Special Chapter

489 36 0
                                    

This is not counted as a chapter but what story is this are conected to main story. Special Chapter Begins

-----------------
(Someone's POV)

"Ano mapaglilingkod ko sainyo sir" sabi ng isang NPC

"Ahhhhhh pabili ako ng Healing potions"

"Ilan sir?" tanong ng npc

"Mga 20 lang"

Naibigay na sakin ang pakay ko at ng lumabas ako sa NPC tavern sa iron village ng makita ko ang isang Black aura sa Black na damit at black na wing agad dun napunta ang mata ko at parang may hinahanap. Natungo sya sa isang player at ng tinanong ang parang hinahanap nya ay bigla ay may lumabas na duel invitation. Agad naman iniaccept ng may black aura ang duel. Wala pang ilang segundo ay tumaob ang kalaban ng naka black aura. Ang lakas ata neto imba ehh bilis ng movement speed at ang bilis ng attack speed. Agad kong sinundan ang player nayon nakita ko sya sa isang pet merchant at nakita ko ang isang pet egg kaya napukaw ang paningin ko sa kanya. Nang makaalis na ang player nayon ay bigla akong lumapit sa NPC at tinanong ako

"Good morning sir ano maitutulong ko" tanong ng npc

"Ahmmm anong uri ng pet yung pinahatch sayo nung lalaki"

"Isang Legendary Black Dragon Baby Pet bakit sir" tanong uli ng npc

Gulat ako sa sinabi ng NPC dahil isang legendary pet ito at ang malupet ay last Dragon boss yon pero bakit ganun walang notification na natangap? panu nya yon nakuha? hacker? hindi naman pede napakahirap ihack ang game nato kailangan mo muna maging GM or Admin ng game para makakuha ng gamit. Sinundan ko ito para matignan ang galing nya. Talagang nakakamangha di pa lumalapit ang kalaban ay nasa tabi na ito at mahirap makita ang pag atake dahil sa sobrang bilis. Mga isang oras na at nakita ko ang galing nang pag galaw at ng mapansin ko na aalis na sya ay agad akong nag handa para tumakbo. Mabilis ang pagkilos nya at muntik ko na di sundan ang player nato pero dahil alam ko kung saan ang punta nya. Nakita ko na may pet syang hawak at ito'y dragon gulat ako pero agad din nyang ini-unequip at nag out.

Within 1 week ay nalaman kong siya ay si Erick Sebastian 17 years old nag aaral sa SJC or Saint Josephine College na pinag aaralan ko rin. IT ang course nya. iniistalk ko sya ng napakatagal gusto kong makipagkaibigan sakanya pero nahihiya ako.

Isang araw ay nag lalakad ako galing sa 7-Eleven ay nakita ko ang isang lalake at isang motor na nakatumba. Agad kong nilapitan ang lalaki at ng makita ko kung sino ito ay nagulat ako. Si erick iyon at mukhang malubha ang natamong sugat. Agad kong inayos ang motor at sinakay ko si erick at drinive sa pinakamalapit na hospital. Pinark ko ang motor sa bukana ng hospital. Kumaripas ako ng takbo at halos madapa na ako para lang tumawag nang nurse. Agad naman akong nakakita ng nurse at sinama. Agad dinala si erick sa OR at akoy naghintay. Tinawagan ko ang nanay ni erick at sinabi ko ang kalagayan ni erick at san hospital sya kinausap din ng ina ni erick ang nurse na nag asikaso sa anak nya at may sinabi di ko na narinig dahil tinawagan ko ang mama ko. Ng matapos na ang mga nurse ay dinala ito sa isang mamahaling room parang VIP ata ehh kaya sumunod na ako.

Nag iwan lang ako ng bulaklak at leter sa table bago umalis para bumili ng pagkain dahil gutom na din ako. Nasa Hallway ako ng makasalubong ko ang ina ni erick at kinamusta ako at dumeretso sa kwarto. Agad akong bumili at bumalik sa kwarto. Nakasalubong ko ulit ang ina ni erick na parang bababa. Nang pumasok ako sa kwarto ay nakita kong gising na si erick. Nagkwentuhan kami at dumating na din ang ina ni erick na may dalang pagkain. Puro sermon ang narinig ko sa ina ni erick. kumain kami at umalis na ako dahil may kailangan pa akong tapusin.

---------------------------------------

Sorry for short ud guys sana support nyo parin ang kwento ko and This chapter is tungkol sa character na kasali sa story KailedBlood32 thanks and salamat din sa nag follow and vote sa kwento

-Mr.A


Dragon Nest Season 1 (The Real ComeBack Is Real)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon