I'm in love with a monster

13 0 0
                                    

A/N --- > First time ko po itong gagawa ng story, sana magustuhan ninyo. =)

"Love all the bad and wrongs in him first before you love the good in him,

because acceptance is always  the best way of loving someone."

"RIZEE!!!"

Hmmm.. Inaantok pa ako e.. ano ba naman yan.. 

"RIZEE!!!"

"Gusto ko pa talagang matulog!" Napasigaw ako ng hindi ko sinasadya.. Patay ako nito sa mga Mang Ku.

"Aba, sumasagot ka na saken ah. Tumayo ka na nga jan. Kung hindi lagot ka talaga saken." Sabay hatak sa tenga ko, kaya naman nagising talaga ako. "Dalian mo na jan, magluto ka na, nagugutom na kami ni Zoe!" 

Eto na nga di ba? Nakatayo na. WAAAAHHHH!!! 5 am palang naman ah, ang aga namang mambulabog ng mga to saken.

Ako nga pala si Rizee dela Rosa, 16 years old, 4th year highschool. Kung tinatanong mo kung ano ung Mang Ku, mga kapatid ko un, Mang Ku, short for MANGKUKULAM! hahahaha.. Ang sama ko ba? Parang di naman. E kasi naman sila e, kung alilain ako unlimited. Well, I have two half sisters, sila Ate Zoe at Ate Zia. Half Sisters kasi magkaiba kami ng mom. Yung mom kasi nila namatay sa isang accident, so si Dad naging sobrang lungkot kaya naghanap siya ng iba, and that's where may mom took a place on my dad's heart. Yun nga lang namatay ung mom ko nung pinanganak ako, kaya si Dad lang ang nagpalaki saken. Ayaw na nila Mang Ku sa mom ko simula pa lang, kasi naman daw dapat hindi na nag-asawa ulit si dad. Dapat daw ung mom lang nila ang love ni Dad. Kaya ayun, since wala na si mom, saken napasa lahat ng galit sa mundo nila Mang Ku, gawin daw ba akong alila!

Well, kelangan ko na maghanda ng pagkain nila. Sa akin kasi lahat ng gawain dito sa bahay e. Walang ginagawa ung mga ate ko. Aiyt! Meron pala silang ginagawa, magpagada, magpaganda, magpaganda. Yan ang ginagawa nila buong araw. Tapos na sila ng college pero ayaw paren nila magtrabaho. Sabi kasi nila para saan daw ba ung kompanya ni dad kung magtratrabaho pa daw sila. Ang weird nila noh, mas masarap kaya ung pera na pinaghihirapan mo. Well, pananaw nila un eh. Ayaw ko naman silang sagutin kasi baka lalo pa nila akong pahirapan dito sa bahay. Nakakapahinga lang ako pag nandito sa bahay si dad na madalang na madalang kung mangyari.

"RIZEE!!!"

Si Ate Zoe yun. Buti na lang tapos ko na tong pagkaen nila. Pwede na akong mag-asikaso for school. So, inakyat kona sa kanila ung food nila. Gusto kasi nila lagi BB ehh, as in Breakfast in Bed. Hayst.. Buti wala silang masyadong utos ngayon. Makapag-ayos na nga para sa school. Malelate na ako e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm in love with a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon