"Sige, salamat" sumakay agad ako ng van ng makapagpaalam na 'ko kay Mark.
"Sus, wala yun. Alagaan mo lang ung camera, atsaka maging mapanuri ka sa mga anggulo na kukuhaan mo. Sige na, ingat sa byahe" sagot nito, tumango ako at ngumiti atsaka isinara ng tuluyan ang pintuan ng kotse.
Ako nga pala si Daniel, photographer. Yung kanina 'kong kausap ang may-ari ng company na pinapasukan ko at isa rin siya sa mga kababata kong kaibigan. Papunta ako ngayon sa probinsya, ako kasi ang in-assign ni Mark dito. Kukuha ako ng mga pictures para sa ilalagay dun sa magazine namin na tumutukoy sa nature.
Mga dalawang oras ang lumipas bago kami makarating ng tuluyan sa probinsya. Bumaba ako at inayos ang mga gamit ko, hindi ako pwedeng magpatumpik tumpik pa dahil ilang araw lang naman ako dito at hindi ganoong magtatagal.
"Osya, mauuna na 'ko" pagpapaalam ng driver saakin. Tumango ako at nagpasalamat. atsaka siya tuluyang umalis.
Napakaganda talaga ng tanawin sa probinsya. Ibang iba sa maynila, dahil puro polusyon doon samantalang dito napaka-sariwa ng hangin dahil sa dami ng puno at mga halaman. Ngumiti naman ako kay Manong otep ng makita ako nito, nanlaki ang mata nito at biglang lumawak ang ngiti. Tumakbo ito saakin, atsaka ako tinulungan sa dala ko.
Si Manong otep ang dating tagapag-alaga ng hardin saamin ngunit dahil matanda narin siya at hindi na niya kaya ay pinauwi na lamang siya dito sa probinsya tutal ay may mga trabaho narin naman ang anak niya. Naisipan 'ko lang na dito mag-stay nang malaman ko na dito rin pala ako sa probinsya nila pupunta.
"Daniel, halika muna dito at kumain. Maya-maya ay ihahatid kita doon sa malaking puno sa likod, doon ay matatanaw mo ang magagandang tanawin dito sa probinsya" saad ni Manong otep. Kumain na ako at tinulungan muna si Manong sa mga gawain atsaka ako nito hinatid sa likod ng bahay.
Laking gulat ko sa laki ng puno na ito, may hagdan pa nga ito na gawa sa kahoy at mga maliit na bahay na gawa sa kahoy ang nasa taas nito. Napangiti na lamang ako sa excitement habang hawak ang camera 'ko.
"Umakyat kana at kumuha, pupunta muna ako sa bayan para sabihin sa asawa ko na andito ka" ngumiti naman ako dito, atsaka umakyat sa puno. Mahangin at maganda ang panahon kaya mas lalo akong ginanahan kumuha ng litrato.
Nagsimula narin naman agad akong kumuha dahil sa magagandang tanawin nga ang makikita dito ngunit sa di inaasahan ay nahagip ng camera ko ang isang babaeng nakaputing bestida at nakaupo sa ilalim ng puno na malayo sa lugar kung nasaan ako ngayon. Naisipan 'kong kumuha ng litrato nito dahil maganda ang view sakanyang kinauupuan, napupuno ito ng mga halaman at bulaklak sa paligid.
Hindi rin naman mapagkakaila ang ganda ng babaeng kinukuhaan 'ko ngayon lamang. May mahahaba itong buhok na itim at maputing balat. Hindi naman siya mukhang sadako dahil napakaganda nito lalo na kapag ngumingiti. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako dito at pinapanuod ang mga ginagawa niya habang kinukuhaan siya.
Malalim narin ang gabi ng umalis na ito at doon lamang ako nakaramdam ng pagod. Kaya naman, naisipan 'ko narin bumaba at magpahinga.
[ Kinabukasan ]
Nandito ako ngayon sa bayan kasama ang asawa ni Manong otep, namimili para sa pananghalian namin. Halos lahat ay binabati siya, hindi narin naman ako nagulat dahil sa bait nito ni Aling dani.
"Magandang umaga, aling dani! Ang gwapo naman nang kasama mo, anak mo?" bati ng isang matandang babae. Ngumiti lamang ako atsaka naman siya pinalo ng mahina ni Aling dani, habang tumatawa.
"Hindi, naalala mo ba ung pumunta si Otep sa maynila. Anak siya ng amo ni Otep doon, at nandito siya ngayon para kumuha ng mga litrato" pagpapaliwanag naman ni Aling dani. Nakangiti parin ako dito dahil nakangiti rin sila, actually halos lahat ng tao dito ay hindi matatanggal ang ngiti sa kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
Pictures of You
Teen FictionI captured every moments you'd lived and it was the happiest moment of my life. ©2014