My life was a beautiful disaster—
"Mendoza?"
"Mendoza?!" napapitlag ako sa pag tawag ng adviser namin sa apelyido ko
"Maam?" sagot ko sa kanya
"tanga! Attendance lang" sabi ni bespren at umupo na ko. Nag mo monologue pa nga ako sa isip ko eh
"Santos?" pag tawag ulit ni maam at sumagot naman si Daryll
Natapos na ang first subject at umalis na si maam at dahil may meeting yung teacher wala kaming second subject. Syempre mga mabuting estudyante kami, nag babatuhan ng bolang papel tapos I s-shoot sa trash bin, may nag ko-concert sa harapan, meron ding nag susulat sa whiteboard, nag do-doodle, may nag hahabulan , etc.
Try to imagine na ganyan kagulo ang classroom namin or mas matindi pa sya
Makikita lang yan sa classroom ng first year na mayroong 24 students
Classroom ng first year? Tig iisa lang kasi yung section sa school namin
Grade 1 to 4th year high school. Pero hindi sunod sunod yung classroom
1st year o grade 7 dahil sa Kto12
Grade 7|9 |8|4th year
Hallway
Grade 1|2|3
Ganyan yung arrangement ng classrooms sa 2nd floor yung iba sa baba na at dahil maswerte kami, malapit kami sa hagdan
"Iris" tawag sakin ni Daryll, sya yung bestfriend ko dito hindi ko nga alam kung paano ko naging bespren yan eh. Ahaha ang naalala ko kasi nag karoon kami ng play sa isang subject. Filipino to be specific, dinaanan ko lang sya sa bahay nila tapos sabay kami pumunta sa bahay ng pag papractice-san namin and then poooff—best friend ko na
"Earth to Iris" sabi nya sabay wave ng kamay sa harapan ko
"Bakit? Anong dama mo?" sabi ko sa kanya
"bakit ka ba natutulala? Kanina pa yan sa first subject ah. Btw ahm, sama ka daw ba sabi ni Kim mamaya sa vacant mamaya?" tanong nya sa akin. At ano daw? Natutulala? Bat ba kasi ako natutulala tuwing nag papakilala ako
"Ah oo, oo" sabi ko sa kanya at kinalikot ko yung bag ko
"Ano ba yang hinahanap mo? Parang ang lalim ng bag mo ah? May balon ba jan?" nagtatakang tanong niya sa akin
"Baliw!" sabi ko sa kanya nang mahanap ko yung ballpen ko
Pagkatapos ng Lunch break namin ay meron kaming 1 hour free time
Lumabas agad kaming limang mag kakaklase
Si Anne, Daryll, Mae, Kim, at ako
Bigla akong hinila ni Kim papunta sa room ng 4th year at pag dating namin dun bigla syang pumasok, good thing vacant din sila kasi kung may teacher lulubog talaga ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan.
Nang hiram si Kim ng Jacket kay ate na 4th year hindi ko alam pangalan ng isang 'to eh
Bumalik na kami sa harap ng classroom at naabutan namin yung tatlo nakaupo, nag tatawanan
"Guys, game na" sabi ni Kim at sinuot nya na yung jacket at sumayaw sya ng kung ano ano, Wala kaming ibang ginawa kundi tumawa, mag kwentuhan sa loob ng isang oras wala kaming pakialam sa ingay namin kasi nasa kanya-kanyang classroom sila, may klase
Hanggang sa pumasok na si anne at mae. Pagkapasok nila, may lumabas na grade 9 student
Lumapit si kim at wala lumapit lang. lumapit din kami ni daryll at nagcocompose pala sya ng kanta
"Hello kuya" sabi ko, dahil friendly ako—choss. Ay feeling close lang pala hindi friendly minsan lang pero pwede na din
"Hi" matipid nyang sagot saby tingin sa amin
"Anong Subject yan kuya Christian" sabi ni Kim
"Filipino" sabi nya. Christian daw, so kilala ni Elaine kasi isa lang friend ko sa grade 9 eh. Tumingin ako sa I.D nya
Christian Jake Chua
"Kuya diba kapatid mo si Ate Caryl? Kambal kayo? Kasi pareho kayo ng grade eh" tanong ko sa kanya. Ganyan talaga ako. Feeling close ^_^v
"Hindi mas matanda ako. Nag stop kasi ako eh" sagot niya. Na curious kasi ako mag kahawig sila, common sense syempre magkapatid eh. Tapos pareho pang 3rd year
"ilang taon ka na ba kuya?" tanong ni Daryll sa kanya
"17" 17? Ay oo nga pala nag stop daw sya
"eh si ate Caryl?" tanong ulit ni daryll sa kanya
"15 na sya" sagot ulit nya. Para namin syang ini-interview
"Anong buong pangalan ni Ate Caryl?" tanong ko, hindi ko alam bakit ko tinanong yun, ang alam ko lang curious ako
"Pasensya na po kayo kay Iris ha, hahaha ganyan talaga yan" sabi ni Kim in a sarcastic way
"de okay lang, Caryl Stephany Chua" sabi nya at may nag bukas na nang pinto
"Christian pasok na" sabi ni maam, ang bait ni maam pramis, hindi pa kami napapagalitan kahit kami yung pinaka makulit na section
"Anong next subject?" tanong ni Daryll sa amin
"English." Sagot ni Kim
"Paktay! May long quiz!" sabi ko, tae di pa naman ako nag review
"Tara review!" sigaw ni Kim
BINABASA MO ANG
Untold Feelings
RomanceA simple hello can lead into a million things ps. mtagal ko na po nagawa yung story na to ngayon ko lang na publish kaya yung mga songs, or anything is luma na ^_^