Nananahimik ako noon. walang pinoproblemang lovelife at puro barkada lang ang inaatupag ko. Nagulat na lang ako na pagbukas ko ng Facebook ko, may message galing kay Tyrone na kapatid ng kabarkada kong si Trixie. Nabigla ako nang mabasa ko na galing sa kanya ang message eh hindi naman kami close. Classmate ko s'ya noong elementary pero hindi kami madalas mag-usap kaya laking gulat ko na lang nang i-PM n'ya ako.
Ang sabi sa message n'ya, "Uy, anong cp no. mo?" tanong n'ya sa'kin.
Nagtataka man ako sa mga oras na'yun kung bakit n'ya tinanog ang cp no. ko ay ibinigay ko parin sa kanya, dahil narin siguro kapatid nga s'ya ng kabarkada ko.
Nang magkatext kami, masasabi kong isa s'yang seryosong tao pagdating sa pamilya, pag-aaral at ganun din sa pag-ibig. Kaya nung mga sumunod na araw ay nahihya na akong sumaan sa harap n'yadahil may kaunting attachment na kami sa isa't isa. Lumipas ang pa ang ilang araw ng pagkakatext namin ay mas lalo kong nakumpirma na may pagtingin nga s'ya sa akin.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang s'ya o ano, pero sumakay na lang ako sa trip n'ya. Nagpapahiwatig s'ya sa'kin. Isang beses ay niyaya n'ya akong lumabas kami pero tumanggi ako. Minsan ay nabanggit n'ya sa'kin gamit ang text tungkol sa sunod-sunod na pag-aasawa ng mga kabarkada ko.
"Buti ay hindi mo pa naiisipang mag-asawa 'no?" sabi n'ya sa text.
"Kailan mo ba ako balak alukin?" biro ko sa kanya.
"Hindi pa kasi ako ready. Magtatapos pa ako ng pag-aaral. Mahihintay mo ba?" sagot naman n'ya. Nabigla man ako sa isinagot n'ya ay tinawanan ko na lamang ang bagay na iyon.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero pariramdam ko ay nahuhulog narin ako sa kanya. Isang araw ay nakita ko s'yang nakaupo sa nakaparadang jeep malapit sa tapat ng bahay nila at may kausap sa cellphone. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso.
Tinext ko s'ya at sinabing, "May katawagan ka kanina, ah." Sinabi n'ya na kaklase n'ya lamang iyon at huwag na akong magselos.
"Gusto ko kasi, ako lang." Sagot ko sa kanya. Akala ko ay babalewalain n'ya lamang ang text kong 'yon sa kanya pero tila may mga paru-parong lumipad sa t'yan ko ng sabihin n'yang sa akin na, "Eh 'di sa'yo na ako."
Pero pagkatapos ng araw na iyon ay madalang na s'yang magtext. Kapag nagkikita kami ay pskiramdam ko, umiiwas s'ya sa'kin. Gaya na lamang nung isang beses na tinext ko s'ya at kinamusta ko s'ya. Ang sabi n'ya ok lang naman s'ya pero pakiramdam ko may kulang, nanlalamig na s'ya. Sinabi ko na miss ko na s'ya pero hindi na s'ya nagreply. Kapag nagtatama naman ang mga mata namin ay ako na lang ang kusang umiiwas. Hindi ko rin alam pero tuwing nahuhuli ko s'yang nakatingin sa'kin ay napapangiti ako.
Binalak ko ulit s'yang itext pero nalungkot ako ng hindi s'ya nagreply. Halos buong araw kong hinintay ang text n'ya pero wala.
Siguro umasa lang ako. Umasa lang ako na totoo lahat ng sinabi n'ya sa'kin. Ang tanga ko kasi, bakit ko pa hinayaang papasukin sa buhay ko? Sa mundo ko? Gayog maayos naman ako noon ng wala s'ya? Kapag nakikita ko s'ya ay halos mabato ako sa kinatatayuan ko. Kapag umaalis naman s'ya ay pakiramdam ko may sinayang akong pagkakatao para tingnan s'ya at ngitian pero nahihiya ako. Nahihiya at natatakot ako. Natatakot ako na baka balewalain n'ya lang ako.
May karapatan ba akong manumbat sa kanya dahil hindi na s'ya nagtetext ako ngapaparamdam? Susumbatan ko ba s'ya dahil pinaasa n'ya ako at iniwan sa ere, kung kailan may nararamdama na ako sa kanya ay iiwan n'ya na lang ako ng basta basta? Pinaasa n'ya ba talaga ako o ako lang ang tangang umasa at naniwala sa kanyang matatamis na salita? Pero hindi naman ako aasa kung wala s'yang motibong ipinakita. Kasalanan ko ba na pinapasok ko s'ya sa buhay ko o kasalanan n'ya dahil ginulo n'ya ang nananahimik kong mundo?
Siguro ay ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Wala naman kasi s'yang nilinaw kung anong mayroon kami pero ako itong umasa na mayroon talaga.
Ganyan naman talaga ang mga lalaki. Magaling lang sa umpisa. Paiibigan ka, pakikiligin ka, pero kapag nagsawa na, iiwan ka na lang mag-isa.
December 15, 2015
1:30 A.M.
BINABASA MO ANG
Ruptured Hearts
Short StoryYou deserve to be happy. You deserve to cry the good kind of tears that you never thought you would shed. Don't settle for someone who can't appreciate your value in their life. Don't settle for someone who wants to be around you one minute but, is...