Kumakain ako ng ngohiong sa isang karinderya malapit sa University'ng pinapasukan ko. Tanghali no'n at tandang-tanda ko pang nakakatatlong cups ng rice na ako. Gutom eko eh.
Kakatapos lang ng Midterm exam ko sa isang major subject kaya natural na gutom na gutom ako. Tapos may isang exam pa ako mamayang alas tres kaya habang kumakain nagbabasa ako ng libro sa Machine Design. Uso na multitasking noon. *Ehem* Puta, cramming *Ehem*
Habang kumakain biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagkatingin ko, ang boyfriend ko pala ang tumatawag. Napangiti ako.
Hindi talaga ako matitiis ng mokong.
No'ng isang linggo kasi, nag-away kami at ngayon niya lang ako kinontact. Ako naman si ma-pride hindi nag-effort makipag-communicate sa kanya.
"Hello," Sabi kong ganyan, medyo padabog. Kunwari galit. Sinara ko libro at tinabi ito.
"Nasa'n ka?"
"Kumakain ako. Bakit?"
"Mag-usap tayo."
"Okay, punta ka na lang sa apartment mamaya." Kaswal kong sabi.
"Ano-- hindi ako pupunta sa apartment." Sabi niya.
Medyo nainis ako. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil nga iniiwasan ko siya. Sa tingin ko oras na para ayusin namin to.
Ito talaga pinaniniwalaan ko kaso malimit ko lang naa-apply kasi masyado akong ma-pride.
Kung nasa isang relationship ka: lunukin mo ang pride mo. Huwag mong patagalin ang isang misunderstanding kasi dalawa lang naman ang kalalabasan niyan, either pag-uusapan niyo ng maayos o hahayaan niyong lumaki ito.
Eh sa kaso ko, hindi ko minsan kayang lunukin ang punyeta kong pride, umaabot hanggang ilang linggo ang away namin.
"Bakit? Makikipag-inuman ka na naman sa mga barkada mo? Uunahin mo na naman sila kaesa sa 'kin?"
Nagger ako, 'di ba?
You could say na medyo lumaki ang ulo ko. I am a spoiled girlfriend. He spoiled me with everything that I want. He gave me roses, teddy bears, chocolates, time, intimacy, and lots and lot of his attention.
Kaya siguro minsan feeling sumobra na ako kasi nasanay akong sunod-sunuran siya sa 'kin.
Nasanay akong baliw siya sa 'kin.
I thought he was crazy enough to stay with me until marriage.
Anyway, back to the topic.
So 'yun ang sinabi ko. Ang bobo 'no? Instead of asking why, I started nagging him. I acted as if I owned him.
But thinking about it, it's natural. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkagano'n ako. I was just trying to protect what we had.
If something is extremely important to you, you're going to do anything to make sure it stays intact.
"Hindi..." Sabi niya.
"So bakit hindi ka pupunta?" Medyo tumaas na ang boses ko.
"Alam mo kasi—"
"Ano nga!?" Hinampas ko ang palad sa mesa at wala akong pakealam kung nagulat ang kumakain sa kabilang table.
Nung panahong 'yon wala akong ibang inisip kundi makipag-ayos sa kanya without actually putting my pride away (sabi ko sa inyo, mapride ako). Ewan ko ba, hindi naman ako ganitong klaseng tao noon, hindi naman ako "baliw".
Tama nga siguro sila 'no? Nakakawala sa sarili ang pag-ibig.
"Hindi na ako pupunta sa apartment mo."
YOU ARE READING
X, Ex, E,kiss
RomanceHanap ka ng hanap sa daan pa- "Forever" ngunit hindi ka naman handa sa mga misadventures nito. (A collection of one shots and short stories)