My Lesbiana Girl

211 5 1
                                    

Epilogue

Hi! Ako nga pala si Paul Serano,

3rd year high school student sa St. Louis Academy.

Consistent Honor Student, Student Council President, Taekwondo athlete at Heart throb ng school. Hahaha!

Oo gwapo ako at alam ko na alam din nila un.

Madami na akong naging girlfriend pero wala pa sa kanila ang sa tingin ko ay para talaga sa akin. Babaero? Ahmm, sabi ng mga bitter kong ex. Hindi ko naman sila niloko e, ayoko na lang talagang mag-stay pa sa isang relationship na alam kong hindi ko na mahal yung isang tao.

Sabi nila kahawig ko daw si Daniel Padilla. Excuse me! Mas gwapo ako dun noh!

Madaming nagkakagusto sakin na babae pero yung nag-iisang babae na matagal ko nang crush ay hindi ko talaga magawang ligawan.

Si Summer Forteza. Hai! Si Summer J ang babaeng aking pinapangarap! Ang babaeng nakakapagpatigil ng mundo ko. First year high school palang ako sya na ang ultimate crush ko, mahal ko na nga ata sya e. Kaya naman, gamit ang  aking kagawapuhan niligawan ko si Summer kahit walang pahintulot nya.

“Hi Summer! May kasabay ka na bang kumain mamayang lunch? Gusto mo sabayan kita?”

“Ahhm, sorry Paul ahh. Kasabay ko mga friends ko. Isa pa sana tigilan mo na panliligaw mo sakin kasi hindi talaga tayo talo.”

Ouch! Sapul! Kill me now please!!!

Ang sakit!

Hindi tayo talo. Sorry Paul, hindi tayo talo

 Ano ba yan! Dati dine-decline nya lng yung offer ko na sabayan syang maglunch, o kaya tinatanggihan yung mga flowers at chocolates na binibigay ko sa kanya, ngayon iba tong isang to!

Ang sakit!!! Dapat ba sumuko na lang ako?? Hindi! Ayoko!

Chapter One: Meeting Mr. Hambog

Habang pauwi na ako galing school, yung sinabi pa din ni Summer ang nasa isip ko.

Bakit naman nya yun sinabi. Haist! Ok lang naman kahit alam kong hindi ‘pa’ nya ako gusto e. Masaya na lng ako na nililigawan sya. Pero ngayon, iba to. Para na nyang pinutol ang kaligayan ko sa buhay.

Pagdating ko sa bahay sumalubong kaagad sa akin si Mommy.

“My princess! Your home early!” sabay kiss ng napakadiin. Ganun lagi si Mommy sa akin. Kung makahalik akala mo isang taong hindi ako nakita.

“Mom! Stop calling me princess!”

“Etong bata to! Ikaw naman talaga ang princess ko e! Princess na naliligaw ng landas!” sabi ni mommy ng pabiro.

Ok ok! Alam ko nalilito na kayo. Hindi ako bakla sa paningin ng nanay ko ah. Princess Paula Serano ang real name ko. And yes, isa akong tomboy. Isang gwapong tomboy na hindi mo aakalaing babae. Teka! Lalaki ako! Pati ako nawawala sa sarili ko. That’s at least what I feel. I’m a guy. Kaya nga nagkakandarapa ako kay Summer e.

Iyon din ang masakit na dahilan kung bakit nasabi sakin ni Summer na hindi kame talo.

Haist! Bakit ba kasi pinanganak akong babae e! nakakainis!

Habang nagpapahinga ako sa aking kama, iniisip ko pa rin si Summer at ang mga sinabi nya sa akin. Ang sakit talga na parang tinanggalan na nya ako ng pag-asa na mapa-saakin sya.

“Nakatamad namang pumasok! Pwede kayang bumagyo na lng. Tutal naman nabasted na ako ni Summer…huhuhuhuhuhu! Basted ako!!!!!”

Lord why!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lesbiana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon