Story 2: Law of Polar Opposites

95 1 0
                                    

*

"Naghahanap ka ng apartment 'di ba?"

Tiningnan ko si pinsan. Binaba ko ang kinakain at nagseryoso. "May nakita ka?"

*BLAG!*

Napatingin kami sa kabilang table. Biglang tumayo yung chiks na nakasabay naming kumain dito sa eatery. She's heaving. Pansin ko ring naiiyak siya. Maya-maya kumaripas na siya ng takbo.

"Teka..." Napatayo si pinsan. "Miss, naiwan mo 'tong libro!"

"Ako na." Biglang umeksena ang isang lalaki. Cute siya, medyo matangkad, pinoy na pinoy ang mukha. Tipong Adonis ang kagwapuhan. Ganun. Nginitian nito si pinsan sabay kuha ng libro sa mesa. Then tumakbo na rin ito kasunod nung babae.

Bumalik si pinsan sa table at nagpatuloy kumain.

"May LQ siguro." Sabi ko.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko."

Sumimangot ako. "No offence to you ha, ang bata-bata mo pa, mukha ka nang matrona. Ba't ba laging nakabusangot 'yang mukha mo?"

Sinamaan niya ako ng tingin."Mukha kang tukmol. Tumahimik ka diyan."

Tumahimik nga ako. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya. Ayoko lang magsagutan pa kami rito sa eatery. Hello? Too scandalous!

Huminga siya ng malalim at humalumbaba. "May nakita ako malapit sa University ko."

"Talaga?"

"Fully furnished with three bedrooms, kitchen, tsaka sala." Dagdag niya. "Sosyalan type ata. Ewan ko. Just go and check it out."

"Hindi mo 'ko sasamahan?"

Tumingin siya sa 'kin. "Ba't naman kita sasamahan? May klase ako. Busy ako. Tsaka hindi ako sumasama sa mga tukmol."

Nalaglag ang panga ko. "Hoy bata ka, ako ang nagpapaaral sa 'yo ha! Anong kabulastugan ba ang tinuturo diyan sa University niyo at ginaganyan mo 'ko!?"

"Hindi bagay sa 'yong magdrama, mukha ka pa ring tukmol." May inabot siya sa 'king papel. "Oh 'yan, puntahan mo ang address na 'yan."

Binasa ko ito. "Rooftop? Ba't nasa rooftop? Alam mong ayaw ko sa mga bagay na may kinalaman sa hagdanan!"

"Choosy ka pa! Kaya pinalayas ka sa dating tinitirhan mo eh! Ang dami mong arte, ang tamad-tamad mo naman!"

"Hindi ko kasalanang pinalaki akong maarte ng parents kong bata ka!"

"Susuntukin kita sa puyo 'pag 'di mo pa kinuha 'yang apartment na 'yan, sinasabi ko sa 'yo, nako."

Grabe naman yung suntukin talaga sa puyo, hindi naman ako maka-over! "Ba't ba ang init ng ulo mo? Pasan mo ba ang problemang pang-ekonomiya ng bansa?"

"AHK~ Leche! Bahala ka sa buhay mo! Ikaw pa 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong ayaw! Maghanap ka ng sarili mong apartment, 'wag mong sayangin ang oras ko!" Tumayo siya at nagwalk-out.

"Hoy, bumalik ka rito! Ikaw bata ka... HOY!"

Yeah, that was the end of our conversation. Ewan ko ba sa batang 'yon. Third year college pa pero asal-menopause na. Siguro dahil walang lovelife at nasobrahan sa kape. Sabi ko naman sa kanya 'wag magkakape kapag gagawa ng thesis, ayan tuloy nagmumukha siyang babeng namatayan ng sampung asawa.

So ayun, pinuntahan ko yung address na binigay ni pinsan that same day.

--

Tinitigan ko ang matayog na building. Kapag ito nasira ang elevator, aalis talaga ako agad. Hindi ako tamad. Masipag lang talaga kayo. I have my own way of living. Kanya-kanyang trip, 'ika nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

X, Ex, E,kissWhere stories live. Discover now