Riley's POV
Gumising ako ng maaga kinabukasan at nag almusal. Pagkatapos kong mag almusal ay naligo kaagad ako tsaka nag bihis ng uniform para sa school. Matapos kong I-check ang mga gamit ko— na wala akong nakalimutan, lumabas na ako ng bahay at nag lakad na papuntang school. Walking distance lang naman ang bahay naming at ang school eh.
Nasa tapat na ako nung gate ng may biglang bumusina sa likod ko kaya pumunta ako sa gilid para makadaan siya.
Nang dumaan siya ay pumunta ako sa student's gate. May tatlong gate kasi dito sa SKY University. Yung isa, para sa mga kotse. Isang elite school kasi ang pinapasukan ko at sa awa naman ng Diyos ay scholar ako dito. Scholar ako dahil sa Dance troupe na kinabibilangan ko. Yung isa naman eh Teacher's gate. Tapos yung panghuli ay Student's gate.
Bago ako pumasok, huminga muna ako ng malalim. Masyadong judgemental kasi ang mga students dito porket mayayaman sila. Wala din naman akong mga kaibigan dahil palagi nila akong inaatake sa likod ko. Literal.
Pagpasok ko, hindi ko na tinignan ang mga studyanteng nandito dahil alam ko naman na nagbubulungan na sila at nag uusap tungkol sa akin. Kaya, bakit ko pa sila titignan?
Pumasok ako sa room at umupo na kaagad sa upuan ko. Yumuko ako para makapagpahinga naman ako saglit. Kulang pa kasi 'yong tulog ko kagabi. Masyadong nakakapagod ang nangyari kahapon kaya hanggang ngayon ay hindi pa ako maka move on.
Nagising ako bandang 10 na. Meaning, wala kaming prof. Pagtingin ko sa paligid, wala na 'yong mga kaklase ko. Probably, they went to somewhere. Goofing around. Dalawang subjects lang ang klase ko everyday pero tig tu-two hours lang. 7:00-9:00 at 9:00-11:00. Pagtungtong ng 12, papasok na ako sa trabaho ko bilang waitress. Ang duty ko naman ay may apat na oras kaya hanggang 4 ng hapon ako do'n. Pagdating naman ng 5:00, may practice kami sa dance troupe. 5-9 ang schedule naming araw araw kaya nakakauwi ako ng bahay ng around 10. Yup, 'yan talaga ang schedule ko everyday. Take note of that. EVERYDAY.
Naghintay pa ako ng ilang oras para sa susunod na subject ko pero walang professor na dumating kaya lumabas nalang ako. Pumunta ako sa restaurant sa kabilang kanto. Nilakad ko lang dahil sayang lang 'yong pera ko kapag sumakay pa ako ng jeep. Kailangan ko pa naming mag tipid.
Pagkarating ko sa restaurant, lumapit kaagad sa akin si May. Yung kasamahan ko.
"Oh, bakit?"
"Kanina pa kasi may naghihintay sa 'yo eh." Bulong ni Ellaine sa akin. Pumasok muna ako sa dressing room naming at nag bihis ng uniporme naming na para sa restaurant.
"Bakit daw?"
"Eh, hindi ko alam eh. Basta, hinahanap ka daw niya." Sagot niya kaya tumango nalang ako.
"Lalabas na ako maya maya. Magbibihis lang ako." Sabi ko sa kanya kaya tumago nalang siya at lumabas na sa dressing room.
Sino naman kaya ang naghihintay sa akin?
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako at pinuntahan si Ellaine sa counter.
"Sa'n ba banda nakapwesto yung naghahanap sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Table 20. Pakihatid nalang din 'to sa kanya." Sabi niya kaya kinuha ko na 'yong iba pa n'yang order.
Naglakad lakad ako at hinanap ko 'yong table 20. Nung nahanap ko na, nilapitan ko na siya at inilagay ang order niya.
"Here's your order ma'am." Sabi ko kaya tumingala siya sa akin dahilan para mapa bow ako ng wala sa oras.
"Good afternoon po Ma'am." Sabi ko sa kanya. Siya yung babaeng panay tanong sa akin kahapon nung nag audition ako.

BINABASA MO ANG
Dealing With Danger
FanfictionA Seventeen FF~ rank achieved: #496 || #466 || #629 || #266 || #499 || #717 || #507 || #443 || #340 || #327 || #74