Kathryn's POV
"Babe, good morning! Alam ko magiging busy ka sa araw na to dahil graduating kana! Kumain ka ng mabuti ha? Wag mag papalipas, dahil pakakasalan pa kita at ayaw kong may masamang mangyari sa yo. Bi, laging mong tatandaan na mahal na mahal kita ha? Hinding hindi kita ipag papalit nino man.. I love you so much!"
GOOD MORNING WORLD! Ang saya saya namang gumising pag ganyang text ang mababasa mo ^^
HI! Ako nga pala si Kathryn Concepcion, fourth year high school na ako at nag aaral ako sa isa sa pinaka mahal na skwelahan dito sa lugar namin... Marami akong mga kaibigan kasi nga sabi nila ang friendly ko raw, matulungin. Kahit na sinasabi nilang rich kid raw ako at spoiled kasi only child.. Pero hindi ahh! Simple lang ako, ang gusto ko lng kasi ay ang maging isang doctor sa future. May boyfriend ako, at kapit bahay lng namin.. Alam kong weird pero ewan ko, pero kinikilig parin ako sa kanya...
Siya si Kristopher Martin. One year yung gap namin pag dating sa acads pero pag dating sa age.. 2 years. College na siya ngayon, gwapo siya, napaka religious, magaling sa lahat ng instruments (kaya cguro nagustuhan ko), magaling rin siyang mag drawing (things na gusto ko ring gawin), mag basketball, lahat na ata. Sabi nila goals raw kami hahaha kaya nga kinikilig ako ehhh..
"Good morning rin mahal! Ingat ka sa school ha? Alam kong gagabihin ka na naman. Malapig na yung retreat namin, mag ingat ka parati ha? Mahal na mahal na mahal na mahal kita sobraaa!"
Pag katapos ng reply ko sa kanya, dumeretso na agad ako sa banyo kasi 7:30 yung pasok ko.
1 hr and 30 mins
TADAAAAAA!! Fresh na ako.
Nag prepare na ako at kumain.. Lola ko lang at saka tita ko ang kasama ko dito sa bahay kaya medyo malungkot.
Fast forward >> SCHOOL
"OMGGGG!! Malapit na yung retreat natin!" Sabi nung ka klase ko.
YEHEY! Retreat ^o^ alam kong magiging masaya to, pero mamimiss ko na naman yung baby damulag ko. :(
"Balita ko sa bukid raw yun ehh." Sabi ng kaklase kong isa.
"nako excited na naman akoooo! ^_^" sabi ko..
Di ko maiwasan ha, hindi sa nag aassume ako pero kanina pa talaga tong si Daniel tumitingin sakin na para bang may kasalanan ako sa kanya O.O
New student sya, lumipat sila dito ng pamilya niya kasi dito na assign yung daddy niya. Gwapa siya, mataas, mayabang... Lahat ata ng boys sa classroom close ko siya nlang yung hindi. Eh kasi naman eh! Sa titig niya palang, gustong gusto ko ng magpalamon sa lupa hahahahahaah
Pero malungkot ako ngayon.. Kasi Valentines Day na bukas pero wla akong nararamdamang kilig sa boyfriend ko -,- :(
Pagkatapos ng kwentuhan namin ng mga kaklase ko, nagsimula ng mag discuss ng Economics..
"Macro economics.... Microeconomics.... Scarcity..."
KRINGGGGGGGG!!!
Hay salamat.. Biglang nang labasan na yung mga kaklase ko, at dahil mabait na girlfriend ako, agad akong umuwi para naman makita si Kris. Kasi Valentines day na bukas at hindi sa nag aassume ako ha pero naman kasi talaga eh! Boyfriend ko siya pero hmmmmmmmm oo na nga cge na nag eexpect na ako. HAHAHAHA!
"Bi, may practice kami ngayon. Sorry kung ang busy ko na ha? Wag kang mag alala ma raranasan mo rin to at maiintindihan mo rin ako pag mag cocollege ka na."
Nawala ako bigla sa mood ko ng ma received ko ang text na yun. Grabe nman, naiintindihan ko nman kase na busy sya eh. Cge na nga :/ itutulog ko nlang to.
-----------------------------------------
YOU ARE READING
Unexpected Love [KathNiel Fan Fic]
FanfictionAlam mo yung feeling na... Akala mo siya na... Akala mo masaya ka na... Akala mo lahat okay na... Akala mo may future kayong dalawa... Yung akala mo, wla nang magpapahiwalay sa inyong dalawa..