CHAPTER ONE- Best Friend

20 1 0
                                    

Halos mabingi ako sa malakas na palakpakan ng mga classmates ko. Nyeta! Bakit ba kasi ito pa yung topic na nabunot ko. Ewan ko ba kung saan ko napulot yung mga sinabi ko kanina. Nandidiri na nga ako sa mga pinagsasabi ko eh. Kaya lang on-the-spot reporting, sayang din yung 40% na grade. Nginitian ko lang si Ms. Valentine ng sinabihan ako ng Very Good. Ano ako? Bata? Psh. Smart lang talaga ako nho.

Bumalik na ako sa upuan ko para makinig sa sunod na reporter. "Ayos ah. Kailan ka lang naniwala sa Destiny Bro?" Nakatawang sabi ni Ethan. Leche tong lalakeng to. Inirapan ko lang siya at binalik na ang tingin sa reporter.

Ilang minuto rin bago natapos ang on-the-spot reports. Pumagitna si Ms. Valentine para iannounce ang mga grades. Umayos naman ako ng upo para mapakinggan ng maayos ang adviser namin. Aba, kailangan di ko mamiss ang grade ko. Kailangan makakuha ako ng mataas na grade dito para malamangan ko rin si Wayge kahit minsan. Hindi yung sa tuwing uwi ng parents namin, siya na lang lagi ang napupuri. Nakakapagod na rin kasi maging kulelat sa pamilya eh.

"Ethan Vincent Lacson,90." Sinulyapan ko si Ethan na walang pakialam sa narinig niya, as if narinig niya. As usual, manga lang ang binabasa niya. Ewan ko ba jan. Sa lokohan lang active. Nabalik ang diwa ko kay Ms. Valentine sa sunod niyang sinabi.

"Paige Austria Cruz,97. Let's clap our hands for her class." Malakas na palakpakan naman ang sunod kong narinig. Tinignan ko si Wayge sa kinauupuan niya at nakita kong nakangiti pa siyang nakatingin sakin. Nyeta! Insulto ba yang ngiti niya? Nakakainis eh! Nginitian ko lang din siya. Yung ngiting tagumpay. Siguro naman nalamangan ko na siya ngayon.

"Nashville Wayge Cruz ... " Naningkit ang mga mata ko at parang bumagal ang tibok ng puso ko sa inis ng marinig ang grade niya. "98. Let's give her a round of applause." Malakas kong nahampas ang desk ko kaya napatigil sila sa palakpakan at hiyawan. Nyeta! One point na lang eh! Tinignan ko ng masama si Wayge. Hindi siya humarap sakin. Leche! Ayaw niya pang ipakita na tuwang-tuwa siyang diko pa rin siya matalo. Painosente!

Dire-diretso akong pumunta sa cafeteria. Bukod sa magpapagaan ng loob ay kakain na rin ako. Kanina pa talaga ako gutom eh. Diko namalayang sinundan ako ni Ethan. Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang pagkain na hawak niya sa mesa.

"Alam mo Bro, magaling ka naman kanina eh. Naka-97 ka nga diba?" tugon niya. "Oo nga. Pero Bro naman, 98 si Wayge. Lamang pa rin siya!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Napakamot siya sa ulo. "Jusko naman Bro. Easy ka nga lang. Parang one point lang eh." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Oo. One nga lang. Pero malaking bawas sa pagkatao ko yun Bro." Bumuntong hininga ako. Nakita kong natigilan siya. "Alam ko. Sorry na." Tugon niya. Inirapan ko lang siya at kumagat sa burger ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin?" Kanina pa talaga ako naiinis sa mga pinagsasabi ng lalakeng to. "Tanggapin na Ano Ethan?" Sabi ko sa kanya sabay ngisi. "Tanggapin na sa angkan ko, ako lang ang Bobo? Tanggapin na kahit kailan hindi ko makakalevel si Wayge? Tanggapin na laging siya na lang ang magaling, siya ang hinahangaan, siya ang pinupuri at siya lang ang minamahal? Ganun ba Bro?" Inis kong tugon sa kanya. "Hindi yun ang ibig kong sabihin Bro." sabi niyang pinapakalma ako. "Eh anong ibig mong sabihin?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. "Ang gusto ko lang sabihin na tanggapin mo na yung ... Math Tutorial ko sayo. Please Bro, kailangan ko na talaga ng pera eh." Bigla ko naman siyang binatukan. Sumegway ba naman.

Tinignan ko siya at tinawanan. Napakaseryoso naman ng mukha nito. Inakbayan ko siya at uminom muna sa hawak kong tubig bago magsalita. "Your hired Bro." Nakangiti kong sabi. "Talaga Bro?! Yes! Salamat talaga Bro." 

Niyakap niya ako at pagkakalas ay napaisip ako. "Teka nga lang. Ano bang gagawin mo sa pera? Ang yaman mo naman tapos magtututor ka? Anong nakain mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo. "Eh kasi ... Alam mo namang ... Ano eh." Binatukan ko ulit siya. Di na lang kasi diretsuhin eh. "Oo na. Bibili kasi ako ng gitara." Nagulat ako sa sinabi niya. Parang gitara lang magtututor talaga siya. "Bakit di ka na lang manghingi sa Dad mo ir sa Mommy mo?" Tanong ko sa kanya. "Para naman kasing bibigyan ako ng mga yun. Kilala mo naman si Dad diba? Hindi yun basta basta nagbibigay ng pera sakin. Si Mommy, di magbibigay yun. Eh kung magbibigay yan kailangan pa ng confirmation ni Daddy eh."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Mas mabuting paghirapan ko yung mga bagay na gusto ko, kesa sa umasa lang sa tadhana." Dagdag niya pa. Nginitian ko naman siya. "Naks! Makabanat tong bestfriend ko oh." Sabi ko sa kanya. Nginisihan niya lang ako. "Palibhasa bitter ka eh." Nakatawa niyang sabi. Binatukan ko naman ulit siya. "Aray! Mapudpod naman yung ulo ko sa kakabatok mo." Nginisihan ko lang siya at sinubo na ang natirang piraso sa burger ko.

Kalokohan talaga netong si Ethan eh. Pero ewan ko ba, imbis na hilingin kong mawala siya sa paningin ko. Mas gusto ko pang ipagdasal na sana huwag niya akong iwan at sana wag siyang mawala sa buhay ko.

Playful DestinyWhere stories live. Discover now