , Aria pati si Sofia.
Habang naghihintay kami sa kanila biglang nag-vibrate yung phone ko , siguro may nag-text.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From : Iñigo Pascual ;)
Hey there Kathryn. Malapit na ang aking pagbabalik. Sana naman kapag uwi ko may 'Welcome Home' diyan hah.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Bad Girl {KathNiel}
RandomHey , I'm Kathryn Chandria Manuel Bernardo... 18 years old at ngayon , malalaman niyo ang NAPAGULO kong buhay. -_- #SOBRANGGULO ~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~**~* The Bad Boy's Bad Girl - A KathNiel Story~ ~SLOW UPDATE~