3

24 0 0
                                    

Samuel's P.O.V

Nagmadali kami ni Sebastian na umalis office. Nagulat man si Alex dahi l may dalawa pa akong appointment ay di na siya nagtanong pa.

She's back. My Samantha is back. Nothing could have made me happier and excited like this. Samantha Hidalgo is my high school sweetheart. The one who made me smile like no one else can. The love of my life. The I one I refused to fight for and chose to let go. The reason why I keep making myself a better man.

"Bro, masyado kang masaya!" Panunukso ni Basti habang nagmamaneho.

"I have my reason para maging masaya. " Nakangiting sagot ko sa kanya.

"I've seen that smile before. Ganyang ganyan ang ngiti mo noong kayo pang dalawa at sweet na sweet kayo." Sabi ni Basti na nakapagpabalik sa akin sa nakaraan namin ni Samantha.

~Flashback

February 14, 2001

"Pre, nasaan na ba si Hidalgo?" Tanong ko kay Basti na busy makipaglandian kay Angel. 

"Malay ko. Tingnan mo sa gym. P.E class nila ngayon eh." Sagot sakin ng mokong na ito na halatang ayaw magpaistorbo.

Iniwan ko silang dalawa sa canteen at pumunta ng gym. Bakit kasi hindi kami magkaklase? Di ko tuloy alam kung anong klase niya.

Higit isang taon ko na ngang nililigawan ang isang ito pero wala ata akong dating sa kanya. Third year high school na kami. Dapat maging kami bago grumaduate ang batch namin.

Pagdating ko sa gym ay nandoon nga sila. Pero hindi P.E ang klase nila. Mukhang english. Kasi may drama play sila ng Macbeth. Di muna ako pumasok at baka mapagalitan ako ng teacher nila na si Ms. Francisco. Terror iyon. Bitter pa. Matandang dalaga kasi.

Kusang hinanap ng mata ako ang isang babae may tamang tangkad, maputi, maganda ang tindig, at palangiti. Hindi nagtagal ay nakita ko ang aking sadya. Naroon si Samantha na nakatayo sa baba ng stage at tila naghahanda. Mukhang di pa sila sumasalang. Buti naman. Makikita ko pa siyang umarte. Pag sinuswerte nga naman.

Nakita ako ng isa niyang kaklase na kasalukayang nasa kabilang parte ng stage. Si Tom, barkada ko at kaclose niya. Bakla siya pero wala akong problema doon. Nilapitan niyo si Samantha na tila ibinulong na nandito ako. Tama ang hinala ko dahil biglang napatingin sa direksyon ko ang magandang dilag. Nginitian ko siya pero iniwas niya ang tingin sa akin. Nilapitan din siya ni Ms. Francisco at may sinabi.

Matapos noon ay naglakad siya palapit sa akin. Pinagbuksan niya ako ng gate ng gym pero hindi pa rin nagsasalita at ngumungiti.

"Ang ganda mo," sabi ko sa kanya.

"Pinapapasok ka ni Ms. Francisco. Dahil nandiyan ka naman daw eh manuod ka na." Dirediretso niyang sabi habang naglalakad papunta sa may stage.

"Di mo ba narinig ang sabi ko. Sabi ko, ang ganda mo." Sabi ko sa kanya habang sinusundan siya.

Di niya ako pinansin. Dumiretso siya sa back stage at iniwan ako sa tabi ng matandang dalaga na ito.

Di nagtagal ay nagumpisa na ang play nila. Siya ang gumaganap na Lady Macbeth. Ang ganda niya talaga sa red gown na costume niya. Ang galing din niyang umarte. Dalang dala kami ni Ms. Francisco sa arte niya. Natapos ang play nila na may standing ovation mula samin ng teacher nila.

Iba yung ngiti niya noong natapos ang play nila. Maybe acting is something she looks forward to someday.

Nagpack-up na sila pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Nakatayo lang ako dito at tinitingnan siya. Ano ba ang dapat kong gawin para mapansin niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon