Unexpected Love

100 1 0
                                    

Unexpected Love

PROLOGUE

“Matagal pa ba siya?” Tanong ni Carissa sa kanyang kaibigan na si Gina habang sila’y naghihintay sa pina-reserve nilang table sa isang restaurant.

“Parating na iyon sabi nga niya sa akin naipit lang siya sa traffic at malapit na talaga siya rito. Promise!” sagot ni Gina habang binabasa ang text sa cellphone nito.

“Bakit mo pa kasi ako sinama dito eh date niyo ngayon?” Tiningnan niya ito ng matalim. Matagal na siyang napupuno sa kaibigan niyang ito dahil habang nasa opisina sila ay magtatanong ito ng kung anu-ano tungkol sa kanya. Minsan pa nga may mga what-if situations pa. Tapos ngayon naman sinama pa siya sa date nito.

“Cool ka lang.” Nag-a-alburoto na talaga siya sa kinauupuan niya. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niya sa mga date. Pinagsasayangan lang naman ito ng oras. Kung sino pa ang lalaki, iyon pa iyong late. Siguro kung nasa office pa ako sa mga oras na ito, may extra na akong bayad. Overtime pay iyon! O kung nasa bahay na ako, kanina ko pa sana natapos iyong mga labada ko.“Nandyan na siya!” Tili ni Gina.

“Sa daming beses niyo pa namang nagkikita hanggang ngayon tumitili ka pa rin kapag nakikita mo siya? My God! You’re insane!” Pagsermon niya rito. Hindi na kasi ito nahiya dahil may pagka-class din ang restaurant na iyon at maraming tao ang napapalingon sa kanila. Lumapit sa kanila si John at hinalikan si Gina sa mga labi. Inabutan pa nito ng mga rosas ang kasintahan tsaka palang siya batiin nito.

“Have you order already?” Tanong nito kay Gina. Tumango lang siya at pinagmasdan ang chandelier na nakasabit. Napansin niyang nagbubulungan ang mga ito sa isa’t isa. May nililihim ang mga ito sa kanya.

“Pagkatapos niyo akong isama sa date niyo, kung gusto niyo ng privacy sabihin niyo lang.” Sarkastiko niyang sabi. Kumukulo na talaga ang dugo niya sa mga ito. Tumayo na siya at pumunta sa isa pang parte ng restaurant kung saan may bar doon. Um-order siya ng vodka dahil kanina pa siyang nilalamig sa kinauupuan niya. Malapit kasi iyon sa aircon  at nakatapat pa yata sa kanya. Iinom na sana siya ng isang shot ng may lumapit sa kanyang lalaki.Infairness, ang gwapo! May hawak ito ng mga bulaklak at nakatingin sa kanya.

“Mas maganda ka pala sa personal. I’m Landon. All my life, kahit sa internet lang tayo nagkakilala pakiramdam ko talaga ikaw na ang tanging babaeng hinahanap ko. I love everything about you. From the pictures you have sent me, muntikan na talaga akong hindi maniwala na totoo ka. But now, you’re here alive and beautiful.” Nagulat na lang siya sa pinagsasabi ng lalaking ito. Lumingon siya sa mga tabi niya kaso bakante lang ang mga iyon. Pati nga rin ang barista na lalaki, nagulat din sa ginawang confession ng lalaking nagngangalang Landon. Tinaasan niya ito ng kilay at binaling ang atensyon sa vodka na iinumin niya.

“Miss, kilala mo?” Tanong sa kanya ng barista habang pinupunasan ang goblet.

“Hindi noh. Ngayon ko nga lang nakita iyan eh. Baka ikaw yung kinakausap diyan.” Sabi niya rito.

“Naku! Ma’am hindi po ako bakla. Baka ikaw nga iyong kausap niya.” Nagkatinginan sila at sabay na hinarap ang pobreng lalaking naiwang nakatayo doon na may hawak na bulaklak. Parang nagulat ito sa reaksyon niya. May tumapik sa balikat niya at si Gina iyon kasama rin nito si John.

“Grabe! Carissa, di ko alam na pumupunta ka pala sa website na iyon!” May kakaibang ngiti ang naglalaro sa mga labi ng magkasintahang iyon.

“Anong website? Matagal na kaya akong hindi nag-i-internet. Paano niyo naman nasabing pumupunta ako sa website na iyon, eh, kararating niyo palang?” Sunud-sunod na tanong at paliwanag niya sa mga ito.

“Tsk! Kaw kasi eh.” Sisi ni Gina kay John at lalo siyang nagtataka sa mga ito. “I’m sorry Carissa. This is Landon Rivera. Sinet-up naming siya sa iyo sa isang internet dating service.” Paliwanag nito sa kanya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon