Chapter 1

40 5 8
                                    

Anna's POV

Grabe hirap na hirap na ako sa buhay ko.Tapos sisante pa ako sa trabaho ko na bilang waitress sa isang hindi naman kagandahan na restaurant ano bayaaaaaan anong gagawin ko?! Magpapadala pa ako sa mga kapatid ko sa probinsya tapos mag babayad pa ako sa bill ng tubig at kuryente pati narin sa apartment kung napakaliit ang kwarto jusko naman oh

"Miss tapos ka na bang mag drama?! Alis ka na oh paharang harang ka sa daan!"

At doon ko pa namalayan na sa kalsada ko pala napili mag drama.NAKAKAHIYA ang daming nakatingin sakin na parang kakain na ako ng buhay.

"Sorry po sorry po sorry po"

Pagkatapos kung mag sorry tumakbo na ako at pumunta sa apartment ko yes tumakbo lang ako kasi nasa tapat lang ng dating pinagtatrabahoan ko ang apartment na tinitirahan ko.

Ako nga po pala si Anna Suico oh diba bongga ng name ko hahaha.Mag hahanap pa pala ako ng trabaho nako pa ano nato high school graduate lang ako kase si inay at itay namatay na sila nung graduation ko saklap no?Naholdap kasi sila tapos hindi naman kaya ni inay na ibigay ang bag niya kasi nandon ang pera nila para sa pang kolehiyo ko.Kaya ayon pinatay ni holdaper.Hahay miss na miss ko na sila inay at itay.

Tinawagan ko si Maria ang super duper uber uper bestfriend ko.Sinagot na niya tawag ko

"Oh Anna napatawag ka?"

"Eh kasi Maria"

"Ano?"

"Wala na akong trabaho huhuhuhu"

"Nanaman?!Diba sabi ko sayo na dito ka na mag trabaho sa kompanya namin!"

"Eh nakakahiya eh highschool graduate lang ako"

"Edi mag janitor ka"

"Maria naman eeeeeh"

"Hahaha joke lang"

"Pano na to?"

"Aha!May na alala ako si kuya kailangan niya na kasambahay sa bahay niya alam mo naman yon walang mag tatagal sa sama nang ugali non."

"Kasambahay?"

"Yep!"

"Diba demonyo ang kuya mo sabi mo pa nga eh"

"Bahala ka sayang naman 20k per month tapos dun ka na titira di ka na mag babayad pang apartment mo sige maghanap nalang ako nang iba"

"20K?! Aba gora ako dyan"

"Yes!!! Thank you besh i tetext ko lang sayo ang address!"

"Diba dapat ako magthathank you kasi ako ang nag hahanap ng trabaho?"

"Ay oo nga pala hahaha sige na bye!"

"Bye."

Salamat naman at may trabaho na ako

Nandito na ako sa harapan ng bahay ng kuya ni Maria grabe ang laki te bongga sa sobrang laki ng gate hindi ko na makita anong nasa loob -.- baka naman sindikato ang kuya ni Maria?! 0.0

"Who are you?"

Nagsasalita ang gate!

"A-ahm a-ako po si Anna Suico Mr.Gate"

"What?Mr.Gate?"

"Opo diba po gate kayo?"

"Stupid,what are you doing here?"

"Hoy maka stupid ka gate,nandito po ako para mag apply bilang maid"

Hindi na nagsalita ang magic gate.Bigla nalang bumukas ito at pumasok na ako napakaganda malaki ang bahay black and white ang kulay tapos may garden na puno ng red and white roses manakaw nga at ibenta sa mga flower shop hahaha joke lang.

Pumunta ako sa pinto ng bahay at kumatok.Walang bumukas kaya kumatok ako uli.Hanggang sa lumipas ang oras hindi parin bumukas so wala akong nagawa kundi buksan nalang pagpasok ko sa bahay ay bongga! Ang ganda pangmayaman talaga at ang linis ng sahig nahihiya tuloy akong tapakan kasi baga madumihan.

Mayamaya may bumabang anghel de joke lang may lalaking bumaba sa hagdan at ang gwapoooo ito siguro ang kuya ni besh.

"Stop staring at me it disgust me"

A/N:Dont forget to vote and comment (^-^)

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon