SIGNS

131 3 0
                                    

SIGNS.

Sa tuwing kailangan kong magdesisyon lagi na lang akong dumedepende sa mga signs.

Tulad na lang nung gusto kong bumili ng bagong gadget. Sabi ko kapag nakita ko yung picture niya sa isang back issue ng newspaper ibig sabihin bibili ako non. At nakita ko nga siya nung kinailangan kong magbasa ng news kasi nga may quiz kami sa isang subject which is Campus Journalism. Kaya after 2 days, binili ko siya.

Meron pa. Sabi ko kapag parehas kami ng crush ko ng color ng shirt sa dress down day ibig sabihin crush niya rin ako. Kinabukasan, hindi kami parehas ng color ng damit kaya nagassume ako na hindi niya ako crush at tama naman ako kasi nalaman ko na ang crush pala niya ay yung classmate namin na maganda at mahinhin. Oh di ba? Tama ang signs?

May minsan din na may nag-aya sa aking lumabas. Saturday nung inaya niya ako at Linggo naman yung paglabas sana namin. Sabi ko na naman kapag umulan bukas ng umaga hindi matutuloy yung lakad. Ayoko rin naman kasing lumabas kasi tinatamad ako kaya hinitay ko yung sign. Umulan kinabukasan kaya I canceled yung lakad namin. Disappointed siya pero yun eh sign na ang nagsabi.

Sa first boyfriend ko naman. Humingi rin ako ng sign. Sabi ko kapag binigyan niya ako ng isang tangkay ng rosas sa araw ng August **, 20** at around 3-5pm ibig sabihin non sasagutin ko na siya bilang boyfriend ko. Nung araw na yon akala ko hindi na mangyayari yon pero habang nakaupo kami sa bench ng mga kaibigan ko bigla niya akong sinorpresa at ayun nga binigyan niya ako ng isang tangkay ng rosas at isang malambot na stuff toy. Pagtingin ko sa watch ko 4:56pm. Ibig sabihin on time siya kaya sinagot ko rin siya nung araw na yon.

Pero after 8 months naghiwalay din kami. Humingi rin ako ng sign noon na kapag wala akong nareceive na text o tawag sa loob ng isang lingo galing sa kanya ibig sabihin may iba na siya at makikipaghiwalay na ako. After 1 week, walang text o tawag kaya ako na naunang nagtext na break na kami. After 1 week nakita ko uli siya, ,ay kasama ng iba. Di ba tama na naman ang sign? Kaya simula noon lagi na akong humihiling ng sign.

4th year high school student ako ngayon sa isang private school sa probinsya na nangangarap makapasok sa isang university sa siyudad. Pinagdasal ko na bigyan ako ng sign na kapag may libreng form na ibibigay ang school for application sa La Salle eh ibig sabihin doon na ako mag-aaral kapag pumasa ako. Bago matapos ang taon ay nabalitaan kong magbibigay nga sila ng libreng form. Inannounce ng teacher namin sa klase kaya dali-dali akong kumuha ng form. Awa ng Diyos, nasubmit ko naman on-time at naghihintay na lang ako sa magiging resulta.

Kulang-kulang dalawang buwan na lang simula na ng klase pero wala pa rin yung resulta ng pag-aapply ko. Kaya humingi na naman ako ng sign na dapat bago mag-May *, 20** makuha ko na ang resulta dahil kung hindi dito na lang ako sa amin mag-aaral ng college. Maganda rin naman ang Saint Mary's.

Bago pa man mag-May *, 20**, natanggap ko na ang magandang balita na nakapasa ako sa La Salle. Ang ibig sabihin non doon na ako mag-aaral.

Maayos naman ang takbo ng pag-aaral ko. Hindi rin naman ako loner sa pag-aaral ko sa siyudad kasi kasama ko rin yung isang kaibigan ko. Parehas kami ng school pati na rin sa boarding house. Mahirap na mag-isa baka nakababaliw.

Minsan nag-uusap kami ng kaibigan ko tungkol sa love. Sabi niya ang sign daw ng lalaking makakatuluyan niya ay may initials na MH. Tinanong ko bakit MH? Anong meron sa two letters na yon? Ang sabi niya sakin "My Heart" sabay tawa ng malakas. Napatawa rin ako don. Hindi ko naman akalain na ganon pala yon. Kakaiba talaga siya mag-isip. Tinanong niya rin ako kung ano ang sign ng makakatuluyan kong lalaki. Napaisip ako. Ano nga ba? Aaaaah. Tutal mahilig ako sa ganong tipo ng lalaki kaya ang sabi ko "Ang sign ay kapag member siya ng Basketball team at ang jersey number niya ay 7 idagdag pang magaling siyang kumanta at maggitara." Sabi ng kaibigan ko ang dami naman non. Posible bang nasa kanya na lahat ng katangian na yon. Ahh basta yung mga yun yung sign. Tinanong niya ako kaya sinagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIGNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon