PAGE 5

2 0 0
                                    


WHEN PROBINSYANA MEETS ART ENTERO

by: SimplyMe_0021

PAGE 5

Maya's POV

"paglilinis ng kulungan ng manok, check!! pagtatanim, ex!! kaya uulitin mo pa to sa ibang araw.. pagkuha ng itlog, check!! pagpapakain sa kambing, check!! pagkuha ng gatas ng baka, check!! pagpapaligo ng baboy, hmmm.. mukhang maayos namang napaliguan si Bebe at Honey kahapon kaya pwede na siguro tong i-check!! okay.. sa isang linggo mo dito, may lima ka nang check, isang ex, at isang day-off.." paliwanag ko kay Art habang hawak ang isang check list,

"hindi pa ba ko pwedeng umuwi??" tanong niya at sumandal sa upuan,

nasa kusina kami ngayon at nag-aagahan,

"hindi pa.." umiiling na sabi ko,

"psh, ayaw mo lang ata akong pauwiin kasi mami-miss mo ko eh.." bulong niya na halata namang pinaparinig niya saken =_______=

"feelingerong to, kapal ng mukha natin ah, asa ka naman no.."

lumingon siya saken habang humihigop sa kape niya, umiwas naman ako ng tingin,

ano ba to, para kasing hindi ako maka-hinga pag ganun eh >_______< ewan ko ba,

"sabagay, mami-miss ko din naman tong kape mo.."

yung kape lang?!!

ayy ano ba naman yun =_______=

"syempre pati ikaw.." napalingon ako sa kanya dahil dun sa sinabi niya, mind reader?? kinindatan niya ko kaya napa-iwas ulit ako ng tingin,

*Dug Dug Dug

"tigilan mo nga ko, hindi yan uubra saken.." siguradong may kailangan nanaman yan kaya paganyan-ganyan,

"kahit pala ang-itim mo halata pa rin kapag namumula ka, hahahahahah!!"

sinamaan ko siya ng tingin at babatuhin ko sana ng kutsara kaso hinawakan niya agad yung kamay ko,

"whoah, masakit yan, pag tumama yan sa mukha ko, mababawasan ng gwapo sa mundo.." natatawang sabi niya,

"grabe ah, nahiya naman ako sa kulay mo.." asar na sabi ko sa kanya,

"hahahahahah!! binibiro ka lang eh, pero totoong maitim ka.." pang-aasar niya nanaman =_______=

yung tinidor naman ang dinampot ko at ready nang itusok sa pagmumukha niya kaya lang hinawakan niya nanaman yung kamay ko para pigilan,

"hahahahah!! pikon talaga.."

napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko,

*Dug Dug Dug

ano ba naman to, parang pakiramdam ko nagpa-panic ako,

inagaw ko agad yung kamay ko sa kanya,

"angputi mo talaga.." sarcastic kong sabi sa kanya,

"dito na nga ako nangitim oh.." tinignan niya pa yung braso niya,

hindi naman siya umitim eh, parang ganun pa rin yung itsura niya nung dumating siya dito,

namumula lang siya pag tumatapat sa araw pero walang nagbabago sa kulay niya,

maliban sa ugali, medyo hindi na siya reklamador ngayon, improvement din yun no, pero mayabang pa rin =_______=

"uy!! natulala ka na sa mukha ko, nagagwapuhan ka talaga siguro saken no??" tinaas-taas niya pa yung kilay niya,

umiwas ako ng tingin, angkapal talaga niyaaaaaaa =_______=

"angpanget mo kaya.." syempre joke lang yun-- este totoo pala yun, ugh >_______< "tapusin mo na nga yang pagkain mo, magpipitas pa tayo ng mga prutas kaya mag-ayos ka na diyan.." sabi ko sa kanya,

tumayo na ko at naglakad na palabas ng kusina,

narinig ko pa siyang nagtatanong kung bakit daw ako namumula pero hindi ko na pinansin,

hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko, pakiramdam ko nga ang-init ng pisngi ko eh, bakit kaya??

hinawakan ko yung leeg ko, mukhang hindi naman ako magkakasakit..

bumuntong-hininga ako at humawak sa dibdib ko, napapadalas na to ah, parang medyo malakas yung tibok ng puso ko, ano kayang ibig sabihin neto??

sa mahigit isang linggo ng lalaking yun dito, oo, mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung dumating yung mokong na yun, wala siyang ibang alam gawin kundi mang-asar at manira ng araw,

napaka-pasensyosa ko lang talaga kaya natagalan ko siya, nung mga unang araw palagi talaga kaming nag-aaway pero hindi na gaano ngayon,

medyo sumusunod na din naman siya saken eh, aba dapat lang, hindi siya makaka-uwi ng Manila kung matigas ang ulo niya..

WHEN PROBINSYANA MEETS ART ENTEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon