Ang pag-ibig anila'y nakababaliw
Ngunit sa iba ito'y kagilw giliw,
Tulad ng ating mahal na maylikha
Busilak ang kalooban, natatanging ilaw sa ating gawa.
Matalo man o manalo ito'y ilalaban
Lahat gagawin kahit ikapahamak man,
Ganyan na ang pag-ibig, mahal na dakila
Nagiging bayani't sundalo sa digmaan.
Buhay ang pag-ibig at walang kapareha
Minsan may hirap at awa, may tuwa na may pagkalinga,
Natural sa atin ang umibig
Kapag puso'y di na mapigilan ang pintig.
Ang pag-ibig ay may isip at puso
Mata na nakakakita, kalooban na nakakaramdam
Hindi dahil ang kahirapan sa pag-ibig
Kahit na duling na sa gutom, maligaya parin.
ANG PAG-IBIG.
