Pangunang Kabanata

453 20 13
                                    

Pangunang Kabanata

"Honeeeyy! Oh my gosh! Isang taon ka din hindi nabalik dito! Dami mo na nalagpasan! Alam mo ba? Si Erica nabuntis na."bulong nito saakin sabay taas ang kilay kaya naman tumawa ako.

How I missed this girl!

Nauna na sila Mommy sa loob at kami naman ni Leigh ay pumunta sa hardin. Habang nag ke-kwentuhan kami ay natigil ito at siniko ako.

Nginuso nito ang kapitbahay namin kaya naman tumingin ako. Nakita ko ang dalawang tao na pababa sa isang SUV, mukang mga kakauwi lang. Parehas na makisig at maganda ang dalawa, mukang beauty queen ang isa habang para namang isang korean idol ang isa.

Para silang dalawa na nyebe, napaka puti kasi. Nasilaw ako kasi sa puti nila ay kulang nalang mag reflect sa araw, grabe okay pa ba sila?

Maganda ang babae, mukang birheng maria nga kung tutuusin, maliit ang muka, maliit ang matangos na ilong nito at hugis puso ang labi. Namumula mula pa ang pisngi dahil sa init.

Ang lalake naman ay parang isang koreanong idolo, may kahabaan ang buhok at itim na itim iyon. Hindi ko tipo sa lalake ang parang medyo payat at nakasalamin kaya naman tinignan ko si Leigh na kinikilig-kilig sa gilid ko.

"Sikat sa school 'yan! Kakalipat lang nila dito, galing daw korea sila eka ni Nanay."sabi nito saakin.

"Oh? Marunong mag tagalog?"tanong ko.

"Oo naman! Nakausap ko nga iyong babae, fluent na fluent ante! Kinilig nga ako akala ko mababading ako sakaniya."tumawa ng tumawa si Leigh.

"Tapos itong si Kuya Ji-Ho ay nako beh ang pogi pati boses! Nakita ko naka sando 'yan nung isang araw may maskels, 'te! Gosh."pinaypayan nito ang sarili.

Tumango tango naman ako at tumingin uli sa dalawa, naabutan kong nakatingin saamin iyong si Kuya Jin-Ho daw pero bigla naman kaming tinawag ni Nanay Erlinda kaya pumasok na kami ni Leigh.

"Nakita mo na ba ang mga kapitbahay mo?"ngumisi si Nanay Erlinda.

"Ang pogi nung anak na lalake, 'no?"sabi nito na tila nanunukso pa.

"Oo, Nanay."tumango ako dito bilang pag sang-ayon.

Pogi naman talaga, hindi ko lang type.

"Si Ji-Ho at Ha-Eun, parehas na magalang na bata."ngumiti si Nanay Erlinda.

"Bagong lipat, Linda?"tanong ni Mommy.

"Oo, nitong bakasyon lang lumipat ang mga iyan. Sabi meron daw business dito ang magulang sa Pinas."sagot ni Nanay Erlinda, dumeretso na kami ni Leigh at hinayaan uling mag kwentuhan ang dalawa.

"Nag luto ako kanina ng adobo! Tikman mo."sabi ni Leigh.

Tinikman ko iyon at nanlaki pa ang mata, "Ang sarap!"sabi ko kaya sinapak ako nito.

Naubos ang mag hapon namin dalawa na puro daldalan lang pero madalas umaalis si Leigh kasi tumutulong sa nanay niya, tumutulong din ako kapag pinapayagan ako ni Nanay Erlinda.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, first day of school! Grabe, kinakabahan ako na parang na e-excite pero naiihi ako sa kaba.

Mahigpit kong nahawakan ang aking bag sa kaba. Mas nananaig na ngayon ang kaba kahit na kasama ko naman itong si Leigh. Maingay ang paligid dahil sa mga estudyanteng nag babatian at nag uusap lalo na kakagaling lang nila sa isang mahabang summer break.

I scanned the crowd, nakaramdam ako ng kaba lalo na napapaligiran ako ng mga tao na hindi saakin pamilyar.

"Ceska! Nakakaexcite, 'di ba?!"Leigh exclaimed with a wide grin.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon