Christmas eve ngayon pero hindi ko ramdam. Walang snow pero malamig naman ang simuy ng hangin. Parang hindi yata magiging white Christmas ngayong taon. At kung gaano kalamig ang simuy ng hangin ganun din kalamig ang puso ko ngayon.
Kaka break lang namin ng boyfriend ko este ex- boyfriend. Nalaman ko kasi na may iba na siyang gusto. Hindi na raw niya ako mahal at ang malala pa dun eh para sa kanya laro lang daw lahat yung sa amin, laro lang daw yung relasyon namin.
Hay bakit ba kasi nangyayari ito sa akin. Mukhang magisa na naman akong magpapasko ngayong taon na ito. Yung pamilya ko nandun sa ibang bansa ako lang yata ang nandito sa Paris.
At kung nagtatanong kayo kung asan ako ngayon? Nandito lang naman ako sa paanan ng isang malaking christmas tree habang umiiyak. Humahagol-gol ako ngayon dito na parang timang.
Bakit ba kasi ang daming magjowa dito?! Naiirita ako!!!
Ugghh bahala na nga sino ba ang maypaki kung wala akong kasama ngayong pasko wala naman diba? Wala!
Pupunta nalang ako sa school baka may mangyaring milagro pa dun.SCHOOL:
Nandito na ako sa school ngayon at parang wala namang mga students na nandito."Sorry Jude pero hindi na kita mahal, ayaw ko na sa sitwasyon natin." Sabi nung babae at tila hindi man lang siya nasaktan dahil dun sa mga sinabi niya sa boyfriend niya.
"Pero bakit?! May ginawa ba akong mali?!" Tanong ng lalaki
Buset bakit ang daming naghihiwalay ngayon?!"Wala, wala kang ginawang mali sadyang may mahal na akong iba" sabi ng babae punyeta kang babae ka! At ayun nagwalk out yung babae iniwan niya yung lalaking nagmamahal sa kanya ng todo.
"Kung sino man yan na nakikinig sa amin, lumabas ka ngayon din!" sabi niya nako lagoot na ito!!
"Ah eh pasensiya na hindi ko naman sinadaya eh! Pasensiya na!" sabi ko at nagpeace sign pa ako.
Hindi ko namalayan na lumalapit na pala siya sa akin. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Putek!
"Hmm so you saw everything? Huh Miss Eliz Woods" huh eh bakit alam niya yung pangalan ko?!
"Teka nga lang bakit mo alam yung pangalan ko at isa pa sino kaba?!" tanong ko
"Hindi mo ba ako kilala?"
"Aba malamang nagtatanong ba ako kung sino ka kung alam ko ang pangalan mo?!" putek tong kausap ko! -_-
"So hindi mo nga ako kilala? Eh kung ganun magpapakilala ako...." He paused for a second
"I'm Jude Adams" sabi niya sabay abot ng kamay niya para makipag handshakeJuskoooo! Si Jude Adams ang kausap ko? Si Jude Adams ang nandito sa harapan ko?! Si Jude Adams na super popular sa school namin? At si Jude Adams na pinapangarap ng lahat ng mga babae; jusko!!
"Ahhh eh! Sooo iniiwan rin pala ang isang Jude Adams?!" tanong ko
"What did you say?!" sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Jusko pwede bang tigilan niya yang mga titig na yan?! Nakaka inlove eh! XDMyyyyggggaaad!!! Ano ba ang pinagsasabi ko!!
"Ahh eh pasensiya wala kasi ako sa sarili ko ngayon eh" sabi ko sabay kamot ng ulo
"Anong wala sa sarili?" putek bakit puro tanong ito
"Wala! Diyan ka na nga!" sabi ko sabay walk out! Shit bakit ba kasi nangyayari ito sa akin?!
Ano bang ginawa kong masama?!"Wait! Do you want to spend Christmas with me?" natigilan ako sa tanong niya. Bakit niya naman ako hihikayatin?
"Huh? Seryoso ka?! Eh bakit? Diba may pamilya ka naman?" tanong ko pero hindi siya sumagot..