The First Meeting

75 3 2
                                    

Kim’s POV

 “Sissy, bangon na dali at malalate kana sa interview mo para sa work mo dun sa bagong company. BIlis na. Tayo na dali. Dali.” Ang kulit kulit naman nitong aking magandang kapatid (Syempre mana ako sayo ei (^_*) ).

“Antok pa ako ei. Hindi ba pwedeng wag nalang ako pumunta sa interview? Sige na naman Sissy oh. Ayoko talaga ei,  tamad ako.” Pamimilit ko sa kanya.

“So, ibig sabihin babaliwalain mo nalang yung mga paghahandang ginawa ko para kahit man lang moral support may maibigay ako sayo? Nakakapagtampo ka naman Sissy ei. Alam mo ba na ipinagluto pa kita ng almusal tsaka ipinaghanda kita ng meryenda para kung sakaling matagalan ka dun, di ka magutom?” papaiyak na sabi na aking kapatid

“Oo na, babangon na ako. Maliligo nako, labas na dun. Bilis na”. Sabi ko sakanya para naman gumaan ang loob nya.

Hay nako talaga. Ito talagang kakambal ko, di ko matiis, kung arte lang, wala na ahahai tunaw nako, sarap talagang sapakin oo. Hay nako, napilitan pa tuloy akong pumunta sa interview/orientation ngayong araw na ito. Sus, kung di ko lang sya mahal ay na XDD

“Sissy, baba na. Kakain na  tayo. Nalunod kana ba jan sa banyo mo? Joke”. Rinig kong sigaw nya mula sa baba

“Oo na po, anjan na. Nag-aayos nalang po ako.” Sagot ko naman sa kanya

Pagkatapos kong kumain ei nagprepare nako for shooting. Ahahai di joke lang, papaalis nako ^____^ syempre.

“Ohh Sissy, ingat ka don ha. Pag nagutum ka may pagkain jan sa bag mo, may tubig din pag nauhaw ka. Balitaan mo ko kung anong balita ha. Di kita masasamahan dun ei. Basta I’ll pray for you promise yun tsaka isa pa, magaling ka naman ei. Kaya mo yan.” At niyakap na po ako ng aking madramang kapatid. Hay nako, kasarap jumbagin nitong babaeng to, kung pwede nga lang kaso mahal ko to ei XD

 “Oo na po. Ohh sya, alis nako ha. Baka malate pako ei. Ingat ka  dito. Wag engot  ha. XD”  Nag belat pa ko sa kanya bago tumakbo  ng di nya ako mahabol.

 Hay nako. Ano naman kayang aabutan ko dun ? ayoko naman talaga kasi sanang pumunta sa interview na yun ei kaso ang mapilit lang talaga ang aking kapatid. Anyways, di pa pala ako nakakapagpakilala.

I am Kim Verly _______. . (Secret nalang yung apelyido ko XD baka mabuking nyo ei. Mahirap na)

Yung kapatid ko kanina, sya si Jhem, Jheramie XD

Ohh diba ? kame ng may mga unique na pangalan, anyways wag ng epal . Sya kasi gumawa nito, baka mabago pa ang happy ending ko ahahai.

Kasalukuyan ako ngayong papasakay ng bus papuntang opisinang inaapplyan ko (malamang, alangan naming gumala ako diba ? pero pwede din. Joke)

Dito ako naupo sa pangalawang upuan sa may dulo, malapit sa bintana. Mahilig kasi akong mag inarte ei ahahai

“Excuse me, may nakaupo ba dito ? Pwede bang makiupo ?” 

 “Opo ka kung gusto mo, wala namang nagbabawal sayo ei”. Sagot ko na nakatuon parin ang pansin sa labas ng bintana. Di ko man lang sya pinagkaabalahang lingunin. Sungit ba ? ganyan  talaga ako sa mga strangers XD brutal ei noh.

“Salamat ha”. Sabi nya, pero  di ko na sya pinagtuunan ng pansin. Bahala sya.

Nang makarating kame sa bus stop malapit sa opisinang pinapasukan ko, bumaba na ako na di parin nililingon yung aking nakatabing lalaki.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N’s note

(^O^)V hallo hallo

masayang pagbabalik sa akin. May nakamiss ba sakin ? ( _ _ ") Tingin ko wala naman ei TT^TT how sadness it is ahahai. sadness daw.

Anyways, dapat one shot lang ito, pero naisip ko na pangit ata kung isang bagsakan lang.

.

.

.

 Walang Thrill XDD

Ito lang po muna for now, pag tyagaan XDD

                              --- > Chao

                                                                                ♥Jhem ♥ 

~ Unmei ~ (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon