INTRODUCTION

9 0 0
                                    


WHEN PROBINSYANA MEETS ART ENTERO

by: SimplyMe_0021


INTRODUCTION:


Maya's POV


"Maya, bilisan mo diyan, padating na yung amo nating aasikasuhin mo.." sabi ni Nanay saken mula sa kusina,


inayos ko na yung pagkakasuot nung long sleeve na polo ko, nagsuot na ko nung sumbrero at bota, diretso na sa bukid mamaya para magtanim ng palay,


"sige ho Nay, mauuna na po ako.."


pagkatapos kong ibilin sa kapatid ko si Nanay at yung mga gawaing bahay, lumabas na ko dala yung mga gamit ko at pumunta na dun sa mansyon kung saan tutuloy yung amo namin, bale anak siya nung totoong may-ari ng haciendang pinagtatrabahuhan namin at binilin siya saken ng mga magulang niya,


matigas daw kasi ang ulo niya kaya pinadala siya dito para turuan ng leksyon at ako ang magtuturo sa kanya nun,


madali lang naman eh, tuturuan ko siyang magtanim ng palay, mag-alaga ng mga hayop, magsibak ng kahoy at sari-sari pang mga gawain sa bukid,


hindi ko pa siya nakikita at nakikilala kaya kailangan kong maghanda, aba, makakasama ko siya ng ilang araw dun ng kaming dalawa lang, siguradong tatanda ako ng maaga neto =_______=


hindi pa pala ako nakakapagpakilala, Marie Arriane Ynares Alcantara nga pala, Maya for short, 21 years old, high school lang ang natapos ko dahil hindi na ko kayang pag-aralin ng Nanay ko, iniwan kami nung Tatay ko nung bata pa ako kaya apilyedo ng nanay ko yung ginagamit ko >_______<


laki ako sa probinsya at sa loob ng ilang araw, linggo o buwan.. kailangan kong baguhin ang isang.. Manila Boy..

WHEN PROBINSYANA MEETS ART ENTEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon