One Shot Story 1: Vicerylle Fanfic***
"Kurba!!!" Sigaw ni Vice sa likod ko. Ewan ko, pero these days, palagi na siyang naiinis sa akin. Masungit na siya, pag hinahawakan ko ang kamay niya, binabawi niya ito. "Yesss Poooggiii???!!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Akala niya siya lang marunong sumigaw ah. "Nasaan na yung sapatos na ibibigay ko mamaya sa madlang people?" Lumapit siya sa akin at bigla naman akong nanlambot. Huy Ana Karylle Tatlonghari! Ano na ang nangyayari sayo?
"Ah-eh Nandun sa dressing room Pogi." Nginitian ko siya pero nilagpasan niya lang ako. Walangyang kabayong to oh! Pumunta nalang ako malapit Kay Ryan. "Ryan, bakit ganun ang asal ng mommy mo palagi sa akin? Galit ba siya? Palagi niya nalang ako sinisigawan." Tanong ko Kay Ryan at nag pout.
"Iniiwasan ka niya Ate Karylle." Sagot niya sa akin pero Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Bakit naman ako iniiwasan ni Vice? Okay naman ang regalo ko nung birthday niya ah.
Teka,
Ano ba ang niregalo ko nun?
Flashback
"Happy birthday Pooogggiiii!!!" Bati ko sa kanyang habang binibigay sa kanyang ang paper bag na kanina ko pa lang dinadala. Ngumiti siya pero Hindi parin niya binubuksan ang paper bag. "Ano ito Kurba?" Tanong niya sa akin. "Buksan mo." Sabi ko sa kanya. Binukas niya ang paper bag at dinampot niya ang laman. Isang malaking stuffed toy ng My little Pony. Oh diba, siya ang regalo ko sa birthday niya.
Tumawa siya ng malakas. "Bakit ka pa nag abala Kurba?" Sabi niya. "Ah---eh--ih---oh---"
"U?" Pagdugtong niya sa sinabi ko at ngumiti. "Kurba isa lang naman ang gusto kong regalo sa birthday ko eh." Aniya.
Lumapit siya papalapit sa akin. Ilang inches nalang at magkadikit na ang mga mukha namin.
"Ito Kurba, oh." Dinampi niya ang labi niya sa labi ko.
End of Flashback
Ay pucha! Baka naiilang yun sa akin.
Nilapitan ko si Vice at binuka ang bibig ko.
"Naiilang ka ba sa akin Vice?" Tanong ko sa kanya pero nag iwas siya ng tingin. Pero humarap siya sa akin at tinignan ako ng derecho sa mata.
"Oo, Karylle."
"Bakit?"
"Kasi nahuhulog na ako sayo."
***
End of One Shot 1: Vicerylle Fanfic
(A/N Fan kasi ang best friend ko ng Vicerylle at palagi siya gumagawa ng mga stories about Vicerylle kaya heto, naging Fan na rin ako. P.S. Hello sa mga VKBs dyan!)
BINABASA MO ANG
One Shots
RandomMostly in FanFic: Vicerylle Love Team Lizquen Love Team KPOP Love Teams Hollywood Love Teams All in TeenFic: School Settings Poetry: Random Topics, you suggest.