Green Haired Girl No More

10 0 0
                                    

4 months, 18 weeks, 115 days
simula ng makilala kita,
Hindi ko alam kung natatandaan mo pa,
Pero ako yung babaeng kulay green ang buhok diba?
Unexpected pero akoy nakapunta,
Sa pinakamalaking wet party sa Manila,
Kung saan kita unang nakita,
Pinsan ako nung friend ng friend ng pinsan ko natatandaan mo ba?
Nung una, ayoko talagang tignan ka,
Kasi sa dimples mo sa ilalim ng labi at sa mga mata mo'y akoy nalulula,
Hindi ko alam pero nahulog ata ako sa iyong karisma,
Ang lakas kasi ng datingan mo nung gabing nakita kita,

4 months, 18 weeks, 115 days,
Yan ang bilang ng mga araw na inisstalk kita,
Nakakalungkot na hindi mo na ata maalala,
Pero ako yung babaeng nag add sayo sa facebook, nakita mo ba?
Sa araw araw na pagbisita ko sa instagram mo,
Doon ako lalong nahumaling sayo,
Paano ba naman eh napaka galing mong mag project sa litrato,
Sa bawat post mo ng mga pictures na nais ko sanang ilike,
Nakita ko kung gaano tayo kalayo.
Naniniwala ako na walang kahit anong pwedeng humadlang kung tunay mong gusto ang isang tao,
Pero teka, gusto agad?
Naalala ko, wasted nga pala tayo noon.
Umabot pako sa pagkakataong pati accounts ng ex mo pinupuntahan ko,
Naiinsecure ako kasi nasa kanya lahat ng wala ako,
Nawala tuloy yung kaonting tsansa na kahit maging friends lang tayo,
Hindi ko rin maiwasan na ikumpara ang estado ng buhay natin,
Pero kita mo naman ang agwat natin,
Ikaw, nakukuha mo lahat ng gusto mo,
Ako, mayroon ako ng lahat ng kailangan ko.

Unang beses, na gagawan ko ng tula ang lalaking hindi ko naman lubos na kilala,
Nung una kanta, ngayon tula,ewan ko ba.
Hindi ko alam kung magiging maganda ba ang kalabasan nito,
Pero kung sakaling mabasa mo,
Sana maging friends na tayo,

4 months, 18 weeks, 115 days
Sabi nila wag na raw ikaw ang gustuhin ko,
Kasi fuckboy ka raw tignan sabi ng kaibigan ko,
Hindi ko maipagkaila kasi nakita ko ang tinder account mo.
Pero paano ko ba iiiwas ang sarili ko sayo? E parang nung nag inuman tayo sa likod ng kotse ng kaibigan ko e ginayuma mo ako,
Sa mga tingin mong nahumaling ako,
Sana talaga maging magkaibigan tayo.
Isang araw akoy nagpunta sa Mendiola kung nasaan ang eskwelahan mo,
Balak ko kasing magsimba at,
nagbaka sakali narin na baka makita kita,
Siguro dininig Nya lang yung hiling ko kasi matagal na kitang hindi nakikita,
Pagbaba ko ng lrt, shet nakita kita,
Nakatingin ka na sa akin, babe, naaalala mo na ba?
Kaya lang bakit umiwas ka ng tingin? Hindi ka ba masaya?
Nagbago yung hitsura mo, medyo pumayat ka, umitim ka rin, naisip ko tuloy "may nag aalaga kaya sa kanya?"

4 months, 18 weeks, 115 days
Siguro kailangan ko ng wakasan,
Ang aking kahibangan,
Kasi habang tumatagal mas lalo lang akong nasasaktan,
Na sa loob ng buwan, linggo, at araw hindi mo na rin naman matatandaan.
Ito na siguro ang una at huling tula na maisusulat ko para sayo,
Eto na rin siguro yung huling araw na bibisitahin ako ang profile mo,
Kasi gusto ko sa susunod na taon,
Hindi na ikaw ang papangarapin ko,
Na sana ay makilala ako.
Tingin ko masayang maging kaibigan mo,

Pero nakakalungkot kasi limot mo na,
Ang babaeng green ang buhok.....

Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon