Jerome,
Miss na miss ka na nang WonderFriends. Miss na kita. Mahal na mahal na mahal kita. Sana nandito ka pa para marinig mo pa yan nang personal. Siguro nagtataka ka kung bakit ikaw, miski ako hindi ko alam kung bakit. Pero sigurado ako, minahal kita sa kung sino ka. Alam kong hindi ka perpektong tao may pagkukulang, may pagkakamali. Hanga din kasi ako sayo kasi kahit anong hirap ng buhay ginagawan mo pa din ng paraan para mapadali ang mga bagay bagay. Nakapa positibo mo, lalo na sa mga pananaw mo sa buhay. Di ka nawawalan nang pag-asa. Tapos ang talino mo pa, yun tipong pag mag-eenglish ka nakaka-elibs. Nakakadugo din ng ilong. Hahaha. Pero infairness nakukuha mo atensyon namin sa tuwing magsasalita ka. Yung pagiging makulit mo pa nakakadala din sa personality mo. Nakakatuwa lang. Tapos ang bait, sweet at ang gentleman mo *minsan Hahaha. Nasayo yung package nang isang ideal guy. Kaso pa-fall / paasa ka naman. Hahahaha. :) Ang nagdala talaga sa lahat nang to, sa nararamdaman kong to ay yung sa pagsasayaw mo. Ewan ba, basta may kakaiba talaga. Pero nung sa sayaw nyo talaga nun sa P.E, ang hot mo talaga nun. Lalaking lalaki ka nun e.
Basta lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari di magbabago yung pagmamahal ko sayo. Kahit wala kana dito mamahalin pa din kita. There's something in you na wala talaga sa iba. Basta yun, lagi ko naman sinasabi sayo yung mga nararamdaman ko. Lagi mo lang kaming gagabayan ha.
Salamat sa lahat ! :) Sa mga alaalang kahit kelan di ko makakalimutan, sa mga libre mo, sa mga kwento at jokes mo, sa mga pambabara mo, sa panahon na nakasama kita. Sa mga pagkakataong kailangan ko nang makakausap. Salamat at naging bahagi ka nang buhay ko. Di man ganun katagal pero ang dami mong nabago sa buhay ko. Thankful ako na nakakilala ako ng isang Jerome P. :) <3
Sabihin ko nalang sayo yung iba ko pang nararamdaman pagdadalawin ka namin. Hahaha. :)
I love you so much Jerome. We miss you so much... :*
Love, Abeng
see you soon. x