Chapter 3

0 0 0
                                    

Whahahahaha, it only mean one thing Seb....." said Darwin, the band's lead guitarist. The joker. Pero minsan mas idinadaan nya lang talaga sa humor ang sense of wisdom nya

"What?" The Petix band said in unison.

"Nakahanap ka ng karma mo. Bwahahaha. Tigilan mo na kasi yang pambababae mo. Makuntento ka na kay Trisha." -Darwin.

"Gago, hindi ako nambababae. Masyado lang ako nacurious sa kanya kaya gusto ko lang sya subukan." Sebastian said in the most defensive way. Nais lang nya makilala nang lubusan si Celestine at mapatunayan sa sarili na nagpapa hard to get lamang ito sa kanya.

"Ows talaga lang ha? Edi kung ganoon, sa akin nalang sya. May Trisha ka naman na. At sabi mo nga hindi ka nambababae, diba?" Said Aj, the band's bassist. Single at pinakatahimik sa banda. Hindi masyadong nakikipagsocialize sa kahit sino lang.

"Fuck off, dude. Hindi ka uubra sa dun. Supalpal ka agad sigurado." -Sebastian.

"So does that mean na 'look for the next target' ka na dahil di ka umubra kay Celestine?" -Aj.

"Hmmm ngayon pa ba na nakuha ko na ang number nya? bwhahahahaha." Sebastian said.

"Magtino ka na Seb. Im telling you, she is your karma. At isipin mo din si Trisha. Pang-ilan na yan dude."-Darwin.

"Tsss, pag-iisipan ko."

Sa ikot ng usapan ng magkakabanda, napapaisip din si Seb sa mga sinasabi nila. May girlfriend na sya, si Trisha pero hindi nya maialis sa isip ang titig sa kanya ni Celestine. Kahit kailan, hindi pa sya naintimidate sa ibang babae kahit na sa girlfriend nya. Lalong lalo na ang maintimidate sa simpleng pagtitig lang sa mga mata nya. May kung anong bagay na nagtutulak sa kanya na tuklasin ang pagkatao ni Celestine lalo na ang mapatunayan na gaya ng ibang babae, si Celestine ay makukuha rin nya.

------------------
"Gravity, tinanggihan mo talaga sya girl? Ang lakas mo lang talaga magmaganda ngayon ah." sagot ni Mandy.

Pagkauwi na pagkauwi ni Celestine sa apartment na niterentahan nila ng bestfriend nyang si Mandy ay agad silang nagtsismisan sa eksena ni Sebastian at Celestine kanina. Idinetalye ni Celestine ang epic na pagdiskarte sa kanya ni Sebastian at kung paano nya ito nasupalpal. Sinabi nya kung ano ang naging reaksyon nito sa pagtanggi nya sa alok nito kanina.

"Grabe talaga, epic. Kung nakita mo lang yung reaksyon nya, baka matawa ka rin." halos matawa-tawang kwento ni Celestine sa kaibigan.

"Enjoy na enjoy lang, Ces? Tsk tsk tsk, malala ka na talaga. Eh bakit mo ba kasi yun ginawa sa kanya. Ano yan? Pakipot lang teh?" -Mandy asked. Kinuha nya ang remote at agad na nagbukas ng TV.

"At sinong nagpapakipot? Hindi ba ang ssbi ko tinanggan ko sya? Its a crystal clear No for him. Hindi ako nagpapakipot or nagpapahabol sa kanya." Sa mga oras na iyon, Celestine answered her friend with honesty. Iyon ang tunay na gusto nyang mangyari, ang hwag na magkaroon ng kaugnayan kay Seb.

"Owws really? Knowing you Ces, na halos 5 years nang obsessed sa bandang yan. Sigurado akong deep inside kinikilig ka na. At isa pa, halatang halata naman na nageenjoy ka kay Seb. Naku, kung hindi ko pa alam na...." hindi na natapos pa ni Mandy ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Ces.

"...Okay fine. Obsessed ako sa bandang yan for almost 5 years at halos lahat ng gigs nila ay pinupuntahan ko just to see them perform live. I have all their albums, digital and hard copies. At kahit simpleng band merchandise ay pinapatos ko. At kahit personal life nila gusto kong malaman. So yes Mandy, nageenjoy ako kay Seb. Pero like what I said, I dont want to go out with him. Whether its a friendly date or not." Binuksan ni Ces ang kanyang kwarto para magbihis habang nagpapaliwanag at bumungad agad ang kabi-kabilang posters, pictures, magazines at album ng bandang matagal nang hinahangaan, ang Petix Band.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Decode Her (Unofficial title)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon