First meeting?

152 3 1
                                    

"Bwisit. Second day pa lang ng second sem late na agad ako. Grabe talaga ang traffic, nakakainis. Tapos, 7:35 am na." reklamo ko habang patakbong papunta sa classroom, eh 7am pa naman klase ko sa Physics. First meeting pa lang namin ngayon.

Dali dali akong umakyat sa hagdan papunta sa room ko, dinaig ko pa si Flash sa pagtakbo.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom, WALA PA ANG PROF. Fck. Ano ba namang buhay to.Nagmadali pa akong pumasok.

"Huy, anong nangyari sayo? Naki-marathon ka ba?" Tanong sakin ni Camille, kaibigan ko. Siya lagi kong kasama ngayong second sem dahil nahiwalay kami sa mga group of friends namin nung first sem.

"Sobra... 7am na ako nakagising. Wala pa ba yung prof?" tanong ko habang hingal na hingal at haggard na haggard.

"Wala pa. Nakakainis, ang aga ko pa naman pumasok." Reklamo niya.

Muntik na akong magdabog pero narealize ko na kung pumasok siya, baka palabasin pa ako kaya salamat na rin at hindi siya dumating.

Then, may biglang nag-announce sa harapan, "Guys, mag-attendance na lang tayo." Sabi ni Zarina, acting president namin.

Tapos yun, nag-attendance kami. Pero bad trip. May 2 hours na nga kaming vacant, madadagdagan pa. Nakakabagot.

Hello! Ako si Jackie Pascua, 1st year student ng BS Pharmacy. Tamad, maingay, reklamador pero hwag kayo, matalino naman ako, salutatorian nga ako ng highschool, pero ewan ko nangyari ngayong college. Pero makakasurvive pa naman mga subjects except physics at math! Ayoko talaga ng mga subjects na may computations. Pero kakayanin yan. Tiwala lang.

Mabait ako sa mga mabait sakin, hindi madamot, masaya kasama at palabiro pero demonyo ako magalit. So far, wala pa naman akong nakakaaway sa sobrang malala.

TThS ang sched namin sa physics.

Nung thursday, pumasok ako ng sobrang aga. As in 6:25 nasa classroom ako wala pa yung prof na yun. Sayang ang effort. At ngayon namang Saturday na. Wala pa rin siya. Paasa.

Marami na akong nakilalang new blockmates, okay naman so far ang mga nakikilala ko at nagiging friends. Ang bilis talaga ng araw.

Tuesday na naman. Nakakatamad pumasok, papano ba naman tatlong beses na hindi pumapasok kung sino ba naman yang prof na yan sa klase.

7:00 am na, hindi na ako nagmamadali na pumasok sa classroom, in-eexpect ko na hindi na siya dadating.

Pero pagpasok ko ng classroom, tahimik ang lahat. Patay. Andyan na ata ang prof. What theeeee.......

"Fudge." bulong ko sa sarili ko..

"What time is it?" tanong nung prof namin na lalaki, na mukhang seryoso. Pero infairness, ang gwapo niya. Matangkad, mahaba ang pilikmata, maputi at medyo malaki ang katawan. Pero letse, biglang bumilis tibok ng puso ko.

Tinignan ko yung relo ko, "7:05 po" sagot ko naman. Lahat ng kaklase ko nakatingin sakin na para bang may ginawa akong masama.

"Late. Absent. Get out." Matipid na sabi niya. Ano? Jusko. Ngayon pa lang ako mapapalabas ng classroom. Since elementary, hindi pa ako nagaganito.

"Sir?" nagtatakang tanong ko, seryoso ba to?

Hindi siya sumagot, he pointed out the door, meaning kailangan ko talagang umalis.

Okay. Okay. Kahit na gwapo siya, nakakainis siya. Imagine, 1 week siyang absent tapos 5 mins late lang ako papalabasin na ako ng classroom. Fck you sir. 5 MINUTES GUYS!? ASAN HUSTISYA.

Hindi na ako kumibo at umalis na ng classroom. Ganda ng first meeting ko sa prof ko. Nice nice.






Hi sir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon