Nagsimula na kaming maging busy. Gawaan ng projects. Pasahan ng mga activities. Sobrang nakakapagod. Pero sa wakas, makakapagtapos na din kami.
Simula na ng practice para sa moving up. Nakakatamad kasi nasa initan kami pero walang magagawa, hapon nun eh mainit talaga.
Nung unang practice kilig na kilig ako Sir. Nahiya pa nga ako eh kasi nasa harapan kayo. Nacoconsious ako sa itsura ko. Baka mamaya ang panget ko huhu. Hirap na hirap din akong pigilin ang kilig. Jusko gusto kong kagatin ang labi ko para hindi ako mapangiti dahil sayo Sir.
Hindi mawala wala tong feelings ko para sayo Sir. Ewan ko ba kapag nandyan ka ay hindi ako mapakali at parang aatakihin ang puso ko sa kaba.
Parang sasabog ako sa kilig. Pero pinipigil ko lang ang sarili pero sa loob ko jusko sasabog talaga ako sa kilig.
Nung unang practice, nainggit ako sa ibang section dahil buti pa sila nakamayan ka. Nandun ka kasi Sir nun sa stage, kinakamayan ang mga estudyante bilang practice para sa pagtanggap ng certificate sa moving up.
Inggit ako. Buti pa sila nahawakan ang kamay mo. Ako, nakaupo. Nakatingin sayo Sir habang kinakamayan mo sila.
Nung sumunod na practice, nandun ka ulit. Syempre, isa ka sa mga advisers.
Pero jusko gusto kong magthank you kay Lord nung araw na yun. Sobra sibra ang pasasalamat ko kay Lord nung araw na yun.
Nagkaroon ako ng chance na mahawakan ang kamay mo Sir. Kinabahan ako nung mga oras na yun. Masyado akong halata na kinikilig. Hindi ko na mapigil. Halatang halata yata na patay na patay ako sayo Sir.
Jusko nakakahiya. Nagsigawan pa ang mga kaklase ko. Jusko po.
Gusto ko sanang titigan ka Sir habang nakikipagkamay sa inyo kaso baka mahalata niya ako na patay na patay ako sayo Sir kapag nakita mo ang mga mata ko na nag uumapaw sa tuwa.
Jusko po! Hindi ko huhugasan ang kamay ko!
Nung mga sumunod na practice palagi akong tinutukso sayo Sir. Palaging mention ang name ko na crush ko kayo. Alam na din yata ng mga kabatchmate ko na crush kita Sir.
Panay ang asar sa akin. Nahihiya ako kasi baka marinig ni Maam. Pero kinikilig ako. Hindi ako sanay na inaasar kapag nandyan ka sa harap ko Sir. As in harap talaga. Face to face.
Mamatay ako sa kilig kapag nandyan ka sa harap ko Sir. Mahihimatay ako sa kilig.
Matagal ko ng sinabi sa sarili ko na taapusin ko na ito. Pero parang hindi ko yata kaya. Hindi ko kayang tapusin to, dahil ito sa isang bagay na hindi ko kayang tapusin. Patuloy ko paring iisipin ang mga alaala ito.
Patuloy ko itong itatago at aalalahanin.
Hindi ako umaasa dahil alam kong hindi dapat ako umasa sayo Sir.
Magkaiba ang mundo natin Sir. Marami pa kong dapat matutunan at malaman. Samantalang ikaw, nakikibaka na sa tunay na buhay. Ako, marami pa kong dapat pagdaanan.
Siguro dito ko na lang masasabi ang mga salitang ito. Dito kung saan ay hindi mo malalaman ang lahat.
Kagaya noon hanggang ngayon, kala ko mawawala din ito. Pero nandun parin yung feelings na kapag nandyan ka ay parang nalalaglag ang puso ko sa kaba.
I like you Sir. Hanggang ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan.
Pero I really like you.
I don't care if you don't like me.
Basta alam ko gusto kita.
BINABASA MO ANG
Dear Sir
RomanceI have a crush. Not just an ordinary crush. My crush is my teacher, my science teacher.