Pinks

24 2 0
                                    


Hi! Just wanna share a short story of my life. A story that isn't a fairy tale at all but definitely unforgettable. A story without a happy ending. But an ending that will always be remembered.

P. S. Pasensya na first time ko gumawa ng ganto :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Abhie, 18 years old. Isang kolehiyala nag-aaral sa isang pampublikong unibersidad. Transferee ako at dun ko sya nakilala. Bilang isang transferee syempre nakakahiyang makipag socialize agad kasi 'di ko pa naman sila gano kakilala. Kumbaga sila meron na silang bond bilang magkakaklase. Kaya ayun stay put lang ako sa likuran, pero atleast may mga nag-approach naman sakin nun para kilalanin ako at ganun din ako sa kanila. Madali naman silang pakisamahan kasi napaka friendly nilang lahat... (Fast Forward x4) Hahaha

....x

Isa sa mga classmates ko ay kalugar ko lang din pala, sya si Jerome pero mas kilala bilang si Pinky. Dahil nga sa halos kami ang magkapit bahay ayun yung naging dahilan kung pano ko sya naging kaibigan. (kahit na kami ang magkalugar hindi sya ang naging close friend ko, sila Jorina, Richard at Mamey ang naging unang batch ng tropa ko.)

Minsan sabay kami umuwi noon, kasi sya naglalakad ako naman nagttricycle di ko lang matandaan kung pano nila ako nakumbinsi na maglakad nun. Pero tanda ko pa nun nung naglakad kami sakto si Mama dadaan din sa dadaanan namin kaya hinintay na nya kami nun sa may gasolinahan.

A: "Uy, Nandun daw sa may gasolinahan si Mama sabay na lang din daw sya satin maglakad."

Pinky:" Ayy ipapakilala mo na agad ako kay Mama mo? Hindi pa ako handa." Biro naman nya, kasabay din namin yung mga kaibigan nya, ang cool off, kaya yung iba sa kanila nang-aasar tungkol samin.

*** Nakalimutan ko palang sabihin, si Pinky 50/50 sya. Pero mas madalas yung pagiging girly nya pagkasama kami :)

Dahil dun sa nangyaring yun, nung sumunod na araw na pasok namin may ilang nanloloko saming dalawa na baka kung anong madevelop. Ako naman noon tawa lang at sakay lang din sa trip nila, di ganun ka-big deal sa akin nun kasi nga alam kong malabo kasi nga bi sya at meron din naman syang gustong iba. Sa totoo lang di ko din akalain na magbabago din ang lahat ng yun.

Nagsimula ata yun nung napanood kong sumayaw nun si Pinky sa isang activity namin para sa P.E class namin. Ang alam ko kakagaling lang nya sa sakit noon, kaya hindi sya ganung pinagppractice kasi baka mabinat lang sya. (madami din syang sakit tulad ng asthma at parang pigsa na parang hindi sa may bandang pw*t nya) Pero nung sumayaw na sya akala mo kung sinong lalaki. Di mo sya makikitaan ng pagkahalf nya kasi nga lalaking lalaki syang kumilos. Ang hot nga kumbaga. Si Jhe nga, isa sa mga classmate ko, sigaw ng sigaw "Ang pogi pogi mo Pinky ! Maging lalaki ka nalang !" Rinig na rinig sa video yun kaya mejo tanda ko sinabi nya, Hahaha. Dahil sa sandaling oras na yun, dun ata nangyari yung di ko inaasahan. Sa una wala lang, simpleng paghanga lang. Di ko masyadong pinagtuonan yung nararamdaman ko kasi nga magkaibigan kami. kaya kahit na ganun, kinimkim ko lang sya. Ayoko kasi na magka-ilangan kami.

Normal naman lahat samin, di namin binibigyang malisya yung mga bagay bagay na ginagawa namin kasi magkaibigan naman. Nandun yung asaran, kulitan at lokohan. Naalala ko pa nun, pauwi na kami naglakad lang kami. Meron dun sa dadaanan namin yung tindahan ng MilkTea nag-aya sya na bumili kami. E nung panahong yun napabalita yung may namatay dahil sa MilkTea edi nung una alinlangan pa kami bumili, pero nung nakita naman namin na may bumibiling iba sinubukan na din namin. Isang malaki yung binili namin hati na kami sya yung pinapili ko kasi di ko din naman alam kung anong masarap dun sa pagkakaalala ko something na may mango ata yung pinili nya. Edi habang pauwi kami ininom na namin yun sabay hirit nya,

Never Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon